Mga Anghel na Nagkaila
Eartha's POV
NAIS naming maniwala na walang impyerno sa mundo na mas masahol kaysa sa alam natin
ngunit araw-araw ay parang lumalala lamang.
Hindi kami handa. Ngayon kailangan nating ibangon ang okasyong ito nang maiwasang lahat ang konsiderasyon.
Kapag ang bawat araw ay isang bangungot na laging bumabangungot. Maghihintay kami para sa taglagas.Itabi natin ang ating mga kahinaan at tawirin ang linya kahit anong paraan mo ito masira.
Wala pa kaming mga sagot sa mga katanungan. Mga demonyong madaling makapatay. Tatayo tayo at mag-aaway.
Dahil, hindi kami umaatras.Hanggang sa tumigil ang ating mga puso, gamit ang aming sariling mga kamay.Tatayo tayo at mag-uukit ng landas sa ating kinabukasan.
Nagising ako at panaginip lang ito tungkol sa... hindi ko alam. Hindi ko na matandaan kung ano ang tungkol sa aking panaginip, "Anong ibig sabihin... no'n? "
Naglakad-lakad ako at nasilayan si Alma na nakatulog na sa tabi ni Gale. Hindi ko man lang napansin na pumunta na pala sila rito.
Maraming angkan man ang nawala sa lungsod ng Earthall. Hinding-hindi pa rin magbabago ang mga karanasan namin doon.
"Eartha? Ayos ka lang ba? Mukha kang maputla tulad ng isang pulang kolorete. " pang-aasar sa akin ni Sutter.
"Parang iba ka. " hindi niya man lang naino ang ginagawa niya. Ano naman kayang kalokohan ito.
Ano'ng initan (kumpas) 'to? Ang presensya na ito ay ... naiiba kay Arthuro o kahit kay Aileen. Maaaring ito ay? Ang FlameRock ?!
"Sumama ka sa'min, manggagamot ng dugo. Iba na kami kung hindi ka sumama sa amin. "
"Naintindihan ko. May iba pa akong nakalimutan. Ito-! " Tinangkala (inunawa) ko muna kung ano ang pakay nila at 'yon ay ako. Mukhang nanganganib ang lupain nila ngunit hindi ko muna sila pagbibigyan sa ngayon.
Umagapay ang mga nilalang na ito kaya naman, naisipan kong bugahan sila ng asido ngunit nahawakan nila ito at papalapit na sa akin.
"Tumigil ka na, hindi namin kailangan nang kaguluhan na ganito. Adhika lamang namin ang iyong panggagamot para sa aming mamamayan. Pakiusap. "
"Ang lugar na kinaroroonan mo ay inaatake ngayon, hindi ba? Inaatake ba ito ng tatlong tao? "
"Tama. Pakiusap kailangan namin--"
"Naintindihan ko na. Itigil mo na ang kalokohan na ito at pumunta na tayo kung nais mong iligtas ang iyong lugar."
Kung kailangan talaga nila ng tuwang, bakit nalaman nila? Kakaunti lamang ang nakakikilala sa akin ngunit paano naging posible iyon?
Nakapunta na kami sa lupain nila at maraming nagalusan. Karamihan ay mga bata't mga ninja ng FlameRock. Pati ba naman dito? Kaawa-awa.
"Makinig! Heto na ang hinihintay nating lahattt! Ang dugong manggamot! Tumakbo kayo't sipsipin ang dugo niya kung gusto niyong mabuhay! "
Teka, ano'ng?! Hindi ako makagalaw, hindi. Naparalisa ba ako ?! Kinagat nila at sinipsip ang dugo ko sa kamay, sa may bandang paa, sa mukha. Isang malupit na mundo ito.
Sumapit na ang takip-silim. Lahat ay gumaling at wala man lang binigkas na kahit ano. Ito ang pinakapangit na panghihinayang na mayroon ako. Hindi, dahil nais nilang mabuhay. Ito ba ang parehong bagay na ginawa natin noong bata pa kami? Palaging pamilyar ang eksenang ito.
Halos matulig ako (mataranta) sa mga kaganapan na nagaganap. Tumakbo ako sa isang inabandunang bahay at dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko ang isang patay na babae at siya ang aking ina?! May kagat din siya? Hindi pwede. Ano ba ang lugar na ito?!
