Chapter Seven

12 2 0
                                    

Halo, ngayon na lang ulit. Haha

------
SEGUNDA MANO

Hindi ko alam pero may kung anong saya akong nararamdaman nitong mga nakaraang araw. Palagi na kasi akong hinihintay ni Jose bago pumasok, nagkikita kami sa may babaan ng padyak para sabay kaming maglalakad papunta sa office. Tapos dati naman ayaw nya nung mga dinadala kong pagkain pero ngayon halos nangangayayat na ako kasi di na ako nakakakain kasi sya na yung kumakain nung pagkain ko. Gustuhin ko mang pigilan sya,  di ko magawa,  mahal ko eh.

Oo mahal ko si Jose. Hindi ko alam kung nabanggit ko na sa ibang chapter to pero mahal ko sya. Ayoko lang aminin dahil pinaka iingatan ko ang pagkakaibigan namin ni Jose. Yun na nga lang ang meron kami tapos isusugal ko pa. Mas mabuti na tong ganito, palihim na nagmamahal, kahit na masakit at least alam ko na lagi lang syang nandyan.

"Oh! Ano naman yang baon mo?" Bungad nya sa akin pagka simula pa lang ng lunch break namin.

"Pancit tsaka siomai, gawa ko yan. " pagyayabang ko.

" Patikim nga. " at agad nyang kinuha ang pagkain ko.

Alam ko na na yung patikim na yun ni Jose eh ibig sabihin nun na wala na naman ako makakain na lunch. Buti na lang at handa ako, may dala akong skyflakes kahit papaano. Wala na rin kasi akong pera pang bili sa canteen kasi nag bibusiness ako ngayon ng sabon pang paputi, di pa nabalik yung perang kapital kaya tipid tipid muna.

Nakangiting kinakain ni Jose ang pagkain ko. At doon pa lang busog na ako at masaya na ako, makita ko lang si Jose na masaya, masaya na rin ako. Tanga ba? Wala eh, mahal ko.

Pero habang kumakain si Jose, bigla syang napatingin lay Susan sa malayo; nakayuko na para bang may iniindang sakit ng ulo. Tumayo si Jose at binitbit ang baon ko; inalok nya ito kay Susan na siguro ay di pa rin nakain kaya nasakit ang ulo.

Parang kumirot naman ang puso ko dun. Kahit anong gawin ko, si Susan pa rin talaga. Minsan hinihiling ko na lang na sana ako na lang si Susan para maramdaman ko paano mahalin ni Jose.

Pero papanoorin mo na lang bang ganyan Segunda? Lagi ka na lang bang magpapakatanga? Lumaban ka naman. Kaya naman agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pumunta kung nasaan sila at inagaw ang baon ko.

"Pwede bang kahit yung baon ko, matira man lang sa akin? Lahat na lang kasi nasayo na Susan! Si Jose, yung pagmamahal ni Jose, lahat na! Eh ako? Anong natira? Wala! Alam mo ba yung ganung pakiramdam? Syempre hindi! Kasi lahat naman pinagtatabuyan mo eh. Yung minamahal ko, tinataboy mo lang! Alam mo ang damot mo eh! Ang damot damot mo. " tuloy tuloy kong sabi sabay alis sa lugar na iyon.

Alam ko na pinagtitinginan ako ng mga tao, pero this time di ko na talaga mapigilan yung sarili ko. Gusto ko naman ilaban yung nararamdaman ko.

Simula pagkabata tinataboy na ako ng mga magulang ko, chinese kami kaya ang gusto sana nilang panganay na anak eh lalaki, kaso ako ang naging panganay, isang babae. Hindi nila ako matanggap, lalo na ng tatay ko. Kaya naman habang lumalaki, mga katulong ang nakasanayan kong magulang, kaya minsan nauutusan na rin ako ng mga magulang ko kasi pati sila nasa isip na eh anak ako ng katulong namin. Minsan nakakalimutan na nilang anak nila ako dahil sa kapatid kong lalaki. Kaya nga ngayon, nagaaral ako mag business para kahit papaano maging proud sila sa akin. Tapos pati pala sa taong mamahalin ko hindi ako katanggap tanggap. Hindi nya ako mahal. Lahat na nga mg lucky charm sa pagibig suot ko na, pero kahit pala anong lucky charm, pag hindi ka mahal eh hindi ka mahal.

Hindi ko namalayan sa kakalakad ko nakarating ako sa may sakayan ng padyak. Kung saan din talaga nagsimula ang lahat  ng nararamdaman ko kay Jose.

Flashback

Hingal na hingal na ako at malalate na ako sa trabaho, no choice kundi sumakay na lang ako sa nag papadyak para makaabot.

"Kuya sa may E building lang." Sabi ko sa nagpapadyak.

"Okay po." Sagot nito.

Napalingon ako sa kanya at agad akong napatulala, ang gwapo naman ng nagpapadyak na ito!

Kaya naman araw araw akong doon sumasakay sa kanyang padyak. Nalaman ko na part time lang pala nya ang pagpapadyak, nagiipon lang pala sya para masundan yung ex girlfriend nya daw sa canada. Ako naman medyo gumuho ang mundo kasi si kuya pala eh hindi pa nakaka move on sa ex nya.

Perp okay lang. Kaya inalok ko sya ng trabaho sa pinagtatrabahuhan ko at hindi ko namalayan, nahulog na pala ako.

End of flashback

"Segunda!" Sigaw ng pamilyar na boses.

Hindi ako lumingon.

"Segunda!" Tinawag nya ulit ako pero hindi pa rin ako lumingon.

" huy segunda!" Sigaw nya ulit.

Naiirita akong lumingon na,

"Ano ba Jose? Kung icocomfort mo lang ako wag na. Kasi mas lalo lang akong mahuhulog sayo. Okay lang, okaylang ako. Sinabi ko lang naman na yun kasi sobrang bigat na eh. Sobra na akong nasasaktan.. "

Pinutol nya ang sasabihin ko..

" Mamaya na yan segunda, kaya lang naman kita hinabol kasi yung palda mo  sumingit dun sa panty mo."

Agad kong kinapa ang likuran ko at nakapa ko yung panty ko. Nakaangat nga ang palda ko. Buti na lang din at nakapag panty ako pero hindi yun yung point! Hinabol lang pala ako ni Jose dahil sa panty ko at hindi dahil naisip nyang nasasaktan ako. Ano nga naman aasahan mo Segunda, hindi ka mahal ni Jose, wag ka ng umasa pa na mamahalin ka rin nya. Si Susan lang ang mahal nya.

Si Susan lang...


-----

ANO KAYANG KLASENG PANCIT ANG BAON NI SEGUNDA?

ANO KAYA ANG KULAY NG PANTY NYA?

ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA.. SYEMPRE CHARING ULIT.  HAHA

Babalik ka rin Susan Batumbakal (COMPLETED)(Book2 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon