Kabanata 1

20 5 0
                                    

 Ang Bayan kung saan Nagsimula ang Lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang Bayan kung saan Nagsimula ang Lahat

Gale's POV

APAT na taon na ang nakalilipas nang magsimula ang isang kaganapan. Kaganapan na hindi namin inaasahan noon pa man.

Apat na taon na rin ang nakalipas nang ilagay ni Eartha ang sarili niya.

"Hoyyy, Galeee! Dito ka na lamang ba titira? Halos araw-araw mo na 'yang binabantayan. Kumain ka muna ro'n. "

Bumuntong hininga ako, "Mm-hmm. Susunod ako."

"Susunod? " Hinila ako ni Arthur at napapiglas ako. "Naku! Hmph. Akala mo maloloko mo ako? Hayss, alam namin na magdamag ka na riyan ngunit kumain ka muna ro'n. "

"Tara na. Sabi mo kakain na, hindi ba? "

Ngumisi siya, "Yieee hahaha. Alam namin na hindi ka pa kumakain kaya naman, naisipan ko na puntahan ka kahit papano. Tsaka naisip ko lang, ano'ng nagpabago sa isip mo? "

"Ano'ng ibig mong sabihin? "

"Sus! Pakipot! Malamig nga ang dugo mo kapag kasama mo siya at hindi lang siya pati kami. "

"Ano ba gusto mong iparating, ha? Kung ayaw mong gawin ang responsibilidad mo, ako na lamang ang gagawa. Ikaw nga dapat ang gumagawa no'n, 'di ba? "

"Oo naaa. Ang punto ko lang, madalas lang kayo magkasama pero parang magkakilala na talaga kayo."

"Matagal na talaga kaming magkakilala. Talagang ayoko lang. "

"Wehhh? 'Di nga halata eh! "

"Arthuro, Grayle. Ano pa'ng hinihintay niyo? "

"Kumander Hecate?! " napasigaw sa talon si Arthuro. Hayss magtataka pa ba ako, eh ganiyan na talaga niyan.

*****

---

Dito nagsimula ang lahat. Ang Windstrand.

"Darating ang isang tagsibol nang wala siya. Muli."

"Tama. Ito na ang huling pagpunta natin dito. Huwag kang mag-alala, sigurado ako na magiging maayos din ang lahat. "

Ang araw ay lumubog na, itinapon ang kalangitan sa isang makinang na hanay ng mga dalandan at mga dalisay. Ipinaalala sa akin ng tagpo ang isang pagpipinta na gusto kong tingnan noong bata ako kasama siya. Ipagpalagay ko na palaging mahal ko ang mga paglubog ng araw.

Reality is Cruel [BOOK 2] (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon