Nakatutuwa't nakaabot ka pa rito. May adhika ka bang malaman ang katotohanan ng mundo?
Sa katotohanan, lahat tayo ay nasa isang hawla. Sinusubukang makatakas. Kung ang kalayaan ay madaling makamit, bakit mahirap makuha?
Ang pagdurusa ni Eartha ay ma...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Katotohanan
Eartha's POV
Umaga na, nagising ako sa isang puno. nakakita ako ng Yellow-rumped warbler. Ang tag-init na lalaki na myrtle warbler ay may slate asul na likod, at dilaw na korona, rump at flank patch.
Kinuha nito ang bandana ko at inilipad ito.
“Lipad... Lumipad hanggang sa natagpuan mo ang kapayapaan. Salamat. ”
“Eartha, kailangan nating talakayin ang isang bagay. ” sabi ni Alma sa harap ko mismo.
Nakita ko agad si Gale na nakaupo sa simoy ng lamig. Wala akong ideya kung bakit siya narito at kung bakit ako narito.
“Bakit hindi mo sabihin sa amin ang nakaraan mo. Tama ba Gale at Eartha—? ” sabi nila habang nakatingin samin.
Bumuntong hininga ako, “Hindi namin alam kung ano'ng tinutukoy niyo. Nabuhay kami sa isang normal na buhay. ” pagsisinungaling ko.
“Talaga? ” ngumisi si Sutter at ipinakita ang simbolo ng Windstrand. “Wala ba kayong ibabahagi sa amin? ”
“Sa tingin ko oras na, ha, Gale? ”
“Nakatira kami sa Windstrand kasama sina Arthur, Aileen, Hugo at ang kumander. Biglang sinira ng sangkatauhan ang aming lugar at iyon ang dahilan kung bakit nakatira kami sa ilalim ng tulay. Sa oras na iyon ang ama ni Eartha ay gumawa ng isang nakatagong samahan na kung saan ay ang nawalang koponang pito ng Windstrand. Palagi naming pinahirapan ang ilang mga tao na pumatay sa mga tao sa aming lugar. Kumakain kami ng laman ng tao upang mabuhay.”
“Okay na ba 'yun? O gusto mo pang malaman ang iba pang impormasyon? ” wika ko.
Nagulat si Alma, “Sinabi mo bang lahat kayo ay kumakain ng laman ng tao upang mabuhay? ”
“Noong mga panahon na 'yon, walang pagkain. Kaya naman naisipan naming humanap ng mga nilalang na namayapa o kung ano. Ginagawa lamang namin 'yon para mabuhay. ”
“P-Paano naman kayo nagkakilala ni Gale? ” tanong ni Sutter.
“Sa gubat kung saan ay napaliligiran ako ng mga soro. Siguro naman ayos na 'yon? ”
Hinila ni Alma ang kasuotan ko, “Bakit... bakit niyo kami tinutulungan? Hindi ba nga't kami ang nagsira sa lupain? Bakittttt? Sagutin mo ko, Eartha?”
Napatingin ako sa paa. Nararamdaman kong may kasalanan sila ngunit hindi dahil sa alam kong wala silang kasalanan, “Dahil... gusto ko ng kalayaan. Hindi ko gustong makahanap ng kalayaan sa pamamagitan ng ginagawa nina Arthur ngayon. ”
Isang bombang sumabog sa harapan namin, wala akong nakita. Hindi ko alam kung anong nangyari. Ilang mga yapak lang ang nakita ko at sinundo nila ako at si Gale. Hindi ako makatayo, makalakad o makatakbo. Para akong halaya. K-Kalokohan.