Letter L

6 0 0
                                    

"Marie!" pagtawag ng kung sino sa'king pangalan. Nang aking lingunin, nakita ko ang aking kaklase na si Floyd na nakatayo habang may mga bitbit na papel at libro. Nginitian ko naman ito.
 
"Yes?" tugon ko. Inayos niya muna ang kaniyang salamin bago nagsalita.
 
"Sinong presidente mo?"
 
"Presidente ko o presidente ng klase? Kasi ikaw lang naman ang nasa posisyon na 'yon."
 
Natawa naman ito sa'king sinagot.
 
"Ang ibig kong sabihin ay kung sino ang iboboto mo sa darating na eleksyon. Kasi ako, na kay Leni ang boto ko."
 
Tumingala ako at kunwaring nag-isip. "Um, ano, si Leni din."
 
"At talagang pinag-isipan mo pa?" naiiling habang natatawa niyang saad. Tinawanan ko na lang din.
 
"S'yempre para may thrill."
 
"Btw… si ano ba…" Nilingon ko siya. Napakunot naman ang noo ko. Sino na naman ba ang tinutukoy nito? 'Di kaya…
 
"Sino?"
 
"Si ano…" kamot niya sa kaniyang batok. "Si Nini…"
 
"Ah, akala ko naman kung sino," tawa ko. "Anong meron sa kaniya?"
 
"Napagkwentuhan niyo ba tungkol sa kung sinong mauupong presidente?"
 
"Oo."
 
"Sino 'yung kaniya?"
 
Pagtripan ko kaya 'to tapos sabihin kong si Manny? HAHAHAHAHAHAHA
 
"Close naman kayo, 'di ba?" pagtukoy ko sa'king kaibigan na si Nini.
 
"O-oo…" may pag-aalinlangan niyang sagot.
 
"Alam mo naman siguro kung anong favorite letter niya?"
 
Kumunot ang noo niya. "Ha? F-favorite letter?"
 
"Oo," ngiti ko.
 
"Anong kinalaman nung favorite letter niya sa usapang eleksyon?"
 
Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad. Hindi pa man din ako nakakalayo ay narinig ko siyang nagsalita.
 
"So, Leni din siya?"
 
Muli ko siyang hinarap. Kibit-balikat akong nginitian siya at saka naglakad palabas ng eskwelahan.

created: 05/08/2022.

SHORT STORIES COMPILATION Where stories live. Discover now