JUNGHWAN
"Yoshi hyung, samahan mo nga ako sa room ulit." bulong ko kay Yoshi hyung at napatingin naman siya sa akin.
"Bakit?" tanong niya sa akin.
"Naiwan ko wallet ko sa bag ko, hehehe. Wala akong pambili ng pagkain mamaya." bulong ko sa kanya habang natatawa ako. Makalimutin kasi akong tao.
"Ganun ba? Sige, sasamahan kita. Kesa na mangutang ka pa sa amin." sabi ni Yoshi hyung sa akin. Grabe naman si hyung sa akin.
"Hindi naman ako ganung tao, hyung." natatawang sabi ko at tumayo na ako, "Tara na." aya ko sa kanya.
"Tara." sabi niya at tumayo na din siya.
"Ano, balik lang kami ni Yoshi hyung sa room. May kukunin kasi ako." paalam ko sa kanila at halos wala naman gustong may magsalita dito. Ang awkward naman ngayon.
"Ah sige, Hwan. Balik kayo kaagad." buti nalang nagsalita si Minhee hyung. Tsaka lang naman kami napatango ni Yoshi hyung at pabalik na nga kaming dalawa sa room.
Halos ang tahimik namin kanina 'no? Parang walang nagsasalita sa amin. Syempre, sa inaakto ba naman ngayon ni Jillian kay Mashiho hyung? Sino hindi matatahimik at malulungkot doon? Napapaisip nalang nga din ako na sana bigyan ni Jillian si Mashiho hyung ng chance para magpaliwanag.
Pero ang sad kasi sobrang galit na galit siya, yung tipo na ayaw niya nalang makinig. :( Sana maayos pa silang dalawa.
"Sana naman magkaayos sila Jillian at Mashiho 'no?" sabi ni Yoshi hyung habang papabalik kami sa room.
Napatango naman ako, "Oo nga hyung e. Hindi ako nasasanay na nagkakaganyan sila." sabi ko sa kanya at napailing lang naman si Yoshi hyung.
Malapit na kami sa room at halos wala ng tao sa room namin. Ganyan talaga pag recess sa amin, lahat ng students nasa canteen or field na.
Yung mata ko lang naman ay nasa loob ng room namin, pero nanlaki ang mata ko nung may nakita akong babae na nasa loob. Hindi eh, mukhang hindi namin kaklase yan. Teka-- si Minju?!
Napatigil naman ako sa paglakad at pinigilan ko din si Yoshi hyung, agad naman siyang nagtaka. Magsasalita na sana siya nung inunahan ko siya.
"Nasa loob si Minju." bulong ko sa kanya at nabigla naman siya. Napatingin naman agad siya sa bintana at nakita niya naman si Minju.
"Ano namang ginagawa niya sa room natin?" bulong ni Yoshi hyung.
"Ewan hyung, nakakapagtaka nga."
Hindi naman kami umalis dito ni Yoshi hyung at pinanood lang namin si Minju. May nilagay siyang cupcake sa upuan ni Jillian. Anong ginagawa niya diyan?
Pero hindi ko alam at kinuha ko yung phone ko para kuhanan siya ng video sa ginagawa niya. Feel ko may binabalak siya.
"Anong ginagawa mo?" mahinang tanong sa akin ni Yoshi hyung.
"Vinivideo hyung, kita mo naman di'ba?" sabi ko sa kanya at napailing lang naman siya.
Tapos nakita namin na may nilabas siyang maliit na bote at nanlaki naman ang mata namin ni Yoshi hyung nung nilagay niya yun sa cupcake na nasa desk ni Jillian.
"Gagi, anong pinaplano ni Minju? Ano yun?" parang naiinis na tanong ni Yoshi hyung.
Tapos nakita pa namin na napapangiti pa siya na parang baliw. Tsaka nakita namin na papalabas na siya. Tumago pa si Yoshi hyung dito sa wall pero pinatuloy ko pa din na vinevideohan si Minju. Kung makita niya man ako, okay lang. :D I'm brave, atleast alam niyang nahuli ko siya.
Pero okay lang naman dahil hindi niya ako nakita at dumaan siya sa kaliwang daan. Agad ko inend yung video at halos hindi ako makapagsalita sa nakita namin bago lang.
"Junghwan, hindi naman sa nanghuhula ako.. pero malakas ang kutob ko na lason yung nilagay niya sa cupcake don sa desk ni Jillian." sabi ni Yoshi hyung sa dahilan na kinabahan ako.
"Yun nga din ang iniisip ko hyung, e. Talagang nababaliw na si Minju. Tsaka dapat hindi yun makain ni Jillian. Itapon natin yun." sabi ko kay Yoshi hyung. "Tsaka ipapakita ko 'tong video kina Mashiho at pwede sa professor, hindi pwede yung ginawa niya." dagdag ko.
Tumango naman siya, "Tama.. tara itapon na natin yung gagong cupcake na yun." sabi niya.
Tinago ko naman agad yung phone ko sa bulsa ko. Tsaka tamang-tama, nakita namin si Jillian na inunahan pa kaming pumasok sa room namin.
"Jillian!" sigaw ko pero hindi niya kami pinakinggan.
Mabilis naman kaming pumasok sa room namin at halos kinabahan kami pareho ni Yoshi hyung nung nakita namin na nakaupo na siya sa kanyang upuan. Hawak-hawak yung cupcake na may lason na nilagay ni Minju kanina.
"Jillian! Kung balak mong kainin yang cupcake na yan, wag na!" Yoshi hyung at nagtataka lang naman si Jillian.
"Bakit ba? Nakalagay 'to sa upuan ko." sabi niya.
"Basta wag na. Please, itapon mo na yan." nagmamadali na sambit ko at pilit inaagaw yung cupcake na hawak niya.
Pero nilayo niya naman yun sa akin, "Bakit niyo ba akong pinipigilan? Hindi din ba kayo titigil?" naiinis na tanong niya sa akin.
"Wag mong kainin yan, Jillian! Galing kay Minju yan!" hala ayan nadulas na si Yoshi hyung.
"Eh ano naman kung galing kay Minju? May mali ba?" tanong niya sa amin at halos natigilan kami ni Yoshi hyung nung bigla siyang kumagat sa cupcake.
"Jillian! Ano ba!" galit na sambit ko sa kanya.
Nagbago naman yung expression niya at mukhang napapangitan naman siya sa lasa. Nabitawan niya nga yung hawak niyang cupcake, "Anong lasang 'to?!" tapos umubo-ubo pa siya at napaupo siya.
Dali namang inabot sa kanya ni Yoshi hyung yung tubig sa kanya at pinainom niya naman yun kay Jillian, "Ayaw mo kasing makinig sa amin, Jillian eh!" napapanik na si Yoshi hyung.
"May nilagay si Minju na lason sa cupcake na yun kaya pinipigilan ka namin!" protesta ko.
"Ano? Si Minju?" hala mukhang nanghihina na si Jillian at napapapikit na siya, "H-hindi.. hindi yan totoo."
"Jillian, ayaw mo pa bang maniwala sa amin? Pinigilan ka na nga namin. Nagtitiwala ka pa ba kay Minju?" Yoshi hyung.
"Ang.. sama ng pakiramdam ko. Ang sakit ng tiyan ko. Sumisikip yung dibdib ko." bulong niya sa amin sa mas lalo naman akong kinakabahan. "Parang.. hindi ko na kaya." Nanlaki naman ang mata namin nung nawalan na siya ng malay.
"Jillian! Gising!" Yoshi hyung pero nawalan na talaga ng malay si Jillian. Gagong Minju na yun walang awa.
"Hyung, nafood poison si Jillian." kinakabahan na sambit ko. "Dalhin natin siya sa clinic!"
"Tara!" Yoshi hyung at pinagtulungan namin siyang dalawa na buhatin papuntang clinic. Sasabihin namin sa Principal yung nangyari sa kanya. Kapag nahatid namin siya sa clinic, ipapaalam na namin 'to kina Mashiho hyung. Sana konting lason lang yung nakain niya para magising siya at maging okay na yung kalagayan niya.
Nakakainis naman kasi si Minju eh! Uso yung karma at wala siyang magagawa. Ipapakita namin sa lahat yung ebidensiya na ginawa niya. Akala niya walang nakakakita sa kanya? Gagi! May dalawang pogi na nanonood sa katarantaduhan niya kanina!
-
BINABASA MO ANG
prank | mashiho
Fanfiction❝ hi jillian, mahal na mahal kita. ❞ 多 PRANK // takata mashiho fanfic ♡ treasure series #2 | completed ➳ @doieruto <3