37

172 7 0
                                    


JILLIAN

"Pa.. si Mashiho nga pala, boyfriend ko po." nakangiting pagpapakilala ko kay Mashiho sa papa ko.

"Hello po Tito." nakangiting bati niya kay Papa.

"Hi din ijo. Ang gwapo mo naman." nakangiting bati din sa kanya ni Papa at nagshakehands silang dalawa.

"Salamat po Tito. Kayo din po." parang nahihiya na sambit niya kay Papa. Ang cute and gentle niya talagaaaa!

Napatawa naman si Papa, "Ikaw talaga." natatawang sambit niya, "Maupo tayo dito sa sofa." aya niya sa amin. Napaupo naman kaming tatlo doon.

Tsaka nagtanong-tanong lang naman si Papa kay Mashiho at syempre, sinasagot lang naman siya ni Mashiho. Para ngang nag-iinterview si Papa ngayon kay Mashiho. Hehehe.

Pero talaga ang cute ni Mashiho ngayon. Hanggang ngayon, nakangiti pa din siya. Kaya si Papa napapansing kong parang nacucute-an din siya sa boyfriend ko. Hehehe. Cheren~

Pero maya-maya, naging seryoso si Papa, "Mahal niyo ng isa't isa yung anak ko. Mashiho, ipangako mo sa akin na hindi mo iiwan at sasaktan 'tong pinakamamahal kong anak ha? May tiwala na ako kaagad sa'yo."

"Pasayahin mo yung anak ko. Alam kong mahal na mahal ka niya."

Nakatingin lang naman ako kay Mashiho habang sinasabi yun ni Papa ang mga salita na yun sa kanya. Napatingin din sa akin si Mashiho. Ningitian niya ako.

Tumingin siya ulit kay Papa, "Opo Tito, pangako ko po iyon sa inyo. Hindi ko po sasaktan. Papasayahin ko siya at.. mamahalin habang buhay." nakangiting sambit niya kay Papa.

Bumilis naman agad ang tibok ng puso ko nung narinig ko yun galing sa kanya. Pero maya-maya, napangiti nalang ako. Ang swerte ko naman, may nagmamahal na isang Takata Mashiho sa buhay ko.

"Good." sabi ni Papa at napatango-tango lang naman siya. Tumayo siya, "Tara kumain tayo. Naghanda ako ng pagkain." nakangiting aya niya sa amin. Tumayo din kaming dalawa ni Mashiho at sabay kaming papapunta sa dining table namin.

Habang papapunta kami doon, tinignan ko si Mashiho. Napatingin din siya sa akin. We just smiled each other. Sana ganito kami lagi, masaya sa isa't isa.

prank | mashihoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon