Malupit ngunit maganda ang mundong ito
Eartha's POV
Nang araw na 'yon, nag-umpisang mawasak ang lahat. Labanan sa pagitan ng sangkatauhan, mga mandirigma at mga ninja. Nasirang mga pangarap sa kamay ng sangkatauhan.
"Eartha! Eartha! " isang malakas na tinig ang gumising sa akin. Hindi ko alam kung nakatulog ba 'ko o nawalan nang malay.
Tila tinik sa aking ulo, "N-Nasaan ako? S-Sino ba kayo? Hindi ba't nasa daan lang ako at nakikipaglaban sa isang taks--"
Binuhusan ako ng tubig ni Myrtle, "Ano bang pinagsasabi mo? Mukhang nakatulog ka na naman, ah! Sabi mo naubusan ka na ng kagamitan kaya pumunta 'ko rito. Hindi mo ba natatandaan? " giit niya.
"H-Huh? A-Ah oo. Si Gale? Hanggang ngayon wala pa ring balita sa kaniya. "
"Bakit hindi mo kausapin sa teleponong iyon? "
Tumakbo ako at dahan-dahang hinawakan ang telepono, "G-Gale? Ayos ka lamang ba? May galos ka ba o kahit ano? "
\["E-Eartha? Mm-hmm. Medyo paubos na ang kagamitan ko pero nakapunta naman ako sa rooftop na pagkikitaan natin. Ikaw, kumusta? 'Yung mga kagamitan mo? "\]
\["Mm-hmm, mabuti naman. Kauubos lang ng mga kagamitan ko pero pamahahalaan ko kahit papaano."\]
\["Ano'ng pamamahalaan?! Paano ka naman makapupunta rito? Huwag mong sabihing--"\]
\["Ayos lang. Narito naman si Myrtle, may dala-dalang kagamitan para idala rin sa lugar mo. Magkikita tayo kaya, huwag kang maging emosyonal. "\]
\["Ano'ng emosyonal?! Huwag mo nang abalahin pang magdala rito. Ang importante, makapunta kayo ni Myrtle. Magkikita tayo, tama? "\]
\["Paalam, ginoo. Magkikita't-magkikita tayo."\]
"Eartha! Oras na para umalis dito! "
"Tayo na, Myrtle. "
Nakikita ko ang isang maliit na madilim na lugar na sinusubukang magtago sa likuran namin. Magagawa kong magtapon ng isang arrow ng phoenix sa lalaking iyon. Ang arrow ay naging isang abo bilang isang naglalagablab na apoy. Salamat sa impormasyon ng aking kapatid na si Blaze.
"Wow! May mga teknik palang ganiyan sa organisasyon niyo? "
"Heh. Ito ay isang espesyal na sandata. At limitado lang ito. Magkakaroon ka nito kung nasa isa hanggang tatlong ranggo ka. Ngunit maaari kang magkaroon ng arrow na iyon kung nais mo. "
BINABASA MO ANG
Reality is Cruel [BOOK 2] (ON HOLD)
ФэнтезиNakatutuwa't nakaabot ka pa rito. May adhika ka bang malaman ang katotohanan ng mundo? Sa katotohanan, lahat tayo ay nasa isang hawla. Sinusubukang makatakas. Kung ang kalayaan ay madaling makamit, bakit mahirap makuha? Ang pagdurusa ni Eartha ay ma...