#1- "Stupid"

78 6 1
                                    

"Yun na yon? Ano ba!?  Baket ganyan ending mo" inis kong pinatay ang TV dahil na-badtrip ako sa pinapanood kong K-Drama.

"Sinabe ko na sayo eh, panget nga ending pinanood mo paden" sabe saken ni Diane.

"Sana wag ganyan ka- tragic mangyare sa Love life ko"  masyadong masaket ang ending ng Moon Lovers:Scarlet Heart nato.

"Hindi lahat ng story ganyan ang ending" sabe ni Diane. "Ay oo nga pala may bagong bukas na Bar sa BGC,  actually franchise nalang yon alam ko sikat na brand ng alak ang mga inumin don eh, ewan yun kase sabe sabe. Ano sama ka? " tuloy tuloy na sabe niya kahit kelan talaga kala mo Rapper to si Diane.

"Anong oras ba?  Ayoko den naman ma-stress kaya kelangan den gumimik" friday naman kaya keri na.

"9 pm daw opening eh. Libre alak kase kakabukas lang. Ano G? "

"Sige, after school na ah,  may Pa-quiz nanaman si Gorla saten eh" si Gorla yung teacher namin na akala mo Gorilla sa sobrang sungit at nakakatakot magalit mamsh.

"AHAHAHAHAHAHA FAGO ka" tawa ng tawa tong si Diane. "AHAHAHAHAHA na-imagine ko nanaman ilong niyang umuusok sa galet"

"Mag-ayos na nga tayo mamaya ma-late nanaman tayo kay Gorla"naligo nako tapos nag-ayos.

Matapos namin magayos bumaba na kami papunta sa Parking Lot ng Condo. Ako ang nag-drive sa kotse ni Diane may licence naman ako wala nga lang kotse.

'Mauricio Flying School' exclusive school for future FA and Pilot meron ding Engineering kase kailangan yun para sa pagaayos ng mga Eroplano. Bata palang ako pangarap ko na mag-FA pangarap ng Papa ko na libutin namin ang buong mundo pero mukhang hindi na matutuloy. Bumalik ako sa katotohanan ng sigawan ako ni Diane.

"Earth to Shan" pumitik pa siya sa harap ko.

"I hate being called in my Second name diba" sinamaan ko siya ng tingin. "Panglalaki"

"Sorry girl, pero cool" nag-pogi sign pa sya.

Bumaba na kami sa parking nauna siyang maglakad sa akin kase may hinahanap ako sa bag ko. Kakahanap ko ng phone ko natalisod ako at nadapa.

"Pack!" Di ako nagmumura kaya ayan lang nasabe ko. Tinignan ko kung nasugat ang precious legs ko pati ang aking precious arms. Napansin kong may nakatayo sa gilid ko kaya napapikit ako ng mariin dahil sa kahihiyan.

"Stupid" naka-ngisi ang lalaki sa akin. Tinignan ko sya ng masama at pinagmasdan ng mabuti. Halatang hindi si Pilipino dahil sa itsura na may halong foreigner.

"I don't need your side comments Mr. " sarcastic na sabi ko.

Umalis na ako at iniwan ang lalaking yon doon. Naiinis ako sa kanya. Sabihan ba naman ako ng 'Stupid' I hate that guy.

Pagkapasok ko sabe ng lalaking teacher namin may bagong Pilot-Engineer sa school namin. Well I don't give a pack! Pake ko dun buti kung napapakain niya ko.

Another quiz ang binigay ni Ms. Gorla samin jusko naman makapagbigay 'to ng quiz eh laging self study ang nangyayare samin eh. Kelangan ko na talaga magre-charge.

Pagkauwi namin ni Diane sa condo ko kumain muna kami at nag-ayos na kami para sa Awra mamaya. Nakasuot lang ako ng tube top na pinartneran ko ng high waisted shorts and ng see-through long sleeves and a cream 2 inch heels. Tinali ko na din ang buhok pero ginawa kong messy bun. Si Diane naman ay nag white Sleeveless and maong shorts. Nakalugay lang ang kanyang wavy hazel colored hair.

Bumaba na kami sa parking at dumiretso sa kotse niya.

"Sino ba mga nandon na kilala naten? " tanong ko.

Right Love , Wrong TimeWhere stories live. Discover now