Kabanata 15

14 3 0
                                    

 Pakikipag-usap sa Buwan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pakikipag-usap sa Buwan

Myrtle's POV

NABULUNAN ng sarili nitong mga tumataas na sanga, ang kagubatan ay kahawig ng isang malawak na kuta, na nagbabarik sa lupa mula sa init ng araw at asul ng kalangitan.

Agad na nilalabanan ni Sutter ang kadena niya, “T-Teka… N-Nasa’n tayo? Bakit tila nakagapos tayo? H-Hindi ko rin maigalaw ang aking mga braso.”

Mariing ipinikit ni Alma ang kaniyang mga mata, “Hmph. Napakagandang ideya nga ang pakikipag-usap muli kay Eartha. Ha, Gale? Myrtle? Nakaka… tuwa, hindi ba?” 

Ipinikit ko ang aking mga mata,“P-Paumanhin. H-Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari. Paumanhin.”

Biglang lumitaw si Eartha sa sanga ng puno. Hinubad niya ang aming mga kadena at pumunta agad. Biglang nakita kami ng dalawang kasama ni Eartha na wala ng mga gapos at hinabol kami.

Nagkahiwa-hiwalay kami at napatungo ako sa likod ng isang puno at hindi sinasadyang mahabol ng isa sa mga kasamahan ni Eartha. “Paanong nakatakas ang mga iyon?! Tsk. Nasa’n ba kasi si Eartha? ”

Humalakhak ang isang babae, “Huh? Hindi mo ba alam na nag-paiwan nga siya do’n sa gusali. At paniguradong naroon na ‘yon sa taguan natin. Makalilimutin ka talaga, Arthuro.”

Habang nakikinig ako, hindi sinasadya akong bumahin at saka nila ako nahanap. Kung sa bagay, akala ko mamamatay na ako ngunit sinipa ni Eartha ang kanilang mukha at binura agad ang kanilang alaala.

Aalis na si Eartha ngunit pinahinto ko ito at tinanong, “Bakit…? Bakit mo ginagawa ito?”

Nakatitig siya sa mga mata ko. Nakikinig sa sinabi ko. Pinakiramdaman ang nararamdaman ko, “Kalimutan mo ang iyong mga nakikita at mabuhay kayo ng matagal.”

Tulad ng mapanghimagsik, tulad ng pagkalunod sa isang walang silong na trinsera ngunit ang pagtakas ay parang isang hininga ng sariwang hangin, “Kung gano’n ako an magiging ganino mo!” 

Napatingin siya sa langit, “Ang mga anino ay palaging nasa iyong tabi sa gabi o araw, o umulan man. Ngunit sa kadiliman, anino ay naroroon. Ang anino ay tinukoy bilang alinman sa isang madilim na bahagi ng isang bagay o sa isang lugar ng kumpletong kadiliman. Hindi ba?”

Napasulyap ako, “Hiraya… manawari. Hindi man kita gano’n na kilala ngunit hinding-hindi kita makalilimutan sa aking isipan.”

“Tama… na ‘yan. Huwag… mo nang ituloy pa, pakiusap. Masisiraan lamang ako ng bait kung papakinggan ko pa ang mga bibigkasin mo. Umalis ka na at hanapin mo na ang mga kasamahan mo.” hinawakan niya ang kamay ko. “Mabuhay kayo ng mahaba o kung hindi, wala kang makakamtan.”

Nawala si Eartha at bitbit niya ang mga kasama. Habang ako’y sumisilay sa kalangitan. Tulala lamang ako habang kausap ang buwan.

“Myrtle—! Myrtle! ” patuloy sa pagkaway sina Alma at Sutter habang si Gale ay mukhang napasabak sa isang away.

“A-Alma! S-Sutter! G-Gale? Ikinagagalak ko’t ayos lamang kayong tatlo! ”

“Oo naman! Kami pa ba? ”

Ayos na kaming lahat dito, Eartha. At sana… ikaw din. Hindi ko alam kung saan ang landas na tinatahak mo ngunit ako ang magiging anino mo hanggang sa huli. 

“Mabuti pa at maghanap tayo ng matutuluyan sa tabi-tabi.” Mungkahi ni Gale.

Matapos ang ilang oras na paglalakad, nakakita kami ng isang lumang bahay. Puno ito ng dumi, alikabok at ilang mga gagamba. Dahil sa pagod nina Alma at Sutter, sila’y umupo at nakatulog agad.

“Myrtle!” sigaw ni Gale at nagmungkahi na lumabas. “May pakialam na ipaliwanag ang lahat? Sabihin mo, nagkausap ba kayo ni Eartha?”

Itinikom ko ang aking bibig, “O-Oo.”

Bumuntong hininga siya, “Ano namang sinabi niya?”

“Sinabi niya na, mamuhay daw tayo nang matagal. Upang makuha ang kagustuhan natin.” siniyasat ko ang tingin niya.

Nasilayan ko sa kaniyang ekspresiyon na pinipigilan niya umiyak, “Hindi ko man nakausap ang taong ‘yon ngunit nailigtas niya naman ako kanina. Nakatakip man siya ng bandanang itim o hindi, hindi ako magdadalawang siya ‘yon.” kinagat niya ang labi niya. “Dahil siya si, Eartha Ellison.”

Natapos na ang aming pag-uusap kaya’t naisipan na niyang pumasok at magpahinga na ngunit ako’y nandirito lamang at sinisilayan ang kalangitan.

Nang gabing nahulog ang asul na ulap ng araw na itinaas upang ibunyag ang mga bituin. Palaging naramdaman ni Eartha na mas malapit ito sa katotohanan ng kung sino tayo. Nagtataka siya, kung sa gabi tayo ay makakaramdam tayo ng higit na koneksyon sa mga 
malayong mga bituin, marahil ay higit na nadarama ang hina ng daigdig. Sa kanya ang gabi ay nang ibalik ang kurtina, nang makita namin mula sa bintana na tinatawag naming “langit” ang sansinukob sa kabilang dako.

Dapat na alisin ng isang tao ang isang bala mula sa isang sugat at dapat mong palabasin ang kalungkutan, masakit tulad ng impiyerno. “Hindi ko man batid kung nasa’n ka o ano mang ginagawa mo. Hihintayin kita kahit impiyerno pa ang maabot ko.”

EARTHA'S POV

“Gabi na pala?”

Nagsimula nang magising sina Aileen at Arthuro. “Kaasar! Sayang at hindi natin naabutan yung mga nilalang na iyon. Tsk. Kahit si Eartha hindi nahabol. Ang bilis.”

“Sinabi mo pa, Arthuro! Hanep! Pero teka, gabi na pala? Ano?!”

“Kumain muna kayo. Masyado kayong napagod kahahabol.”

“Salamat, pero kumain ka na ba?”

Tumango ako at nagsimulang naglakad-lakad sa gubat. Ang kalangitan sa gabi ay kung paano ko nais na lumipad. Ito ang pinakamagandang sining, buhay na may hilaw na enerhiya, isang kanta para sa mga mata. Sa mga oras na naramdaman kong parang nararamdaman ko itong nanginginig kahit papaano, bumulong sa paraang hindi maririnig ng tainga. Sa palagay ko ay naging palakaibigan ito nang ang mundo ng mga tao ay parang walang pag-ibig. Nais kong makita ito ng tama, sa tatlong sukat, tingnan ang iskultura ng mga banal na kamay.

Nakita ko na ang aking patas na bahagi ng mga nangangako na pagsikat ng araw ay naging sikat ng bituin, subalit sa pagkabigo na iyon ay napagtanto ko na magkakaroon ng isa pang pagsikat. Ang isang tao ay dapat maghintay, tangkilikin ang at sa oras ay magkakaroon ng mga bagong sinag ng ilaw sa abot-tanaw. 

“Hindi ko pa batid kung sa’n ako patungo ngunit sana maintindihan mo ang lahat. Galing ka man sa nakaraan o hindi. Nabuhay kang muli o hindi. Tao ka man o kung ano ka man. Aayusin ko ang lahat kahit sa kabilang buhay.”


Sa kabilang buhay, gagawin kong maayos ang lahat.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reality is Cruel [BOOK 2] (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon