#2- The Friend

46 3 0
                                    

"Shut up ignorant"  mahinahon kong sabe. Bakit sya pa? Ibang lalaki ang nakita ko kagabe ah!?  Juice ko di nako iinom ng madame ayokong maulit to.

"Calling me ignorant huh, excuse me miss dito ka po natulog sa bahay ko. Magpasalamat ka hindi tatawagin mong ignorant yung tumulong sayo. " sabe na ng nakataas pa ang kilay. "Sana pala iniwan nalang kita na nakahiga sa labas ng club nayon. "

Nahiya ako kaya yumuko ako nag-sorry.

"It's fine just eat this breaky". He said.

Umupo ako sa breakfast table at kumain. Mayroong mga eggs, bacon, fried rice and orange juice. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ito.

"Thank you sa breakfast pero I have to go,uuwi pako ng Batangas" sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at ngumisi. Pumasok siya sa kwarto at paglabas niya ay may dala na siyang backpack.

"Pupunta den ako don"

"Sml?" Tinignan niya ko at nanlaki ang mata ko nung na-realize ko ang sinabi.

"Sara muna labas? " alam kong hindi yung tatalab kase ang bobo ng sinabe ko. "Tara na sa labas? Hehe" nahihiya nako ngayon sa ka-shungahan ko.

Nakasunod lang ako at nakayuko hiyang-hiya sa sinabe. Sinabi ko lang kung saan ako nakatira at binaba niya ko pero napansin kong nakakunot ang noo niya at mukang galit.

"Sorry talaga, if I offended you just say anything! Ayoko ng may sama ng loob sakin ang isang tao"

Tumingin siya saken pero mas lalong kumunot ang noo.

"I didn't care about what you said earlier. May iba akong iniisip" he said kaya medyo napahiya ako.

"Ganon ba?  Sige bababa na ako" bumaba ako at agad naman niyang pinatakbo ng mabilis ang BMW niya. Sana ol may kotse.

Pagkapasok ko sa Condo nakita ko si Diane na kakalabas lang ng Banyo.

"Hoy!  Saan ka galing?  Bat nawala ka kagabe?  Pano ka nakauwe?  Saan ka natulog? " sunod sunod na tanong niya.

"Paano ako sasagot?" Umirap kami parehas "okay galing ako sa Condo ng lalaki a-" di pako tapos sumingit na siya.

"Sinong lalaki?  Gwapo ba?  Nadiligan kana?  Hoy! Umayos ka!"

"Patapusin mo kaya ako! " inis na singhal ko.

Nag- peace sign siya at tumahimik.

"Okay galing ako sa Condo ng isang lalaki na nakita ko sa club kagabe. Nag-text ako kagabe pero di na ata nasend dahil biglang namatay ang phone ko kasabay ng pagkawala ng malay ko. Nakauwe ako dahil hinatid ako nung lalaki yun na" sunod sunod sa sabe ko.

"Ahhh,  pero wait anong name ng boy? " humagikhik pa si Diane na parang kinikilig.

"Ayun ang galing hindi ko alam pangalan niya" napasapo ako sa noo eh. Hindi ko pala natanong ang pangalan niya. Tatanungin ko pag nakita ko siya pag-uwi ko sabe niya pupunta siya sa Batangas eh.

"Mag-iimpake muna ako. Uuwi muna ako ng Batangas. " tumango nalang sya.

Malapit nako makarating sa Batangas ng biglang tumigil ang bus.

"Pansamantala po muna tayo titigil may nasira sa Bus naten. Sakto naman po at may Gasoline Station sa malapit. Pwede po kayong bumaba kung gusto niyo" anunsyo ng konduktor.

"Anu bayan" inis na sabi ng babae sa katabing upuan ko.

Halos kalahati ng bus ay bumaba para kumain at mag-banyo. Naiihi nadin ako kaya bumaba muna ako pero dala ko ang backpack ko nagbabakasakaling may masasakyan malapit nadin naman ako sa amin. Pagkalabas ko ng banyo ay bumili muna ako ng makakain. Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko ng makita ang lalaking kakapasok lang sa convenient store na ito.

Right Love , Wrong TimeWhere stories live. Discover now