40

163 8 0
                                    

JILLIAN

"Pinagalitan pa ni Minju si Minnie kung nasaan yung inhaler niya. Tapos sabi ni Minnie nasa bag niya lang naman daw. Nagpapagod kasi masyado si Minnie. Naguilty tuloy ako. Natatakot na ako."

"Nagpapanic na kaming dalawa ni Minju dahil hindi na makahinga ng maayos si Minnie. Hanap namin nang hanap yun inhaler pero hindi namin makita. Syempre.. alam ko naman na sinira ko."

Tapos naiiyak na ako nang tuluyan nung naaalala ko yung mga pangyayari noon. Parang.. hindi ko na kaya.

"I feel bad.. pero anong nangyari?" Mashiho.

"Naisipan namin ni Minju na tumawag ng doctor. Pero huli na ang lahat dahil nawalan na kaagad ng buhay si Minnie. Halos hindi na tumigil sa kakaiyak si Minju. Naiyak na din ako ng tuluyan dahil ako ang may kasalanan ng lahat."

"Until her parents came, sinabi agad ni Minju yung nangyari. Tsaka halos hindi sila makapaniwala nung nangyari kay Minnie. Parang gusto ko ng umalis sa bahay nila, dahil ako yung pumatay kay Minnie."

"Kahit anong ginawa nila, wala ng buhay si Minnie. Hindi na siya humihinga. Galit na galit yung parents niya sa kanya dahil pinabayaan niya yung kapatid niya. Sorry nang sorry si Minju sa kanila pero galit na galit yung parents niya sa kanya."

"Naaawa ako kay Minju kasi wala naman siyang may kasalanan. Ako naman yung may kasalanan. Basta ang alam ko, hindi ko na mapigilan yung inis ko kaya sinira ko yung inhaler niya."

"Tsaka.. confirmed na patay na si Minnie. Halos nasaktan sina Minju at ang sobrang hirap yung tanggapin. Sising-sisi ako sa ginawa kong kalokohan. Dapat hindi ako nagpadala sa galit ko."

"Dumating yung araw na kinakatakutan ko. Lumabas na yung katotohanan. One day, nung nasa locker na ako. Laking gulat ko dahil sinampal at sinabunutan na ako ni Minju." naiiyak kong kwento ko sa kanya.

"Yun pala.. nalaman niya na. Dahil nakita nung parents niya yung CCTV. Yung ginawa ko sa inhaler ni Minnie. Galit na galit siya sakin, pati yung parents niya. Pero deserve ko naman yun."

"Sorry ako nang sorry sa kanya. Pero.. galit na galit na siya sa akin. Tsaka doon, iniiwasan niya na ako. Tsaka yung masakit na part, kakalimutan niya na ako bilang best friend niya dahil ang sobrang sama kong tao. Nang dahil sa ginawa ko."

"Kilala mo naman yung kapatid ko di'ba, Jillian?! Ganun na yun! Pero sana naman naintindihan mo yung kalagayan niya! Pwede pang magbago si Minnie sa'yo! Pero yung gingawa mo?! Ano?! Parang pinatay mo na din siya! At hinding-hindi na mababalik pa ang buhay ni Minnie!"

"Ang sama-sama mo, Jillian! Anong ginawa mo sa kapatid ko?! Naiintidihan kong naiinis ka na sa kanya, pero bakit kailangan mong gawin yun?! Kapatid ko yun, Jillian!"

"Simula ngayon, kakalimutan na kita bilang best friend ko."

Mas lalo lang naman akong naiyak nung naalala ko yung mga pinagsasabi niya sa akin noon. Ang sobrang sakit pa din sa akin kahit nakaraan nalang yung lahat.

"Pero masaya ako dahil.. pinatawad na din ako ni Minju. Bati na kami, pero hindi kami katulad ng dati na sobrang saya. Hanggang ngayon nga, guilty pa din ako at ipinagsisihan ko pa din."

Tinignan ko naman si Mashiho habang ako'y umiiyak at ningitian ko siya, "Mali yatang nahulog ka sa'kin, Mashiho. Ang sobrang bait mo, tapos ako? Ang sama-sama, may pinatay pa ako."

Tumayo lang ako at umiyak lang ako. Ano ba yan, nakakahiya. Nandito pa yung boyfriend ko. Sorry na, hindi ko na mapigilan.

Niyakap niya ako at niyakap ko nalang din siya pabalik. Pero takte, umiiyak pa din ako. Parang ayaw ko nalang tumigil sa kakaiyak. Nagmumukha akong maliit na bata dito eh.

"Sorry, napaiyak pa kita. Nagkwento ka pa." bulong niya sa akin. "Stop crying, Jill. Nakaraan na yung lahat. Alam ko naman na hindi mo yun sinasadya. Kung hindi lang sana ganun yung kapatid niya, alam ko namang hindi mo yun magagawa sa kanya."

"Tsaka nagsisi ka. Alam ko maiintindihan ka ni Minnie. Tsaka ang importante, ayos na kayong dalawa ni Minju." dagdag niya.

"Ang sama ko."

"Ssshhhhhh. Stop."

Wala nalang akong may sinabi at nanatili pa din kami nakayakap sa isa't isa. Akala ko magagalit din sa'kin si Mashiho. Pero hindi. Hindi ko siya deserve. Arghhhh!

"How can you understand me, Mashiho? Galit nga din ako sa sarili ko." tanong ko sa kanya. Bumitaw siya sa akin at ningitian niya ako.

"Because I love you."

-

tAENA ANG KORNI NETO SORRY NA 😶

prank | mashihoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon