F. R. I. E. N. D. S

28 0 0
                                    


Wala akong kaibigan.. well actually.. meron naman? Kaso hindi ko sila maramdaman.

"Jade, tara sama ka samin."
"Oo nga, Jade."
"Dalina, Jade. Pleaseee?"
"Wala namang pasok e."

Yan. Ganyan sila kabait kapag gusto nilang akong isama.

- - - - - - - - - - - -

"Cha, pasaan kayo?" tanong ko sa isa sa mga 'kaibigan' ko.

"Ah.. ano kase.. Jade.. may pup--"

"Wala yon, Jade. Sige na may gagawin pa kami e. Bye!"

"Dana, sige na. Sama niyo na ko." pagpupumilit ko.

Tinignan ko silang dalawa. Gustong-gusto akong isama ni Cha kaso ayaw naman ni Dana. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganon. Nilapitan ko sila.

"Sige na, Dana. Gumora ka kayo baka kase importante yan e." panghihinayang ko.

Nakita ko ang lungkot sa mata ni Cha. 'Ayos lang ako, Cha.'

"Y-yun! Papayag din naman pala itong si Jade e *inakbayan ako* sige na.. aalis na kami. Kumain ka na lang dyan. Byebye!"

Inalis niya ang pagkakaakbay sakin. Nilapitan niya si Cha at inaya na niya itong umalis.

-----------

At ayon, naiwan na naman akong mag-isa sa classroom na ito.

Okay lang.. sanay naman na kong mag-isa.

Wala naman akong galit sa kanila not until this day came.

Pansin ko, parang nilalayuan nila ko.. at actually, iwas na iwas sila sakin na parang may nakakahawa akong sakit.. like HIV, TB, etc.

Paakyat pa lang ako papunta sa room namin nang makita ko sila Cha, Dana, Kristel at Hannah. Para silang may tinataguan. So nagtaka ako. Sino kaya yung tinataguan nila? Masundan nga.

Sinundan ko sila... at dun sa may tagong parte sila nahinto.

Nag-uusap sila. Dahil dakilang chismosa ako, ayon nagtago ako sa may halamanan at nakinig sa kanilang usapan.

"Di ba niya tayo nasundan?" Si Dana yung nagsalita.

"Hindi. Pero nakita ko siya.. tatawagin ko nga sana e." rinig kong sabi ni Cha.

"Bat mo pa tatawagin? Tss panira lang naman siya sa grupo." sabi ni Dana.

"Tama si Dana, Cha. Epal lang naman yun e. Dikit nang dikit satin na parang linta. Nakakairita." boses yon ni Kristel.

Te-teka..

To-totoo ba y-yong na-narinig ko?

Nananaginip lang naman ako di ba?

Pwede bang pakigising ako?

"Grabe ka naman sa tao, Kristel." rinig kong sabi ni Hannah.

"Oh, bakit? Tama naman si Kristel, Hannah e. Si Cha lang ang gusto nating kaibiganin. Wala sa usapan na pati si Jade ay kakaibiganin din. Tss feeling masyado." inis na lintanya ni Dana.

"Dana naman.."

"Oh, bakit, Cha? Ikaw lang ang gusto naming maging kaibigan at hindi siya. Di ko gusto ang ugali niya."

A.. ayaw pala nila sakin?

Bat hindi nila.. sinabi?

All this time na kasama ko sila..

Akala ko kaibigan ko talaga sila pero nagkamali ako.

Umiiyak ako ngayon. Sino ba namang hindi di ba? Malaman mong hindi ka pala welcome..

SHORT STORIES COMPILATION Where stories live. Discover now