#4- "I miss you"

31 2 4
                                    

"Aaren?  Can we talk? " lahat kami napalingon sa babae.

Babae sya na mahaba ang buhok at maputi. Matangkad sya sa akin ng kaunti at malaki at makintab ang noo este ang mata. Napatingin kaming lahat kay Aaren at sa babae kay Aaren at sa babae.

"Akward" pabulong na sabi ni Justin pero narinig naman namin.

"Oi ikaw pala Ella" masiglang bati ni Kuya Maychael pero halatang Akward din siya.

"What are you doing here? " seryosong sabi ni Aaren sa tabi ko. Nakakatakot ang aura niya. Nag-iba ito noong dumating yung babae.

"Aaren I need to talk to you" maluha-luhang sabi ng babae. Noong tumingin ito saken biglang sumama ang tingin nito at she rolled her eyes.

Dahil di ako nagpapakabog sumagot ako.

"Ayaw niya makipag-usap miss. Umalis kana" at inirapan din siya. Akala niya siya lang ang Attitude ah.

Napatawa ang babae pero halatang iritable sa akin. Lahat sila napatingin sa akin ng may gulat sa mukha. Uminom lang ako nang beer na hawak ko. Pagtingin ko sa tabi ko nakakandong na ang babae kay Aaren at hinalikan niya ito. Bukas at gulat ang mata ni Aaren kaya bigla niyang tinulak ang babae kaya napa-upo ito sa sahig.

"Fvck, Ella tapos na tayo. Umuwi kana lasing kalang" inis na sabi ni Aaren.

"Aaren, I miss you" paiyak na siya. Ang plastik ng itsura niya. Pilit na pilit ang emosyon.

"I don't fvcking miss you okay, We Are Done. " inis na sabi ni Aaren at pumasok sa kwarto.

Umiyak naman si Miss Attitude pero wala akong pake sa kanya pati nadin sila Kuya. Sinenyasan ko si Justin na kuhain ang babae at paalisin. Binigyan niya lang ako ng 'I - don't - even - care - about - her' look. Di ko nalang siya pinansin. Bigla namang tumayo si Raff at kinuha siya.

"This is your fault stupid hoe. " dinuro niya ko. Nagpintig ang tenga ko sa narinig. Okay pa ang 'stupid' pero ang huli niyang sinabi.

Tumayo ako tinignan siya mula ulo hanggang paa. Ngumisi ako at hinawakan ang mukha niya gamit ang isang kamay.

"Let's say I'm a hoe but I'm  not a desperate girl like you begging someone to come back to me. " patapon kong binitawan ang muka niya. Masama ang tingin niya sa akin ngayon pero wala akong pake.

"Wag mo nalang patulan" sabe ni Raff at dinala ang babae sa labas. Siguro ihahatid niya.

Nasira ang momentum ng pagsasaya namin dahil sa babae nayun. Lumapit sa akin si Justin at tinapik ang balikat ko.

"Thank you for saving us. Matagal nang ganyan yang babaeng yan. Salamat sinabihan mo. " nakangiti siya sa akin.

"Hindi ko ginawa yun para sa inyo, ginawa ko yun para sa akin. Sinabihan niya ko ng 'hoe' below the belt nayun. Oo, bobo ako pero hindi ako malandi" napabuntong-hininga nalang ako.

"Pero vro pano niya nalaman na nandito tayo? " tanong ni kuya Cel.

"Si Raff. " sabi ni.... Aaren nasa likod na namin siya agad.

"Si Raff? Bakit?  Di padin siya nakaka-move on?" Tanong ni Justin na nagpakunot sa noo ko.

"Hindi pa. Di ko dapat sabihin to pero ang alam ko sila parin hanggang ngayon. " sabi ni kuya Cel.

"Hindi naman talaga sila naghiwalay eh" kibit-balikat na sagot ni Aaren.

Di ko nalang sila pinansin doon sa pinaguusapan nila. Pagkatapos namin magligpit ay pumasok na kami sa kwarto. Akala ko mag-isa lang ako pero nagulat ako nung biglang pumasok si Aaren na mukhang naiinis. Natawa ako sa itsura niya kaya sinamaan niya ko ng tingin. Napatigil ako sa pagtawa.

"Bakit mukhang inis ka? " tanong ko.

"Wala! " padabog siyang humiga doon sa double deck.

Di ako makatulog ewan ko. Nag-iba kase ang mood ko mula nung makita kong naghahalikan kanina si Aaren at Ella-malanderita. Ewan ko bigla akong nainis. Dagdagan pa ng pagsabe niya ng 'hoe thing' like Fago lang ah!  Fago siya.

"Hey, tulog kana? " biglang tanong ni Aaren.

"Hindi ako makatulog. " sabi ko sa kanya. Tumayo siya bigla at nagsuot ng jacket niya.

"Labas tayo?  Magpapahangin ako ba- baka gusto mo sumama? " tanong niya na medyo nagaalangan pa. Wala den naman mangyayari pag nagpaiwan ako eh.

Naglalakad kami sa sea shore ng magtama mga kamay namin. Napatingin kami parehas don at biglang lumayo sa isa't isa.

"Sorry. " sabay naming sabe kaya natawa kami parehas.

"I didn't know anything about you pa. " napakamot siya ng ulo.

"Let's get to know each other?" Tanong ko. Tumango lang siya.

"Ikaw na muna. " sabe niya.

"Baylee Shan Diaz. Don't call me Shan please." Natawa siya pero sinenyasan akong magpatuloy. "I am a student in Mauricio Flying School, nakita mo naman diba.19 . Only daughter ako. Namatay si Papa noong 9 years old palang ako." umupo kami sa buhangin. "Pangarap ko maging Flight attendant. " sabi ko at napangiti.

"Sorry about your Father. " he said. Tumango lang ako. "Ahm,  Aaren Clyde Schmidt. 21 . Just call me Aaren, Clyde pwede ding Baby kung saan ka komportable." Kumindat pa saken ang loko. Binatukan ko nga.
"HAHAHAHAHA, joke lang. My father is a German and my mom is a Batangeña I don't know if you know this but our mothers are Childhood Best Friends. My dad has a Wine / Liquor brand. " tuloy tuloy na sabe niya.

"Bakit nasa MFS ka?  Pilot?  Or Engineer? " I asked.

"Engineer. " he said with a smile on his lips pero nawala din kaagad. " I wanted to be a Lawyer. "

"Bakit hindi ka mag-aral sa Law School? " tanong ko. Ngumiti siya pero isang pilit at masakit yun.

" I need to let go of that dream because of my Father. " he said.
Nalungkot ako sa sinabi niya.

May mga bagay talaga tayong kailangan bitawan para narin sa ikabubuti ng lahat.

Hindi ko na tinanong kung bakit niya yun kailangan bitawan. May nakita akong eroplano sa langit kaya hinawakan ko yun mula sa baba. Malapit nako sa pangarap ko. 3 years nalang. Nalalamig ako kaya niyakap ko ang sarili ko. Biglang tumayo si Aaren at hinubad ang jacket niya at nilagay sa akin.

"Salamat. " mahinang sabi ko. Ngumiti lang siya at umupo sa tabi ko. Manipis na tshirt lang ang suot niya kaya nagalala ako kasi malamig nga. Huhubadin ko na sana ang jacket niya ng bigla niya ko pigilan.

"Wag na kaya ko sarili ko. " sabi niya.

"Wag na manipis damit mo oh" pag pupumilit ko.

"May isa pa akong alam na magpapawala ng nararamdaman kong lamig ngayon. " ngumisi siya at tumayo.

Nagulat ako ng bigla siyang pumwesto sa likod ko at niyakap ako.

"Okay na ako basta nandyan ka."

Hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Bakit ka ba ganyan?  Bakit ako ganitoJusko!

Right Love , Wrong TimeWhere stories live. Discover now