Chapter Two

43 5 5
                                    

Chapter Two



Susan Batumbakal



Maaga akong nagising, kahit pa gusto ko pang matulog kaso ginising ako ni mama kasi may bisita raw ako sa baba. Sino ba yung bisita ko? alas tres pa lang ng umaga may bisita na.



"Anak ano ba? bumaba ka na roon, ang tagal ng naghihintay ng bisita mo. Wala na tayong juice, naubos na kakatimpla ko sa kanya." biglang pumasok si mama sa loob ng kwarto ko.



"Saglit lang ma. Sino ba kasi yang bisita?" tanong ko na nagtatanggal pa ng muta.



"Si... Jose."



Nanlaki ang mga mata ko, tama ba ang rinig ko? si Jose ba talaga yung nasa baba? pero paano? bakit? gaano kadalas ang minsan?



"Si... Jose po?" ulit ko.



"Oo anak. Paulit-ulit?"



"Para naman may dialog ka, ma."sabi ko




"Pero maiba ako ma, ano daw pong kailangan nya? bakit sya nandito at nagbalik?"



"Hindi ko rin alam. Hindi ko naisip na itanong kaya bumaba ka na doon at ikaw ang magtanong ng mga tanong mo. Matutulog na ako ulit." pagka exit ni mama sa eksena ay tumayo ako at humarap sa salamin.



Inayos ko ang buhok ko. "ano pa bang kailangan mo sa akin Jose? Tapos na tayo. Matagal na..."



Kahit ayoko at hindi pa ako handa na harapin sya ay nilakasan ko pa rin ang loob ko na babain sya.



"Susan..."



"Jose..."



"Susan..."



"Jose..."



"Ano ba?! tama na nga. Ano bang ginagawa mo dito? " mataray na tanong ko.




"Nandito ako para sabihin sa'yong mahal pa rin kita..."

Babalik ka rin Susan Batumbakal (COMPLETED)(Book2 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon