49

105 9 1
                                    

JILLIAN

Hanggang ngayon hindi pa din siya makapagsalita at pinapanood niya lang ako na humahagulhol dito ng sobra. Grabe? Wala lang siyang sasabihin sa akin?

Tsaka ano ba, hindi ko naman kailangan ng explanations niya! Narinig ko na mismo kina Doyoung yun.. na niloloko niya lang pala ako. Ang saya! Tangina!

"Jillian, I'll explain every--"

"Wag na Mashiho! Hindi ko na kailangan yan!" sigaw ko sa kanya at mas lalo lang naman akong umiyak. Huminga ako ng malalim, "Hindi ko inaakala ang lahat ng 'to, Mashiho. Nagtiwala ako sa'yo!" sigaw ko sa kanya. Tsaka tuluyan na akong tumakbo palayo sa kanya.

"Ano ba, Jillian! Pakinggan mo naman ako!" dinig kong sigaw niya at nararamdaman kong sinusundan niya pa din ako. Bakit niya ba ako sinusundan?! Ano pa bang sasabihin niya?!

Sapat na sa akin na nalaman ko na yun! Kasi masakit na kaagad sa akin! Ayoko na malaman ang rason niya!

Huminga ako ng malalim at tumigil ako sa kakatakbo at tinignan ko siya. Tumigil din siya sa kakahabol sa akin at mukhang nag-aalala siya sa akin, "Mashiho, tama na. Please, nagmamakaawa ako." sabi ko sa kanya.

"Pero Jillian, please.. let me---"

"Ilang ulit ko na ngang sinasabi sa'yo na ayaw nga kitang pakinggan?! Basta alam ko na niloloko mo lang ako! Ayaw kong alamin yung rason mo kasi ayaw kong madurog lang lalo!" sigaw ko sa kanya

"Tsaka tandaan mo, Mashi. Simula ngayon, wala na tayo." at talagang tinakbuhan ko na siya. Mabuti naman dahil hindi niya ako sinusundan. Hindi ko naman mapigilan umiyak lalo. Hindi ako makapaniwala sa revelation na 'to. Ang sakit lang.

Pero ayaw ko na talaga siyang magpaliwanag sa akin. Atleast, alam ko na ngayon na niloloko lang ako ni Mashiho, mga kaibigan niya mismo ang nagsabi nun.

Pero bakit ganon? Bakit? Deserve ko ba yun? Sa lahat ng pwedeng lokohin ako, bakit si Mashiho pa? Ang taong mahal ko?

Paano yung mga pangako niya sa akin noon? Yung mga pinagsasabi niya sa akin noon na hindi niya magagawa yun sa akin? Salita lang lahat yun? Hanggang salita nalang ba?

Ayaw ko na. Ang sobrang sakit.

-

prank | mashihoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon