#18- Dissipate

4 0 0
                                    

A week after the Camp

Nakakapagtaka na hindi man lang nagmemessage sa akin si A. Last time na magkasama kami is nung sa Freshmen's Camp pa. Kahit sa Campus hindi ko siya nakikita. I started to get worried about him. Oo aaminin ko nade-develop na siguro yung feelings ko kay A kaya ganito. I started to get worried and sad about how he feel, palagi akong nag-aalala at isa pa nagiging mother- figure na ako sa kanya.

"Excuse me? Nandito ba si Aaren?" I asked one of his classmate.

"Ah ikaw si Baylee diba?" He asked.

"Yes. Pumasok ba siya?"

"Hindi eh, actually one week na siyang absent eh." He shrugged.

"Baylee?" Lumingon ako at nakita ko si Justin na may dala-dalang maraming files. Sa student council siguro yun.

"Hindi pumasok si Aaren ng One week? Sinabi niya ba yung dahilan?" I asked him. Bestfriend siya ni Aaren kaya sigurado akong alam niya. Napalunok siya sa tanong ko at umiwas ng tinggin.

"Ah, May sakit yung father niya Baylee, Nasa Hospital sa Germany sabi niya sa amin doon daw muna siya hanggang sa gumaling yung father niya. Hindi ba siya nagsabe sa'yo?" He asked. Mas lalo akong nag-alala sa nalaman ko.

"Hindi eh, pero salamat sa info. I'll message him nalang." Sabe ko bago ako umalis sa room nila. Wala sa sarili akong pumunta sa room ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Gusto ko siyang yakapin sa nalaman ko alam kong nasasaktan siya ngayon dahil don. Nagsusulat ako ng kung ano-ano sa notebook ko ng magising ako sa katotohanana dahil sa tawag ng prof ko.

"MS. DIAZ!" napatayo ako sa gulat.

"Yes mam?" napayuko ako dahil wala ako sa sarili.

"Can you tell us something about Germany?" Pagkasabi ni Prof ng bansa kung nasaan siya ngayon hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. "Ooh sorry did I offend you?" She asked again pero napahagulgol nalang ako sat tuluyang napaupo sa sahig. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaction ko.

"Excuse me Mam, I'll take her to the clinic." Sabi ni Ara at inakay na ako papunta sa clinic.

Pinaupo ako ni Ara sa isang higaan at iniharap ako sa kanya.

"Message him." So alam din niya? Ako lang pala yung walang alam. I feel so worthless pero hindi yun importante ngayon.

Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipindot ang phone ko. Pumunta ako sa Instagram at nakitang online siya. Pinindot ko ang message botton sa profile niya.

To: AarenClyde

A? How are you? How's your father?

Nanlaki ang mga mata ko noong nag-seen siya. Tahimik lang si Ara sa tabi ko.

From: AarenClyde

He's fine.

To: AarenClyde

Should I go there? I have something to tell you

Ngumiti ako at humarap kay Ara. "Sasagutin ko na siya." Nakangiting sabi ko sa kanya na nagpangiti din sa kanya.

From: AarenClyde

No. Uuwi na ako bukas. May sasabihin din ako sayo.

Nagtaka ako. Bakit parang ang serious ng matter na 'to.

To: AarenClyde

Ano 'yon? Saan tayo magkikita?

After I send it nag-offline siya bigla. Medyo nalungkot ako pero hindi ko nalang pinahalata.

Right Love , Wrong TimeWhere stories live. Discover now