Here's to 5!

17 0 0
                                    

Dedicated to my no. 1 eonni, Crystal! Happy 5th Anniversary to us! I love you! Stay strong satin.

------------

"Dara-eonni?" katok ko nang makarating sa bahay ng kaibigan kong si Dara. Mukhang wala ata siya dito.

Kumatok pa ko ng ilang beses and luckily, may lumabas.

"Oh, ikaw pala! Teka tawagin ko lang si Dara ah? Pasok ka muna, Lili." salubong sakin ni Tita Dani. Umakyat siya sa second floor para siguro gisingin si Dara. Puyat kasi ng puyat, yan tuloy baka tulog pa. Naistorbo ko pa ata hehi.

Habang ako naman heto, nasa labas pa rin. Nakakahiya kasing pumasok, hindi pa gising yung sadya ko.

Umupo na lang ako sa gilid malapit sa may pinto nila at nag-cellphone muna.

Nasa gitna ako ng pag-ttweet nang biglang dumating si ate Diana, ate ni Dara.

Ngumiti ang mata niya nang makita ako.

"Oh, Lili! Musta ka na? Tagal mo ding hindi nagawi dito." masaya niyang saad. "Kwento ka naman." dagdag niya at umupo sa tabi ko.

"Ah, wala naman pong masyadong nangyari sakin." pagtatapat ko. "Bukod sa hindi ako gusto ng gusto ko eh, wala na po. Ikaw po, kamusta?"

"Hay nako, ito single pa rin gaya ng kaibigan mo. Di ko talaga alam kung bakit walang nangliligaw sakin... eh maganda naman ako. Ano pa bang kulang?" tanong niya. Humarap siya sakin. "May kulang pa ba sakin, Lili?"

Umiling ako. "Wala naman po. Halos lahat na nga po nasa inyo eh. Sadyang hindi pa siguro dumarating yung para sainyo." nag-angat ako ng tingin. Ngumiti ako at pinakatinignan ang ulap.

"Sa tamang panahon at oras, magtatagpo din po kayo nung nakatakda para sa inyo, ate Diana. Kaya tiis-tiis muna po tayo." at nagtawanan kami.

"Bilis-bilisan niya lang baka sa sobrang tagal niya tumanda na kong dalaga." biro niya.

"Hay nako, dadrama niyo. Ang aga-aga tsk." finally gising na siya. Buti naman.

"Buti naman at gising ka na. Hindi ka man lang nahiya sa bisita mo, pinag-antay mo pa tsk. Kung ako yan, kanina pa ko gising at naligo." umiling-iling na tumayo si ate Diana at nagpaalam na mag-aayos muna dahil may pupuntahan pa daw siya. Samantala...

"Anong chika? Ba't naparito ka? Ang aga pa ah?" sunod-sunod niyang tanong habang kinukusot-kusot ang kanyang mata.

"Nakalimot ka naman agad tsk." umiling ako. "FYI, may lakad tayo ngayon. At kanina pa tayo inaantay nila Icy."

Nanlaki ang mata niya sa kanyang narinig.

"Ano!? Ba't hindi mo agad sinabi!? Hays!" dali-dali siyang tumakbo pa-CR at naligo.

------------------

"Ba't kayo late? Di ba sabi ko, 10 am sharp? Tsk." Icy asked in dismay.

"Ito kasing si Dara eh..." napatingin naman si Dara sakin and her brows are creased.

"Nagpuyat tapos hindi nakagising agad? Knows ko na 'yan. Ganyan naman na talaga yang si Dara. ML player eh."

"Actually..." panimula ni Dara. "Maaga ako nagising kanina pero natulog ulit ako kase akala ko walang ganap... yun pala meron." humarap siya samin. "Di naman kase kayo nag-chat sa gc eh."

"Buti na lang kamo at malapit lang bahay ni Lili sayo't sinabay ka na niya." Icy retorted.

"Stop that na, Icy. Nandito naman na sila eh. Tama na 'yan." pang-aawat ni Chelsea.

SHORT STORIES COMPILATION Where stories live. Discover now