#19- New Beginning

5 0 0
                                    

"I don't like you anymore." He said na parang wala lang sa kaniya.

"Sinasabi mo yan ngayon na parang wala lang sayo? Tatanungin kita, sino ba yung unang lumapit? Sino ba yung nagbigay motibo? Tapos nung nahuhulog na ako iiwan mo ako?" Nakatingin padin ako sa harapan namin pero patuloy na umaagos ang mga luha sa mata ko.

"It's not about who started it, It's about who will end it. So I will end it now habang hindi pa lumalalim." He said na parang wala lang sa kaniya.

"Tinapos mo na kaagad hindi pa nga nagsisimula." Malungkot na sabi ko. Napayuko na ako dhil tuloy tuloy padin yung pagbagsak ng mga luha sa mata ko. Nakakainis, Talo nanaman ako.

"Love, my parents called they said we'll have a family dinner tonight. We should be ready." Lumapit na sa amin si Anne.

"I guess this is the end of our story that hasn't start yet." Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo, humarap ako kay Aaren. "Congrats and Best Wishes." Inabot ko ang kamay ko. Akala ko hindi niya tatanggapin yun pero tinanggap niya. Nakatingin siya sa gilid habang nag-handshake kami.

"Let's go Anne." Walang ganang sabi niya kay Anne.

"Yes Love." Nakangiting aso na sabi ni Anne pero nakatingin sa akin.

"Anne, take care of him." After I said that tumalikod na ako. Bumagsak nanaman ang mga luha ko.

I WILL NOT ALL IN LOVE AGAIN!

"Anak mag-iingat ka doon ah." Sabi ni Mama habang inaabot ang mga bagahe ko. 

Napagdesisyonan ko na maging isang exchange student sa New York. Noong nagbigay ang school ng isang application para sa mga student na gustong sa New York magtrain para sa Tourism agad agad akong nagpasa. Gusto ko lumayo, Gusto kong umalis, Gusto kong makalimot.

"Yes po! Tatawag po ako lagi ma! Kuya ikaw na ang bahala kay Mama ah! At yung Condo pala. Pakipunta-puntahan." Paalala ko.

"Nandoon naman si Diane eh!" Halata sa boses niya ang pagkatamad.

"Puntahan mo pa din. Aalis na po ako baka ma-late ako sa flight ma! Bye po." Hinalikan ko siya sa pisngi at umalis.

Ang sabi din mama may balita daw siya na nasa New York ang biological father ko. May isang kaibigan daw siya doon na makakatulong sa akin mahanap si Papa. Sana makita ko na siya. Dumating na ako sa Airport. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Tapos na ang baggage check-in, naglalakad na ako papuntang immigration pero may biglang yumakap sa akin. Paglingon ko nakita ko si Diane.

"I'll visit you Love." She said, I heard her little sobs. Hindi ako lumingon dahil iiyak din ako.

"I'll call you." I said and smiled as if makikita niya ako. Bumitaw na siya sa yakap.

"Ingat ka ah! Wag tanga." Sabi niya, napangiti naman ako.

"Stop crying mag-aaral lang siya 'don." Rinig kong sabi ng boyfriend niya na kapatid ni ah nevermind.

Dumiretso nalang ako. See you New York, I'll start a new beginning. 

2 years na akong namamalagi dito sa New York. Super challenging especially ang pagsasalita. 2 years na din akong walang balita sa kanya until I heard the news.

"Aiden Schmidt takes over their company... Crimson Liquor Company is the most famous liquor brand worldwide. The late chairman also announces his second son's wedding will happen next year to the daugther of their business partner. We all wish the Schmidt  family a good luck. On the other news..."

So hindi pa pala sila nakakasal. I wish him a settled life. I don't have class now so I'm gonna go shopping nalang. I texted my friend here.

To: Andy

Hey wanna go shopping?

From: Andy

Can't go out sis. Sorry.

I just replied that it's okay. She is so studious girl I never thought that we can be friends because I'm such a extrovert and partygoer person. I can go alone naman. While I'm walking towards the Starbucks I saw a familiar person. No! This can't be. I just walk like I am not affected by his presence but I am!!!! 

"One iced frappucino. Ms. B." I said to the cashier. I walk to a table near the window. I see him sitting to the table in front of mine.

"Iced coffee for Mr. A." I saw him walk towards the cashier and got his drink then go back to his table again.

"Iced Frappucino to Ms. B." I felt his stare while I'm walking towards the cashier. Thank Goodness hindi kami sabay natawag. Kumukuha ako ng straw ng biglang.

"One cinnamon bread to Mr. A." Ooh shoot! I heard his footsteps behind me.

I am about to walk to go back to my table when I heard him talk.

"Nice to see you again B." Napatingin ako sa kanya. 

He looks so... pale. Pumayat siya. Bakas din sa mukha niya ang stress. 

"Wanna sit with me here?" He asked as he look sa table niya.

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Tahimik lang akong naka-upo at umiinom ng order ko.

"H-how are you?" May something sa kanya. Nag-iba ang boses niya. 

"I'm fine. Ikaw? You look so- Pale." I hesitate.

"Let's talk about health some other time." Tumingin siya sa phone niya. "I need to go."

"Ang hilig mo talagang mang-iwan." I sighed. Naphinto siya at nagpakita ng isang malungkot na ngiti.

"I just need to do something." Then he left.

"Bawal sayo ang coffee umiinom ka nanaman." Lumingon ako para makita kung sino yun. Syempre his future wife, Anne. Hindi siya pinansin ni Aaren.

I wanna know how he is. Basta there's something sa kanya. Sobrang pumayat siya at ang putla putla niya. Oo aaminin ko umaasa pa din ako pero sa nalaman ko tama na he's ready to settle down pero nag-aalala ako as a friend. Nawalan na ako ng gana mag-shopping kaya umuwi nalang ako ulit. 

"Sabi mo diba tama na." I said while lookong at my ceiling. 

Hindi ako mapakali kaya I opened my Ig. I unfollowed him and Anne so wala na talaga akong balita. Hindi na din ako masyadong active sa Social media dahil busy. When  I went to his profile nabitawan ko ang phone ko sa gulat.

@AarenClyde posted 3hrs ago.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

:>





Right Love , Wrong TimeWhere stories live. Discover now