Dhara
Dhara’s POV
Naglakad na kami papasok. Ang aking-- ibig kong sabihin, si Gale Wyn ay literal na tumitig sa akin. Parang magiging katulad ako ng isang halaya. O para bang magiging isa akong patay na karne maya-maya.
“Siya ‘yon, hindi ba? Ang pangalan niya ay Dhara? ”Tanong agad ni Gale.
“T-Tama. Ang ngalan ko’y, Dhar--”
“Nais mong ipaliwanag ang lahat? O may balak ka bang sabihin bago ka namin… kai—”
“Gale, tama na! Na-trauma siya at alam mo ang tungkol doon! Bakit hindi mo na lang kalmahin ang sarili mo? At huwag sabihin ang ilang mga bagay tulad nito? Nakaraan pa ‘yon, hindi ba? ”Agad na sinabi iyon ni Eartha kay Gale.
Sinakal ni Gale si Eartha sa kanyang leeg, “Bakit mo siya pinagtatanggol ?! Mahalaga ba siya sayo ?! Isa lamang siyang paslit na nakalaban natin kanina. Bakit hindi mo sabihin sa amin, Eartha ?!”
Bakit nangyayari ito ?! Ayoko ng ganito. Nangyayari ulit to ?! At saka ano? Magpapatayan ulit sila? Hindiii! Sumisigaw ako tulad ng lagi kong ginagawa at umiyak tulad ng isang sanggol upang pigilan sila.
“Ayoko ng ganito. Ayokong hayaan itong mangyari ulit. Pakiusap Huwag niyong gawin ito--” Niyakap ako ni Eartha tulad ng ginagawa ng aking ina kapag palagi kong ginagawa iyon.“Huwag kang umiyak. Pareho tayong lahat. Huwag kang mag-alala.”
“H-Huh? ”
“Patahimikin mo ang iyong bibig sa ngayon. Magiging ayos din ang lahat.”
\*\*\*\*
---
“Dhara.” Mahinang sabi ni Gale habang naglalakad palapit sa akin.
“Paumanhin… sa nagawa ko kanina. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya humihingi ako ng paumanhin. ”
“Sa tingin ko, hindi lamang dapat sa'kin kun’di kay Eartha rin--”
“Tama. Siguro, tama ka. Siya na lamang ang natitirang kumikilala sa’kin… Ikaw? Ano ba'ng ginagawa mo noong nakaraan sa gusali?”
Nanginginig ako, “Hindi ko alam. Hindi ito ang tamang lugar para sa akin. Sigurado akong hinihintay ako ng aking ina sa kanyang kama.”
“Kama?”
“Ahh, kailangan mo na lamang ‘yon.”
“Sa mundong ito kailangan mong lumaban upang makaligtas ngunit sa mata ni Eartha, kailangan niyang makahanap ng kalayaan upang lumaya magpakailanman.”
“Parehas sa sinabi ng aking ama--ibig kong sabihin may nagsabi sa akin niyan!”
Diretso niya akong tinitigan.“Sabihin mo sa akin. Ikaw ba … ay mula sa hinaharap?”
BINABASA MO ANG
Reality is Cruel [BOOK 2] (ON HOLD)
FantasyNakatutuwa't nakaabot ka pa rito. May adhika ka bang malaman ang katotohanan ng mundo? Sa katotohanan, lahat tayo ay nasa isang hawla. Sinusubukang makatakas. Kung ang kalayaan ay madaling makamit, bakit mahirap makuha? Ang pagdurusa ni Eartha ay ma...