JUNKYU
Kinwento namin ngayon sa Treasure at kay Minhee ang nangyari kaya wala si Jillian. Wala si Haruto at Kaira dito sa room, nasa canteen pa. Eto nga ang mahirap eh, yung malaman pa ni Kaira 'to ngayon. Mukhang hindi naman makapaniwala yung mga tropa ko. Todo sisi yung mga iba kong kaibigan sa aming dalawa ni Doyoung. Tsaka aba, nagtatalo rin kaming dalawa nu Doyoung. Tahimik lang si Mashiho dito.
"Ikaw naman kasi Junkyu, kung hindi ka naman kasi nag-open sa akin about doon, hindi naman sana maririnig ni Jillian yun. Tignan mo tuloy yung nangyari." Aba! Parang sinisisi pa sa akin ni Doyoung ang lahat oh. "Tsaka mali-mali naman, hindi naman talaga pinaprank ni Mashi si Jill! Kaya siguro nagalit si Jillian. Itatama kaso kita doon eh, kaso wala na.. nagkamali ng isip si Jillian."
"Aba malay ko. Hindi ko naman inaakala na maririnig pala tayo ni Jillian." sabi ko sabay kamot sa buhok ko. "Tsaka sorry na, namali lang ako."
"Paano ba yan kasi ang ingay-ingay mo masyado? Sa susunod nga kung makipag-usap ka sa akin, hinaan mo boses mo." angal pa ni Doyoung.
"Grabe ka ha, parang ikaw hindi maingay kanina." sabi ko sa kanya.
"Hays! Tumigil na nga kayong dalawa sa kakatalo diyan. Kayong dalawa naman yung damay dito eh." naiiling na sambit ni Hyunsuk hyung.
"Paano na yan? Sana kasi nag-ingat muna kayo bago mag-usap." sabi ni Minhee sa amin.
Napakamot nalang ako sa ulo ko, "Kaya nga eh. Nakakainis naman." sabi ko at tinignan ko si Mashiho na kanina pang tahimik.
"Ah ano.. Mashiho, kung galit ka man sa amin ngayon, sorry dahil ang daldal namin. Nang dahil sa amin, narinig pa ni Jillian at nagalit siya kaagad sa'yo. Sorry talaga." sabi ko at napayuko nalang ako ng tuluyan.
"Oo nga hyung, kami pa mismo sumira ng araw na 'to ngayon. Sorry talaga." dinig kong sambit ni Doyoung.
"Yan kasi daldal niyong dalawa. Daldal pa more." nangaasar pa 'to si Jeongwoo. Gagi talaga.
"Sshh, ikaw talaga hyung." bulong sa kanya ni Junghwan.
"Ano ba, okay lang." dinig kong sambit ni Mashiho sa dahilan na inangat ko yung ulo ko. Ha? Okay lang yun sa kanya?
"Hindi naman ako galit sa inyo at naiintidihan ko naman kayong dalawa. Alam ko namang hindi niyo naman yun sinasadya pag-usapan. Kasi alam niyong safe naman na hindi niya maririnig." sabi niya sa amin sa dahilan na napahinga kami ng maluwag ni Doyoung.
"Salamat talaga." sabay na sambit namin ni Doyoung.
"Pero paano na yan, Mashiho? Umuwi na si Jillian eh ayaw ka namang niyang pakinggan." sabi ni Jihoon sa kanya.
Huminga siya ng malalim, "Hindi ko alam. Ang gulo. Pinipilit ko at gusto ko namang magpaliwanag sa kanya. Pero ayaw niya talaga akong pakinggan."
"Tsaka.. naiintidihan ko naman siya kaya hinayaan ko nalang muna. Alam ko naman nasasaktan siya." sabi niya. "Pero hindi ko hahayaan na ganun nalang palagi. Handa pa din ako ipaalam yung lahat sa kanya. Na mali siya ng iniisip at narinig kina Junkyu." dagdag niya.
"Yan kasi kayo. Lalo ka na Junkyu, mali-mali naman pinagsasabi." asar sa akin ni Yedam.
"Akalain niyo? Ang lakas pa niyang sinabi na niloloko lang daw ni Mashiho si Mashiho? E'diba hindi naman talaga niya niloloko si Jillian kasi mahal niya nga di'ba?" Doyoung.
"Akala lang kasi ni Minju, prank lang yun ni Mashiho. Akala niya, niloloko niya lang si Jillian. Pero hindi! Sa isip ni Minju, prank lang! Pero satin, hindi!" Asahi.
"Umayos ka kasi minsan, Kyu. Yung mga salita mo kasi eh." Jaehyuk.
"Eh sorry na nga kasi! Tao lang naman!" padabog kong sambit at tinignan ko ulit si Mashiho, "Sorry na kasi, Mashi."
"Oo na nga. Okay lang nga yun sa akin. Ako mismo aayos ang lahat ng 'to. Susuyuin ko yun." sabi pa ni Mashiho.
"Yo wassup."
Napaharap naman kami sa nagsalita. Si Haruto at Kaira lang pala na bagong dating. Patay na yan, paano pa kaya pag malaman ni Kaira yun?
"Hello." bati namin sa kanila.
"Oh, nasaan yung girlfriend ni Mashi slash bestfriend ko?" nakangiting tanong ni Kaira sa amin sa dahilan na natahimik kami. Mukhang si Haruto, alam niya na yata kahit sa mga tingin pa lang namin sa kanya.
"Huy! Bakit ang tatahimik niyo?" Kaira.
Napatingin naman kaming lahat kay Mashiho, nakita kong huminga siya ng malalim at tinignan niya si Kaira, "Ah, Kaira.. may kailangan akong sabihin sa'yo. Sana hindi ka magalit sa akin at sa lahat, sana maintindihan mo ako." sabi ni Mashiho sa kanya sa dahilan na nawala ang ngiti ni Kaira sa labi niya.
"Ano ba yun?" tanong sa kanya ni Kaira.
-
BINABASA MO ANG
prank | mashiho
Fanfiction❝ hi jillian, mahal na mahal kita. ❞ 多 PRANK // takata mashiho fanfic ♡ treasure series #2 | completed ➳ @doieruto <3