33

172 8 0
                                    


JILLIAN

"Guys, may sasabihin kami ni Jillian sa inyo." nakangiting sambit ni Mashiho sa mga kasama namin ngayon.

Nandito kaming lahat sa canteen. Tsaka pinag-usapan namin kanina ni Mashiho na sasabihin nalang namin sa kanila na.. kami na. Tsaka bakit naman hindi namin yun sasabihin sa kanila, di'ba? Kaibigan naman namin sila. And, wag nalang naming itago pa.

"Ano naman iyon?" tanong ni Kaira.

"Biglaan ha, ano ba iyon?" tanong ni Junkyu.

"Kaya nga?" Yoshi.

Nung tanong na sila nang tanong sa amin, napatingin ako kay Mashiho. He just smiled on me.

Huminga ako ng malalim at binalik ko yung tingin ko sa mga kaibigan niya. Ningitian ko sila, "Guys.. gusto ko lang ipaalam sa inyo na.. kami na ni Mashiho."

Pagkatapos kong sinabi yun, hininintay namin yung reaction nila. Nabigla yata sila. Lalaki ng mga mata nila.

"Huy! Wala lang ba kayong sasabi--" Mashiho.

"KAYO NA?!?!?!?!" malakas na tanong nilang lahat sa amin sa dahilan na parang nabingi ako. Napailing at napatawa lang naman kami ni Mashiho doon. Tapos ang dami tuloy mga students na nagtinginan dito sa aming direksyon.

"Oo nga kasi. Kami na." ulit ni Mashiho.

"Unbelievable. Taken na yung dalawang  girl best friends ko." nakangiting sambit ni Minhee sa dahilan na napatango ang lahat nang nandito. Napatingin naman ako kay Kaira na hanggang ngayon, gulat pa din.

"Ha? Pero paano nangyari yun? Parang sinabi lang ni Mashiho sa amin na.. liligawan muna si Jillian." nabibigla na sambit ni Jihoon.

"Tapos ngayon, kayo na?" dagdag pa ni Hyunsuk.

"Ganito kasi.. tinanong ko naman talaga si Jillian kung puwede ko siyang ligawan." kwento niya sa akin at ningitian niya na naman ako. Tae, ang cute niya talaga! ^___^

"Tapos narealize kong.. bakit kailangan niya pa akong ligawan kung mahal naman namin ang isa't isa? Siguro.. sayang lang sa oras." dagdag ko. "Kaya.. eto, kami na." sabi ko at ningitian ko silang lahat. Tsaka yan na naman, natahimik na naman sila. Ang weird talaga ng mga kaibigan ko. >.<

Pero maya-maya, "SUPPORT!" tapos ang ingay na naman. Hays. Ang weird talaga nilang kasama.

Pero napangiti nalang kami ni Mashi sa mga matatahimik naming kaibigan, "Thank you."

"Ang saya naman ko sa inyo. Pero at the same time, nabibitter ako. Sana all, may focking juwa." nakangiting sabi ni Jeongwoo sa amin sa dahilan na natawa kaming lahat.

"Dadating din ang tamang panahon para magkajowa ka, Jeongwoo." natatawang sambit ko sa kanya at mas lalo lang naman nagsitawanan ang mga kasama ko. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah." dagdag ko.

"Sino na susunod kay Mashi diyan? HAHAHAHA!" natatawang tanong ni Junkyu.

"Ekis muna ako diyan." sabi ng karamihan at tumatahimik lang naman yung iba.

"Pero uy, Mashi. Wag mong sasaktan si Jillian ha? Lagot ka talaga sa akin." warning ni Kaira kay Mashiho.

"Aba talaga." Minhee.

"Kung gagawin mo man yun sa kay Jill, kahit best friend kita.. bubugbugin ka talaga kita." sabi ni Haruto sa kanya.

"Sasali kami syempre." yung ibang Treasure.

Nakakatuwa naman yung mga kaibigan ko. Jusko. Pero alam ko naman na hindi magagawa ni Mashi yun sa akin kasi.. mahal niya naman ako. :)

Ningitian naman sila ni Mashi at bigla niyang hinawakan yung kamay ko sa dahilan na napangiti ako.

"Wag kayong mag-aalala, hindi ko sasaktan si Jillian." sabi niya at tinignan niya ako, "Kasi mahal ko siya." pagkatapos nun, nagkantyawan na naman ang mga kasama namin dito.

"Mahal din kita." nakangiting sambit ko sa kanya. Yun, mas lumakas ang mga sigaw nila dito. >.<

Sana nga hindi na magbago pa ang nararamdaman ni Mashiho para sa akin.

prank | mashihoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon