Nagising nalang ako na wala na si Aaren sa tabi ko. bumangon ako at nakita siya na nanonood sa tapat ng TV.
"Hey? Okay kana?" Tanong ko sa kanya. Napalingon siya sa akin at ngumiti.
"Okay na, Ikaw?" He asked.
"Wala naman ako saket ah." Inaantok na sabi ko.
"Oo nga pero kase kagabi takot na takot ka eh. Tuwing kikidlat o kukulog humihigpit yakap mo sa akin." Nakangiti siya habang sinasabi yun.
"Nage-enjoy ka naman sa yakap ko." Inirapan ko siya.
"Syempre, pero ginawa ko lang naman yun dahil ayaw ko na natatakot ka." Ewan ko pero may mga paru-paro sa tiyan ko. "Ampangit mo kase matakot HAHAHAHAHAHAHA." Nawala ang mga paru-paro nayun at napalitan ng bato. Binato ko siya ng unan.
"Ang epal mo talaga." Inirapan ko siya.
"Tayo kana diyan. Tumila naman na yung ulan eh. Nasayang na yung isang gabe naten." Tumayo na ako at nagbihis. Pero may na-realize ako.
"Natulog tayo ng naka-rob lang?" Tinakpan ko pa ang katawan ko gamit ang kamay.
"Oo, pero kagabe nag-bihis ako tapos binalot kita ng kumot. Tsaka parang wala ka naman tiwala sa akin?" nalungkot-lungkutan pa siya.
"May tiwala ako sayo pero lalaki ka paden dzuh." Pumasok nalang ako sa cr at nagbihis na.
Pagkalabas ko ng Kwarto wala na si Aaren. Hinanap ko siya at nakita ko siya sa likod. Naka-tingin siya sa mga bulaklak habang nakaupo sa duyan. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para di niya ko mahalata. Bakla pala to si Aaren eh charot.
"Mas maganda kung siya yung kasama ko." Sabi niya na nagpabigat sa puso ko.
Ako yung nandito pero iba yung hinahanap.
"Ehem." Tumikhim nalang ako dahil may luhang nagbabadya sa dulo ng mata ko. "Ngayon ko lang nalaman bakla ka pala." Tumawa ako ng pilit.
"Ang ganda lang ng mga bulaklak parang ikaw." Ngumiti siya ng matamis sa akin. Imbis na kilig at saya ang maramdaman ko. Kumirot ang puso ko.
"Tara na. Akala ko ba mage-enjoy tayo?" Tanong ko ng nakangiti. Hindi ko nalang iisipin yung narinig ko. Gusto ko nalang mag-enjoy.
"Tara na nga!" Excited na sabi niya.
Naglalakad kami pabalik sa hotel namin. Noong nasa elevator na kami biglang may tinanong siya.
"Sky Ranch tayo?" Sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.
"Sure kahit saan G ako." Masiglang sabi ko naman.
Pagdating ko sa room namin nauna na akong maligo sa kanya dahil magpapatuyo pa ako ng buhok. Good thing may dryer sila dito. Pagkaligo ko nagbihis lang ako ng pants and black tank top. Nag- rubber shoes na white ako at sinuot ko den ang pink coat ko dahil malamig dito. Sing lamig ng convo niyo HAHAHAHAHAHA charot. Naligo na si Aaren pagkatapos ko. Nakasuot lang siya ng black shirt and a maong pants. Naka-rubber shoes den siya na white and meron siyang silver chain necklace. Wtf same kami ng color palette sa outfit.
"Gaya-gaya." Umirap ako sa kanya.
"Of course not, Eto ang dala ko eh." Tumawa pa siya. "Baka faith to omayghaaaad." Nagboses babae pa siya at nagtakip sa bibig niya. Tila talaga siya bakla.
"Ha ha ha grabe naman yun. Fyi di ako naniniwala sa destiny or faith thingy. Ang corny lang." Sinuklay ko nalang ang buhok ko dahil tuyo na ito.
YOU ARE READING
Right Love , Wrong Time
RomanceWe both love each other. We are a great team , a great couple but this is not the right time for us. In this world that every guy is a cheater I met someone who loved me and make me feel I am enough but what can I do if time is our Rival.