#9 - POKMARU

22 3 7
                                    

@annerighthere

Please layuan mo si Aaren.


Tinignan ko ang profile ng babaeng yun.

                        @annerighthere

  315            60.2K                    10
Posts       Followers         Following

Model. Aarens Liebe

Napakunot ang noo ko. Bakit may Aaren sa bio niya? Are they friends?  Isa pa paano niya nalaman ang Instagram ko?  Tinignan ko ang Following niya. Nakita ko na sila Diane ang pina follow niya kaya siguro nakita niya ako. And about sa message niya. Inaccept ko ang message request niya.

@Baylee_diaz to @annerighthere

First of all I'm not the one who approach Aaren. Second kahit layuan ko siya, siya ang lalapit sa akin. Third sino kaba?

@annerighthere  to  

oow wow really si Clyde unang lalapit sayo? paano eh ako yung mahal niya.

Parang sumikip bigla ang puso ko sa nabasa ko. Kaya ba nasa bio niya si Aaren? Ayoko na siya i-stalk baka may makita ako na makakasakit sa aking feelings. Oopx  erase erase wala akong feelings!!!! 

.

From: Mr.  Reaper

Sorry sa attitude ko kanina. Just don't wanna talk about that girl :)

Hindi ko siya nireplyan. Pakipot dapat muna dzuh. Naligo nalang muna ako umaga lang ang pasok ko bukas pero di ko sure kung sasama pa ba ako sa Tagaytay like naiinis ako kay Aaren lalo na sa Anne nayun. Nag-ayos nalang ako at nag pajama na kulay black. Pagbukas ko ng phone ko nagulat ako as in.

50 unread messages from Mr. Reaper

From: Mr. Reaper

-heeey Baylee? please reply.

-Galit ka ba?

-Hey? sunduin kita bukas ah.

-Wag kana magalit Babe.

The last message caught my attention. What the pack? Babe?!!! HAHAHAHAHA is this real? We're not even a couple. Nag-reply agad ako.

To: Mr. Reaper

Nag-message ex mo sa akin or baka girlfriend mo yun?

From: Mr. Reaper

Sino? Si Anne ba? Don't worry about her. If she said na siya ang mahal ko nababaliw na siya. Lahat ng taong nadidikit sa akin ay sinasabihan niya ng ganon.

Magrereply pa sana ako kaso bigla naman siyang tumawag. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang hindi ako magmukhang nagseselos dahil baka mag assume nanaman tong lalaking to.

"Hello?" Sabi ko.

"Hey . Are you mad?" He asked na sobrang amo.

"No, hmm a little pero kanina yun dahil sa attitude mo. Nag-sorry kana naman eh kaya okay na." Anrupok mo self. Pero totoo naman kase eh dun lang ako nagalit.

"About Anne. Don't worry about her. Ako na ang bahala don. Just tell me if ginulo ka nanaman niya." He said full of authority. Kinilig naman ako ng beri layt.

"Sige, Pero can I ask something about the two of you?" I asked pero natatakot ako kase baka magalit nanaman siya.

"I'll tell you pag nasa Tagaytay na tayo." He said. Alam kong naka-ngiti siya ngayon. 

"Alam mo wala na talaga akong balak eh. Dahil sa nangyare pero mukhang Okay naman na tayo kaya sige na sasama na ako. Tsaka libre naman eh." I shrugged.

"Yes! Promise babawi ako sayo sa Tagaytay." His voice is full of excitement.

After namin mag-usap sa phone ay nag-ayos ako ng gamit ko. Saturday ng gabi uuwe naman na kami kaya di ako magdadala ng super dami na gamit. Just sweater, Coat, spare slippers, pairs of under garments and pair of pants and tank tops also 2 dresses. Nagdala den ako ng Pajama pantulog ko, and toiletries. Bukas dadaan nalang kami dito para kuhain ito. Natulog nalang ako dahil may half day na pasok pa ako bukas. Siya naman daw ay ganun den. Konti nalang iisipin ko na may magic siya na ginagawa kaya parehas kami lagi ng sched. Wala akong magagawa anak ng may ari ng school yung kaibigan niya.

9:00 -11:30 ang pasok ko ngayon sabi ni Aaren 7:00 -11:00 ang kanya. Judgemental pala ako. Nagising ako ng mga 7:00 nagluto nalang ako ng breakfast at kumain na. Naligo ako ng mga 7:20. After ko maligo nagbihis lang ako ng pair of maong pants and Blue polo shirt and white rubber shoes. Friday ngayon wash day namin. Naglagay ako ng light make up and natapos ako ng mga 8:10. Nagtataka ako bakit kaya hindi umuuwe si Diane? Baka sa bahay nila siya natutulog. Siguro nga. Hindi pa ako malelate dahil maaga pa. Nag abang nalang ako ng Jeep. Nakarating ako ng maaga sa School. Pagkapasok ko ng room naabutan ko silang nagbabayad kay Ara. Di pa ako nakakapasok ay nakita ko na papunta sa room si Mr. Lee. Pag nalaman niya ang ginagawa namin patay kami lalo na si Eunice.

"Andyan na si Leevogue!" Sigaw ko kaya nagsiupuan sila at si Ara mabilis na inabot kay Eunice yung listahan at pera. Ako naman ay chill na naglalakad.

"Hi Class. Kamustahin ko lang kung ilan na ang nagbayad Ms. Acquezta?"

"uh," napatingin siya kay Ara. Ara mouthed 70%. "70% na po sir."

"Madame na pala. Pakibigay nalang sa nasabing time. Ideretso mo na kay Prof. Mercado." Matamlay si Mr. Leevogue ngayon ah. Tsaka hindi siya maloko. Pagkalabas niya biglang nagsalita si Ark.

"Alam niyo ba issue kay sir?" Napatingin kami sa kanya at umiling nang sabay-sabay.

"Namolestya daw anak niyang babae. Nakakalungkot nga eh kase ang bata pa nun 9 or 10 palang ata." sabi niya ng malungkot. Nakakalungkot man yun pero baka kase Karma na den nangmomolestya den naman kase siya eh.

"Alam mo Ark ang chismoso mo kalalaking tao eh." Binatukan siya ni Chels. 

Ang ingay lang nila dahil wala pading prof. Biglang may nag- announce sa speaker ng buong school. 

"Announcement to all students of Mauricio Flying School all of our professors  are in a General Meeting Classes are now dismissed due to the said faculty assembly. You may go home now. Thank you." sabi ng announcer. Tumayo nalang ako at agad hinawakan si Diane na nagmamadali ngayon lumabas.

"Saan mo balak pumunta?" Nakataas ang kilay ko ngayon at mataray na nakatingin sa kanya.

"Bakla ka! Uuwe. Di ako nakapagpaalam na sa bahay muna ako nag-stay napagalitan den kase ako eh." Naglalakad na kami palabas. "Tuloy Tagaytay niyo ng Aaren mo?"

"He's not mine." sabi ko.

"Hindi pa. Doon den naman punta non pinatagal mo pa." Inirapan niya ako. Sasagot pa sana ako kaso biglang nag-buzz ang phone ko. Binasa ko ang message doon.

From: Mr. Reaper

Waiting @parking  :)

Nagsabe ako kay Diane na uuna na ako kase aalis pa nga kami. Naglalakad ako sa papunta sa parking ng may biglang Humawak sa braso ko.

"Hey Baylee. I finally meet you."

Right Love , Wrong TimeWhere stories live. Discover now