Sinipa ako papasok sa abandunadong lugar at sinaraduhan. Ang lamig na kung saan ay parang maninigas na 'ko.
"Nasaan sila? Walang nag-alala sa akin.Ako ay ... laging ... nag-iisa hanggang sa araw na mamatay ako. " halos nanlalamig na ang bawat parte ng katawan ko. Hindi na 'ko makagalaw. Nararamdaman ko na ako ay siyam na taong gulang na iniisip kung ano ang gagawin ko upang makaligtas.
Sinira ko ang pintuan at nagtinginan ang lahat. Inilabas ko ang pana ko at tinira sila isa't-isa. Mga lapastangan, matapos ko kayong tulungan. Wala akong tinira sa mga nilalang na ito bata man o matanda, may sakit man o wala.
Nakalabas na ako at malayong-malayo na sa pangyayaring iyon. Punong-puno ng dugo ang aking kasuotan. Hindi na alam ang sunod na gagawin. Pinatay ko ang ilang mga sibilyan. Palaging tama ang aking ama. Lagi akong nag-iisa. Ngunit kailangan kong magpatuloy upang patayin siya kaagad hanggang matapos na ito.
Ngumisi si Arthuro habang nakatingin sa akin, "Kumusta? Nasaksihan mo ba ang kagimbal-gimbal na pangyayari? Nahimas-masan ka ba? "
"Malupit ang reyalidad ngunit maganda ito. Nakaligtas ako kaya ano ang punto mo? "
"Ikaw ang takap (hamon) ng reyalidad. Sino ang pipiliin mo, Gale o Hugo? "
"Kalokohan. Sinasayang mo lamang ang oras mo. "
"Nauubos na ang oras. Sino sa palagay mo ang kaaway ng pinakaaasam-asam mong kalayaan? "
Biglaang siyang nawala. Kagaya ng mga taong tumanggap sa'kin noon.
"Sisirain... ko ang lahat at makakamtan ko ang kalayaang nais ko! "
"Eartha, a-ano'ng--?" Nauutal na sabi ni Sutter.
Tinutok ko sa kanya ang isang arrow. Habang pinipigilan ako nina Myrtle at Alma.
"Anong problema mo?! Baliw ka na ba?! Itigil mo 'yan! Earthaaaa!"
Tinusok ko sa kaniya ang palaso at sinipa sina Myrtle at Alma. Habang si Gale ay nakatayo't nakatitig lang.
"Ito ba ang kalayaang nais mo? Itigil mo ito o kung hindi ay masasaktan mo ang lahat. " wika niya.
"Noong una pa lamang... nasaktan niyo na 'ko. Para kayong mga anghel na nagkaila. Kailangan ko ng tulong kanina ngunit... ano? May nag-adhika bang tumulong? Wala." Tumawa ako ng mahina. "Nagsisinungaling ka lamang sa sarili mo."
Naglakad siya nang marahan patungo sa akin. Sinipa ko siya ngunit nakatayo pa rin ito. Sinuntok ko 'to ngunit nakatayo pa rin ito. Niyakap niya ko at bumigkas, "Tumigil ka na dahil naranasan ko na ito. Umuwi na tayo."
Tumigil ang mundo. Nasilayan ang bawat kaganapan. Kaguluhan ngunit may kapayapaan. Kalayaan ngunit may paghihiganti. Maganda nga ngunit ano ang epekto nito?
Naintindihan ko na ang lahat. Malalaman ng mundong ito ang sakit. Sinaksak ko sa dibdib si Gale. Paulit ulit ko siyang sinuntok. Sinusubukan akong pigilan ni Alma ngunit sinipa ko siya sa ulo at si Sutter din. Nabigla si Myrtle habang may hawak siyang kutsilyo. Hinawakan ko ito at pilit kong sinaksak sa leeg. Ngunit biglang may humarang sa akin.
Makikita ng mundong ito ang sakit.
BINABASA MO ANG
Reality is Cruel [BOOK 2] (ON HOLD)
FantasyNakatutuwa't nakaabot ka pa rito. May adhika ka bang malaman ang katotohanan ng mundo? Sa katotohanan, lahat tayo ay nasa isang hawla. Sinusubukang makatakas. Kung ang kalayaan ay madaling makamit, bakit mahirap makuha? Ang pagdurusa ni Eartha ay ma...