Chapter Eight

10 0 0
                                    

SUSAN BATUMBAKAL

Sumunod din ako nung tumakbo si Segunda, naawa din naman ako sa kanya kasi babae din ako alam kong nakakahiya na makita ng ibang tao yung suot kong panty.

Hapong hapo akong tumigil ng makita ko na naguusap si Jose at Segunda. Medyo lumapit ako para makinig sa pinaguusapan nila pero syempre patago dahil ayokong makita nila ako na nakikinig.

"Sorry Segunda kung may mga naparamdam ako sayo na magpapahulog sayo sa akin. Hindi ko sinsadya na masaktan ka..."

"Ssssh.. wala ka naman kasalanan Jose eh. Ako naman yung nahulog, nagiging kaibigan ka lang naman sa akin pero ako iniisip ko yun na baka naman meron tayong chance na maging more than that." Pag putol ni Segunda sa sinabi ni Jose.

"Hindi naman sa kaibigan lang ang tingin ko sayo. Simula't sapul naman nandyan ka na sa tabi ko, kaso nung mga panahon kasing nahuhulog ka na pala sa akin, ako naghihintay pa rin ako sa taong hindi na babalik pa sa akin." Malungkot na sabi ni Jose.

May kung anong kirot na dumapo sa akin, ang dami pa lang langgam sa pinagtataguan ko, puro pulang langgam. Pero bukod sa sakit ng kagat ng langgam, sumakit din ang puso ko na marinig ang mga salitang yun kay Jose. Mahal ko pa rin sya, hindi naman nawala yun, kaya ganito na lang din yung inis ko sa sarili ko na bakit hindi ko magawang tanggapin ulit si Jose sa buhay ko tapos kung kailan may ibang tao na na kaya syang tanggapin ng buo at mahalin sya tsaka naman ako makakaramdam ng ganitong pagdadamot na akin lang si Jose.

Nasaktan ako, oo, pero mas masakit pala na makita si Jose na parang handa ng buksan ang sarili sa iba at ako... wala na akong papel sa buhay nya.

Hindi ko na kaya pang pakinggan kung ano pa ang pinaguusapan nila. Sapat na yung mga narinig ko para siguro talagang lumayo na lang. Okay naman na si Jose eh, okay na sya kay Segunda. Ako nalang naman ang pabigat sa kanila kaya ako na lang ang lalayo. Baka nga mas maging masaya si Jose sa iba. Siguro mas magiging okay din ang lahat sa akin kung sa sarili ko muna ako mag-fofocus. Tama yan Susan, lumayo ka na lang.

Pag balik ko sa office agad ko ng sinimulan yung mga dapat kong tapusin para makabalik sa dati kong buhay, yung buhay ko sa Canada na wala si Jose.

Dapat ko ng bilisan tapusin ito para mas mabilis na ako makalayo, baka sa ganun makalimutan ko na talaga ang lahat, lalo na't alam kong sa mabuting kamay napunta si Jose. At least ngayon hindi ako naagawan, nagparaya ulit ako pero para na sa tama; nagparaya ako hindi dahil nasaktan ako at yun na lang ang magagawa ko, nagparaya ako dahil ngayon alam kong dito ako lalaya sa lahat ng sakit ng kahapon. Siguro ngayon ko masasabing napatawad ko na si Jose, dahil ngayon handa na akong makita syang masaya hindi nga lang sa piling ko ulit pero sa piling na ng iba.

Bago ako umuwi ng bahay ay bumili muna ako ng tig trese na na manok sa may talipapa, wala kasi si mama sa bahay nasa mga kaibigan nya na tinuturuan sya paano gumawa ng sabon as business. Nakakatuwa naman, pati yung nanay ko gumagawa na ng buhay ng wala ako.

Habang kumakain ng manok, biglang may kumatok sa pintuan. Agad akong tumayo para buksan kung si Jose ba iyon pero mali ako, mga nangangandidato lang pala ngayong eleksyon. Binigyan ako ng pamaypay at kinamayan ako bago umalis. Binuksan ko ang pamaypay at nakasulat ang pangalan ng kumakandidato at may nakasulat na " Move Forward!". Sign na ba ito? Sign na na mag-move forward na ako?

Bago pa man ako makabalik sa kinauupuan ko ay may kumatok na naman.  Irita akong lumapit at binuksan ang pinto...

"Kung mangangandidato ka  lang.... Jose?"
Gulat kong sabi.

" Akala mo ba mangangandidato ako?" Napatawa sya.

Napatawa din ako bahagya pero nawala din.

"Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" Tanong ko.

May inabot sya sa akin na kahon.

" Ano to?" Tanong ko.

"Mga gamit mo sa akin." Walang pakiramdam nyang sabi.

Ako naman ay binuksan ito at hindi ko na mapigilan na maluha. Bakit nya ngayon to binabalik sa akin? Ang sakit sakit.

Habang naka tungo ako ay nabasa ko yung nakasulat sa pamaypay " Move forward!", sign na nga yun pero ayoko pa rin talaga na mag move forward ng wala si Jose. Selfish na kung selfish pero mahal ko sya at ilalaban ko sya!

Hinarap ko si Jose.

"Hindi ko kailangan to." Sabi ko.

"Pero susan..."

" Ang sabi ko hindi ko kailangan to!" Sabay bagsak ko ng mga gamit sa baba.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang malambog at makinis nyang mukha na mas makinis pa sa akin.

"Ikaw ang kailangan ko Jose. Ikaw."

Napatawa ng sarcastic  si Jose.

"Ako? Sigurado ka Susan? Kasi alam ko nung huling beses akong nagmamakaawa sayo na bumalik ka na sa akin pinagtatabuyan mo ako. Ilang beses akong humingi ng tawas sayo Susan, pero ilang beses mo lang din ako tinaboy."

"Jose..."

"Susan, lahat namab kaya kong gawin eh, para lang mapatawad mo ako. Sabihin mo lang. Sabihin mo lang. Pero ang hiniling mo eh lumayo ako."

"Jose, hindi ko alam dati kung ano ba talagang gusto ko. Nasasaktan pa ako nung time na yun kaya wala, blangko yung isip ko sa pagpapatawad pero ngayon Jose, alam ko na.. alam ko na na ikaw lang ang gusto ko." Pagmamakaawa ko habang umiiyak.

"Sana dati pa Susan.. sana dati pa."

Tinanggal ni Jose ang mga kamay ko sa mukha nya at akmang aalis pero hinalikan ko sya. Madiin at para bang ayoko syang paalisin pero tinulak nya ako.

"Susan.. ang tagal kong pinagbayaran yung kasalanan ko sayo. Lahat tiniis ko. Nagtrabaho ako ng kung anu-ano para masundan ka sa canada para lang humingi ng tawad paulit ulit. Pero sana ngayon ako naman ang intindihin mo, nasasaktan din ako at pagod na ako." At tuluyan na nya akong iniwan...

----

"May mga tao talaga na habang nandyan pa pahalagahan mo. Kasi pag napagod na kakahabol, baka pagsisihan mo."

Pero kasi nasaktan eh! Sabi nga sa movie, " hangga't nasasaktan pa, mahirap pa magpatawad". Kung mahal mo hindi ka mapapagod.

Pero ayun na nga, yung manok ni Susan lumamig na...

Babalik ka rin Susan Batumbakal (COMPLETED)(Book2 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon