03

546 18 7
                                    


JILLIAN

Nang makatapos na ako magbihis, nagpaalam ako kay Papa na aalis muna ako sa bahay. Tsaka ang masaya, pinayagan niya ako. Kaya lumabas na ako ng bahay. Tamang-tama naman na nakita ko yung kotse ng Treasure na papahinto sa harapan ng bahay namin.

"Andito na pala sila." bulong ko sa sarili ko nang tumigil na ang kotse.

Huminga naman ako ng malalim tsaka binuksan ko yung gate at isinara ko din yun. Lumapit naman ako doon at nakita kong bumaba yung windshield. Tsaka nakita kong si Hyunsuk yung nagmamaneho.

Ningitian niya naman ako, "Sakay ka na sa likod, Jill. Tabi kayo doon ni Mashiho." nakangiting sambit niya sa dahilan na natigilan ako.

Omg tabi kami ni crush?! Ayiieeee!

Tumango lang naman ako tsaka ningitian ko siya, "Sige." sabi ko.

Binuksan ko naman yung kotse tapos nakita kong may bakanteng upuan sa tabi ni Mashiho. Omo dun nga pala ako uupo! >.< Pero okay lang hehehe.

"Hi Jillian." bati nilang lahat sa akin tsaka ningitian ko lang naman sila.

Umupo naman ako dun sa tabi ni Mashiho. Tsaka sinara ko na yung pintuan at naramdaman kong nagmamaneho na ulit si Hyunsuk. Actually, ako, si Mashiho, Junkyu, at Haruto ang magkakatabi ngayon. Pero katabi ko si crush. Owemjiiii!

Bigla ko namang tinignan si Haruto, "Hoy! Kayo na pala ni bestfriend ha?" nang-aasar na tanong ko sa kanya tsaka narinig ko namang nagkantyawan ang mga kasama namin dito.

Natatawa lang naman si Haruto at tumango siya, "Oo, Jill. Hindi ko nga din inaakala na sasagutin ako ng kaibigan mo eh." sabi niya.

Natawa naman ako at ningitian ko siya, "Okay na din yun. Stay strong sa inyo. Wag mong sasaktan si Kaira ha."

"Thank you tsaka oo naman. Mahal ko yun eh." sabi niya tapos nagsigawan na naman ang mga kaibigan niya dito. Ang ingaaaay na naman!

"Mukha kang baduy Haru!" reklamo ni Junkyu sa kanya.

"Ang korni nga masyado eh!" dagdag pa ni Jeongwoo.

"Tumigil ka nga diyan hyung!" sermon na naman ni Junghwan.

Tinignan naman ni Haruto yung mga reklamador niyang kasama, "Ang eepal niyo talaga masyado! Hindi ba pwedeng support nalang?" angal niya sa dahilan na napatawa kaming dito lahat.

"Wala, di lang talaga kami sanay. Parang kailan lang na single ka eh tapos ngayon may jowa ka na. Wag mong kakalimutan ha." pagsisimula naman ng drama ni Jihoon.

"Ew hyung! Kadiri ka! Tumigil ka nga diyan!" sermon sa kanya ni Haruto at nagsitawanan naman kaming lahat dito.

"Basta congrats sa inyo ni Kaira, Haru. Support kaming lahat sa inyo." nakangiting sambit ni Mashiho sa kanya.

"Oo nga!"

"Salamat hyung. Salamat sa inyong lahat." nakangiting sambit sa amun

Nagphone lang naman ako kaso napapansin kong may nakatingin sa gilid ko. Kaya nilipat ko ang tingin ko dun at nabigla ako nang nakita kong si Mashi na nakatingin na sakin. Pero ningitian niya lang naman ako.

Juskoo ang cute niya pooooo ㅠ_ㅠ

Dahil di ko matiis yung kacute-an niya, ningitian ko nalang siya ng pabalik at iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at nagphone nalang ako ulit.

Pero maya-maya....

"AYIIEEEEEEE! NAGNGITIAN SILA! KALA NIYO HINDI NAMIN NAKITA AH!" sigaw ni Junkyu na kinikilig.

"AYIIEEEEE!" asar ng iba.

Bobaaaa?! Nakita nila yun?! Nahihiya na talaga ako! Ayoko nang sumama uli! Huhuhu!

"JUNKYUUUUUUUU! ANG ISSUE MO TALAGA!" saway sa kanya ni Mashiho at pinaghahampas niya naman si Junkyu. Natatawa lang naman kami sa kanila.

Bakit kasi ngumiti sakin si Mashiho? Parang baliw naman eh! >.<

- - -

prank | mashihoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon