Kabanata 13

3 3 0
                                    

 Pagbabago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagbabago

Eartha's POV

MINULAT ko ang aking mga mata at nakita ang isang madilim na lugar na pumapalibot sa akin. Nakita ko si Aileen at Arthuro na nakatitig sa akin.

“Maligayang pagbabalik, Eartha. Masarap na makita ka ulit sa aming samahan. Suportahan ulit natin ang bawat isa.”

“Aileen? A-Arthuro?” tila nanlalabo ang aking paningin para kulay abo na bumabalot sa aking mga mata.

“Huwag mong pilitin ang iyong sarili. Kagigising mo lamang, hindi ba? Dapat mo muna sigurong kausapin ang ating kumander na si Hecate.” nanlalamig na paliwanag ni Arthuro.

“Hindi na bale. ‘Pagkat nandito na naman ako.” lumitaw ang aking ama sa aking likuran at tinitigan niya ako tulad ng isang karne sa kamatayan. “Kumusta ang araw mo… Eartha?”

Nauutal ako, “M-Mabuti tulad ng dati at ang aking ulo ay medyo nasasaktan mula ngayon.” 

“Sa umpisa lamang ‘yan. Hayaang mong magsaya muna tayo sa iyong pagbabalik, Eartha.” ngumisi ang aking ama at itinutok ang espada ang likod ko. “Sang-ayon ka ba? Ha?”

Sa gitna nang pag-aalinlangan na nakararamdam ng pawis, takot at kaba. Ako’y walang masabi kun‘di ang “oo”. Ito lamang ang solusyon para sa lahat. Kaya naman ay ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para makamtan ang kalayaan na kaasam-asam ng bawat isa.

Pagkatapos ng ilang oras, naglalakad kami sa eskina upang pumunta sa RiverRhine. Nakita namin ang sangkatauhan, pag-inom ng alak at kasiyahan.Talagang masaya sila habang kami ay nagdurusa. Paano natin mahahanap ang kalayaan kung ginagawa ito ng sangkatauhan? Nakakaawa tulad ng dati.

Ang aking ama ay nagwelga ng isang tao gamit ang kanyang daliri. At ang mga tao ay tumatakbo para sa kanilang buhay ngunit pinigilan ito nina Aileen at Arthuro.Hindi mahalaga kung ano ang mangyayari sa kanila sapagkat kayo pa rin ay gagawa nang kasakiman, magpakailanman.

“H-H-Hecate M-Meadow?! Ang dating may-ari ng Earthall ?! A-Buhay ba ?! P-Paano ito nangyari?!” matapos sabihin iyon ng isang matandang lalaki, pinatay ito ng aking ama gamit ang kanyang espada nang isaksak kaagad sa leeg ito. Kaawa-awa….

“Tama ba ang iyong ginagawa, sangkatauhan ng RiverRhine?Nasisiyahan sa iyong buhay …?! Pa’no kung… baguhin natin?”

Nagsisigawan ang mga tao, tumatakbo upang hindi maubusan ng buhay ngunit hindi sila nakalabas sa ilusyon. Ang mga inosenteng sibilyan ay pinapatay ng aking ama sa madaling panahon. Naiintindihan ko ang kanyang koordinasyon sa amin ngunit … masyadong brutal ang ginagawa niya. Hindi ko batid kung ano ang nasa isip ng aking ama ngunit gagawin ko iyon para sa lahat.

“Paano natin pinapatay ang mga taong ito at kinakain sila hanggang sa mamatay sila?” iminungkahi ni Arthuro.

“Paano kung kainin na kaagad natin? Para masaya?! Ano sa tingin niyo?” nakangisi si Aileen habang nakatayo siya sa harap ng isang bata at ang espada ay nasa leeg nito.

“Kababalik lamang ni Eartha rito kaya siya ang tanungin niyo. Ano nga ba sa tingin mo, Eartha?” tanong ng aking ama.

Namumugto ang aking mga mata at parang walang laman ang aking isipan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, hindi ko kailangang gawin ito.Ayokong pumatay ng inosenteng tao na may normal na buhay.Ayoko nang mag-isa ulit.Ngunit kailangan kong mag-isip. Hindi, gagawin ko ito. Upang mabuhay.

“Huwag mong sabihing nagdadalawang isip ka… Eartha?”

Nagbuntong hininga ako, “Hindi. Gaya nga nang sabi mo, ama. Papaslangin natin sila… hanggang mawalan sila nang hininga.” 

“Magaling. Narinig niyo naman, hindi ba? Aileen, Arthuro?”

Si Aileen at Arturo ay kumukuha ng kanilang espada at biglaang may ibang sumira sa ilusyon ng aking ama.Ang mga sirang piraso ng ilusyon ay nabasag. May nakita akong pamilyar sa mukha.Alam ko ito … sina Gale at Myrtle? Hindi, hindi pwede.

“Eartha?! Ano’ng—?”

“Tigil. Ayaw namin nang—”

“Mga bisita! Bakit hindi niyo man lang ako sinabihan? Gale? Hugo…?”

Sandali… sinabi niya bang, Hugo? Hindi. Imposible. Imposible. Imposible.

“H-Hugo? Ngunit ang ngalan ko’y, Myrtle. Mukhang nagkakamali yata kayo, ginoo.”

“Tumigil ka na, Myrtle! Pakiusap. Tumigil ka na. Umalis na kayo.”

“Ngunit—!”

“Ang sabi ko… ALIS NA! Hindi niyo ba ‘ko naiintindihan? Pumanig na ‘kong muli sa kanila kaya ano pang hinihintay niyo? Umalis na kayo!”

Kita ko sina Gale at Myrtle reaksyon ay napunit ako ng ilang sandali. Nakapananakit sa aking pakiramdam. Tila tinik sa aking lalamunan ang aking naramdaman. Pulos paghihinagpis, lungkot at sakit.

“Tama lamang ang ginawa mo. Hayaan mo ang mga humahadlang sa iyo at makakamtan mo ang ninanais mo. Binabati kita…Eartha.”

Gustuhin ko man o hindi ay wala akong magagawa, ina. Tanggapin ko man o hindi ay wala akong magagawa, kuya. Susundan at susundan ako ng aking ama upang pumunta ako sa landas na tinatahak niya.

Pinagpatuloy na nga nina Aileen at Arthuro ang pagpapahirap sa mga mamamayan. Pulos sigawan at paghihinagpis ang aking naririnig. Hahayaan ko bang mangyari ang mga ito? Na ako’y nakatayo lamang at sinisilayan ang mga paghihirap na nangyari sa’kin noon.

-FLASHBACK- (BABALA: May mga BRUTAL na eksena ang inyong mababasa.)

Ang dilim… kasing dilim ng utak ko. Tahimik, kasing tahimik nang nararamdaman ko ngayon. Hanggang sa paulit-ulit akong pinag-eksperimentuhan. Paghahalo-halo ng dugo sa aking katawan ng mga namayapang dakilang bayani noon. Pagpapakain sa akin ng mga panis na kakanin para ako raw ay lumakas.

Napakahina ko noon at nagbago ‘yon dahil sa aking ama. Kahit ano'ng gawin ko ay kadugo ko siya at hinding-hindi na magbabago pa ‘yon.

Ang ‘lagi ko na lamang iniisip ay ang makamtan ang kalayaan na kinaaasam-asam ko. Kung saan ako’y malaya. Malayang mamuhay, malayang makamtan ang aking mga adhika, magkaroon nang simpleng pamumuhay.

Ano ba'ng ginagawa ko? Nandito lamang ako’t sinisilayan ang aking sariling makamtan ang mga sakit. Habang sila’y nagpapakasaya’t malaya. Ano ba ‘ko? Ano ba ‘ko para maranasan ang lahat ng ito?

Pagtatanggal ng mga orihinal kong mga mata kapalit ng matang dugo na isang makapangyarihang mata. Pag-eensayo ng umaga hanggang gabi para matutong makipaglaban. Pagkain sa mga namayapang nilalang. Ano ba ‘to? Bakit…?! Bakit…?! Bakit, ako pa?!

Kailangan ko ba'ng maranasan ‘to? Kailangan ko pa bang danasin ang lahat ng ito? Adhika ko lamang ng isang simpleng pamumuhay. Hindi ko na ba makakamtan ‘yon? 

Habang sumilay ako sa isang bintana ay nasilayan ko ang mga batang naglalaro’t nagkakatuwaan. Kay saya… sana makasama rin ako riyan. Ngunit siguradong imposible na ‘yon lalo na’t ito ang landas ko.

Para sa’n pa kung hahanapin ko ang kalayaan?

 Para sa’n pa kung hahanapin ko ang kalayaan?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Reality is Cruel [BOOK 2] (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon