08

456 15 1
                                    


MASHIHO

Tapos na akong nag-ikot-ikot dito sa bahay nina Jillian at kanina pa akong nakaupo dito sa kanilang sala. Wala akong magawa kundi magphone nalang ako.

What if.. puntahan ko na sina Jillian sa kusina? Kanina pa sila nandoon sa kusina eh. Baka tapos na silang gumawa ng mga cupcakes.

Tumayo ako at papapunta na sana ako sa kusina nila ng nakuha ng attention ko yung mga picture frames dito sa malaking desk.

Hinawakan at ipinagmamasdan ko lang naman yung mga picture frames na nakalagay dito. Mga family picture nila at baby pictures ni Jillian. Ang sobrang cute pala ni Jillian nung maliit pa lang siya. Hehehe.

Tinignan ko naman yung family picture nila, maganda din pala yung Mama niya. Pero mas kamukha ni Jillian yung Papa niya. Binalik ko naman kaagad yung litrato na yun.

Kinuha ko naman yung litrato ni Jillian nung maliit pa siya at napangiti nalang ako nung nakita ko iyon. Ang lawak ng ngiti niya dito oh.

 Ang lawak ng ngiti niya dito oh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang cute mo." bulong kong nakangiti at mabilis kong kinuha yung phone ko sa bulsa.

Tsaka ko kinunan ng litrato sa phone ko yung mga litrato ni Jillian. Wala, ang cute lang kasi. Gusto ko lang tignan bago ako matulog. Hehehe.

Tinago ko naman yung phone at huminga ako ng malalim. Binalik ko naman yung mga litrato niya sa mga tamang lalagyan.

Tsaka nakita ko naman may isang magandang vase sa gilid ng mga picture frames nila. Lumapit naman ako doon at dahan-dahan kong kinuha yung malaking vase.

Ang laki ng vase at maganda. Tapos nakita ko namang may nakasulat doon sa vase.

I love you so much, my angel. Always remember me and don't forget me. Keep this. :)

- mommy that loves u ♡

Nabigla naman ako doon. Pero maya napatango-tango lang ako. Remembrance pala 'to ng Mama ni Jillian sa kanya.

"Miss na miss ka na ni Jillian." nakangiting bulong ko habang nakatingin sa hawak kong vase.

Kaya lang...

"Mashiho!"

Nagulat ako nang may tumawag sa akin. Tsaka nanlaki lang naman ang mata ko nang nabitawan ko yung hawak-hawak kong vase. Halos tumigil ang mundo kong nakita kong basag-basag na yung vase sa sahig.

Hala. Lagot.

Dahan-dahan akong napatingin sa taong tumawag sa akin. Si Minju yung tumawag sa akin.

Nanlaki din ang mata niya nung nakita niyang basag-basag na yung hawak kong vase.

"N-nabitawan mo?" nauutal na tanong sa akin ni Minju.

Hindi ako makapagsalita at hanggang ngayon nakatingin pa din ako sa vase. Nasasayangan ako. Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin kay Jillian. Magagalit siya sa akin ng sobra.

"Nagulat ba kita?"

Naiinis naman akong tinignan si Minju, "Mabibitawan ko ba 'to kung hindi mo ako ginulat? Syempre, ginulat mo ako. Pwede namang tawagin mo ako, hindi yung sigawan." naiinis na sambit ko sa kanya.

"Bakit mo pa kasi tinignan? Ayan tuloy---"

"Ako na ang may kasalanan, Minju. Tumahimik ka na." naiinis na sambit ko sa kanya sa dahilan na natahimik din siya.

Napatingin ako uli sa vase at napapakamot lang naman ako sa ulo ko. Kinakabahan na ako kay Jillian ngayon. At tamang-tama nga na dumating si Jillian.

"Anong nangyayari dito--" naputol ang sasabihin niya dahil sa nakita niyang basag na vase sa sahig.

Nagulat naman siya at dali-dali naman siyang lumapit doon sa mga basag na vase at mukhang hindi siya makapaniwala. Mas lalo naman akong kinabahan nung nakita kong bigla siyang umiyak.

Kasalanan ko 'to. Magagalit siya ng sobra sa akin.

Mas lalo lang naman siyang naiiyak habang napapatingin sa vase. Mukhang masakit sa kanya at parang hindi niya kayang matanggap. Natatakot akong umamin. Pero.. hindi ko alam.

Nakita naman namin siya na bigla siyang tumayo at kinabahan naman akong tinignan niya kaming dalawa ni Minju. Sobrang kinakabahan ako sa kanya ngayon na malaman niyang ako ang may gawa.

Tanga ka naman kasi Mashiho!

"Sino ang may gawa neto?!" malakas niyang tanong sa amin sa dahilan na mas lalo akong natigilan. Mas lalo lang akong kinakabahan.

Gusto kong sabihin pero hindi ko alam kung paano. Ayaw kong magsinungaling, pero sobra akong kinakabahan. Baka iwasan ako ni Jillian pag malaman niya ako ang nakabasag ng vase.

Pero huminga ako ng malalim. Sasabihin ko yung totoo kahit magalit siya sa akin. Ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin dito.

Magsasalita na sana ako ng nabigla ko nang inunahan ako ni Minju.

"Ako, Jill. Sorry. Tinitignan ko kasi yung vase tsaka bigla kong nabitawan."

Nanlaki naman ang mata kong sinabi yun ni Minju. Nakita ko lang naman na unting-unti sumasama ang tingin ni Jillian kay Minju. Nakita ko namang napapuko lang si Minju.

Bakit hindi niya sinabi ang totoo?!

"Tsaka isa pa Jill, ako ang may kasalanan. Sorry talaga. Walang kasalanan dito si Mashiho." sabi niya sa dahilan na mas lalo akong nagulat. Hindi ako makapaniwala na niligtas niya ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon.

Thank you Minju.

- - -

prank | mashihoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon