Nakauwi na kami mula sa Tagaytay. Sunday ng umaga noong umuwi kami. Paguwi ko natulog lang ako ulet at paggising ko nung tanghali nag-ready lang ako dahil baka may surprise quiz nanaman kami. Nagbabasa ako nang notes ng biglang lumabas sa kwarto si Diane. Maga ang mata niya at ang gulo ng buhok.
"Morning, Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
"uhm..." Tumango lang siya. "Wala ka kagabe eh. Mag-isa lang tuloy akong uminom."
"Bakit ka naman uminom?" Masungit na tanong ko sa kanya. Kilala ko si Diane. Kilala ko si Diane hindi yan basta basta umiinom ng mag-isa or kaming dalawa lang.
"Nothing." Umiling siya pero ramdam ko na meron.
"Pag meron just talk to me. I am always here." I said to assure her. Tumango lang siya at pumasok sa kwarto niya. "Maybe she needs to be alone."
Nagbabasa ako ng notse ko noong tumunog ang phone ko. He texted me.
From: Mr. Reaper
Hey? Watcha doin'?
To: Mr. Reaper
Just Studying some notes. Why?
From: Mr. Reaper
Nothing just wanna know.
Oo nga pala Ready kana sa Freshmen's Camp?
To: Mr. Reaper
Not yet. I don't have Food pa baka mga Tuesday na ako mag-grocery.
From: Mr. Reaper
Sasabay sana ako sayo kaso may gagawin ako nun.
To: Mr. Reaper
E di gawin mo na muna. Hindi ko kukuhain oras mo dzuh.
From: Mr. Reaper
Baka kase gusto mo ako kasama.
To: Mr. Reaper
Amfee
From: Mr. Reaper
Huh?
Hindi ko na siya nireply-an dahil attitude ako eh. Naging busy den ako buong mag-hapon. Nagaalala na ako kay Diane. Pumasok ako sa kwarto niya nakita kong ang kalat ng kwarto niya. May mga tissue sa buong kama niya. May mga canned beer sa sahig. Nakakalat den ang mga notes niya. Tulog siya. Lumapit lang ako at tinitigan siya.
"Mukhang pagod kana." Hinaplos ko yung mukha niya.
Pinunasan ko nalang ng wet wipes ang mukha niya halatang umiyak lang siya mag-hapon. I feel so guilty kasama niya ako dito pero di ko alam kung anong nararamdaman niya. Nilinis ko ang kwarto niya. Niligpit ko yung mga tissue sa sahig pati narin yung mga canned beer. Pagkatapos ko maglinis ay nagluto ako ng dinner namin. Nagluto nalang ako ng sinigang na hipon. Hindi ko muna ginising si Diane naligo nalang muna ako at nagbihis ng pajamas. Paglabas ko galing ng cr gising na si Diane at tulala siya at nakaupo sa couch.
"Diane?" Mahinang tawag ko sa kanya.
"Oh yea uhm. Kain na tayo?" Tanong niya at mukhang nagulat sa akin.
Nagsandok muna ako ng pagkain namin ni Diane. Nagdasal muna kami bago kumain. Habang kumakain hindi na ako nakapagpigil na magtanong.
"Diane? Can you tell me what happen to you?" Napatigil siya sa pagkain.
"Uhm..." Binaba niya yung kutsara at tinidor na hawak niya at tumingin sa akin.
"Kahit anong problema mo sabihin mo sa akin. Best friend mo ako diba? Nandito ako for you." I said and hold her hand for assurance.
YOU ARE READING
Right Love , Wrong Time
Любовные романыWe both love each other. We are a great team , a great couple but this is not the right time for us. In this world that every guy is a cheater I met someone who loved me and make me feel I am enough but what can I do if time is our Rival.