Sampung araw at dalawang patay na ginawa ko, nais kong hindi ko na makilala pa si Hugo o ang iba pa.
Tulad ng alam ko, 4 na taon na ang nakalilipas nang nangyari ang samahan, na naging sanhi ng pagiging isang mandirigmang tulad ko.
"Dito ako nababagay noong una pa lamang. Kaya kahit ano'ng takas ko sa landas o tadhana. Dito na 'ko nabibilang."
Pinagsama-sama ni Ama ang lahat ng may koneksyon sa kaniya. At kasama na 'ko ro'n.
Ilusyon lamang ang pagkamatay niya upang hindi na mag-alsa ang iba't-ibang lahi. At do'n nag-umpisa ang patagong organisasyon.
Sa araw na iyon, naalala kami ng sangkatauhan ngunit ang aking ama ... binura ang alaala kahit ako. Ngunit nabigo siyang burahin ang aking memorya kahit na siya ang nagtatag ng lahat ng aming kapangyarihan.
Patuloy akong sumusulong hanggang sa wakasan ko ang mundo sa isang mapayapang paraan. Kahit na ang kahihinatnan nito ang buhay ng nakararami.
"Mamatay ako nang walang panghihinayang. "
Ito ay isang gawa ng kathang-isip. Maliban kung ipinahiwatig, ang lahat ng mga pangalan, tauhan, negosyo, lugar, kaganapan at insidente sa aklat na ito ay alinman sa produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginamit sa isang gawa-gawa lamang. Ang anumang pagkakahawig sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o tunay na mga kaganapan ay pulos nagkataon.
BINABASA MO ANG
Reality is Cruel [BOOK 2] (ON HOLD)
FantasyNakatutuwa't nakaabot ka pa rito. May adhika ka bang malaman ang katotohanan ng mundo? Sa katotohanan, lahat tayo ay nasa isang hawla. Sinusubukang makatakas. Kung ang kalayaan ay madaling makamit, bakit mahirap makuha? Ang pagdurusa ni Eartha ay ma...