06

473 17 0
                                    

JILLIAN

"Gusto mo pasyal ka sa bahay, Minju?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Mukha namang nabigla siya, "Talaga? Sure ka?" tanong niya sa akin.

Natawa naman ako at tumango ako, "Oo naman. Bakit naman kasi hindi? Tagal mo na kayang hindi nakakapunta sa bahay. Namiss ko din yung mga time na nagbebake tayo ng cookies." natatawang sambit niya sa akin.

"Kung ganon, sige." nakangiting sambit niya sa akin.

"Tapos na din naman ang handaan, ngayon nalang tayo pupunta doon. Magpapaalam tayo kina Kaira." sabi ko sa kanya.

"Sige."

Tumayo naman ako at sumunod naman siya. Tsaka ko hinanap ko naman agad si Kaira. Nakita ko din siya sa table. Kasama sina Haruto, Hyunsuk at Jaehyuk.

Lumapit naman kami ni Minju doon. Agad ko silang binati, "Hello guys!"

"Oh hi Jillian. Tapos ka ng kumain?" tanong ni Haruto sa akin.

Tumango ako, "Yes, kanina pa." sagot ko at tumingin ako kay Kaira, "Kaira, mauuna na pala kami ni Minju. Ipapasyal ko kasi siya sa bahay." pagpapaalam ko sa kanya.

"Ah, sige. Mag-ingat kayo. Salamat sa pagpunta." nakangiting sambit ni Kaira sa amin. "Teka, may sasakyan ba kayo?" tanong niya sa amin.

"Sa totoo, wala nga. Maghihintay pa kami ni Jillian sa labas." sagot ni Minju.

"Ganon ba?" tanong ni Haruto at tumango naman kami.

"MASHIHO!!!" nagulat naman ako na pasigaw na tinawag ni Haruto si Mashiho sa kalayuan. Bakit niya naman tinatawag si Mashi?

Ipinagmasdan lang naman namin si Mashiho na papalapit dito. Nung tumigil siya, tinignan niya naman si Haruto na nagtataka, "Oh bakit?"

Nakikita naman namin na may kinuha siyang susi sa bulsa niya, "Hiramin mo muna kotse ni Hyunsuk hyung. Ikaw muna magmaneho sa kanila." utos niya kay Mashiho sa dahilan na nanlaki naman ang mata ko.

"Ano ka ba Haruto! Okay lang. Kaya namin 'to. Maghihintay lang kami sa labas." angal ko.

"Hindi, okay lang Jillian. Kesa maghintay pa kayo sa labas. Linggo ngayon at walang masyadong dumadaan na mga taxi. Ako nalang magmamaneho para sa inyo." sabi niya at tinanggap niya naman yung susi na inaalok ni Haruto.

Huminga naman ako ng malalim, "Sabi niyo yan ha." sabi ko. "Sige, mauna na kami." nakangiting sambit ko sa kanila.

"Thank you uli. Congrats sa inyo, Kaira at Haruto." nakangiting sambit ni Minju sa kanila.

"Thank you."

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho Mashi ha. Ingatan mo kotse ko!" saway sa kanya ni Hyunsuk.

"Oo naman hyung. Maingat akong tao 'no." natatawang sambit ni Mashiho. "Sige, mauna na kami." dagdag niya.

"Sige. Mag-ingat kayong tatlo." paalala sa amin ni Jaehyuk at ningitian lang naman namin siya.

Tapos sumunod lang naman kami kay Mashiho kung saan nakaparada yung kotse. Agad niya naman ni-unlock yung kotse. Tsaka siya pa yung nagbukas ng pintuan para sa amin.

"Sakay na kayo, girls." nakangiting sambit niya sa amin. Shet ang gentleman niya talaga!

Ningitian lang naman namin siya ni Minju at pumasok na nga kaming dalawa doon. Sinara niya naman agad yun. Sumakay na din si Mashiho at siya ay nasa driver's seat na. Maya-maya, nagsimula na siyang magmaneho papunta sa aming bahay.

Magbobonding lang kami ni Minju. Hehehe. Namiss ko din yung mga araw na sobrang close pa kami.

Tsaka gusto ko maging close kami ulit ni Minju. Yung tulad lang ng dati.

- - - -

prank | mashihoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon