Chapter Nine

19 0 0
                                    

SUSAN BATUMBAKAL

"Susan bumangon ka na nak, ilang araw ka ng di nalabas dyan sa kwarto mo." Sigaw ni mama sa labas.

Teka anong petsa na ba? Pagkatapos ko kasi sa presentation ko sa office nag-paalam na ako. Para saan pa na mag-stay ako doon, makikita ko lang everyday si Jose tapos ano? Masasaktan lang ako. Ayoko na rin kasi umasa na babalik pa si Jose, napagod na yung tao sa akin, masisisi ko ba sya?

Medyo tumahimik na rin, wala na rin kasi yung mga ingay ng mga nangangandidato. Natapos na yung eleksyon, sana hindi nanalo yung mga mag-nanakaw, naranasan ko na kasi manakawan eh tapos sa huli ako nag-suffer. Hanggang ngayon nag-susuffer pa rin ako.

Tatayo na sana ako sa kama ko para bumaba at kumain nang makita ko na naman yung kahon na binigay ni Jose, mga gamit ko daw yung nasa loob. Kinuha ko iyon at tinignan kung ano ang nasa loob.

Hindi na napigilan ng mga luha kong tumulo, bumalik lahat ng masasayang ala-ala.

Una kong nakita ang isang maliit na bote kung nasaan nakalagay yung ngipin na natanggal nung naghaharutan kami. Akala ko nawala na 'to, nasa kanya lang pala.

(Read book 1, bakit si nimfa bactotot pa?)

Nandito rin yung suyod ko, naiwan ko pala 'to sa kanya. May kuto at lisa kasi ako dati. Grabe ang dugyot ko pala.

May picture rin kami...

Putol, uso kasi yan dati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Putol, uso kasi yan dati. Yung kalahati lang ng mukha yung kita, pero mali ata yung sa amin ni Jose kasi sa may bandang bibig pababa yung nakuhaan.

Madami pa ditong gamit ko, may panty rin na di ko alam kung nalabhan ba 'to o hindi. Mga straw, mga balat ng candy at tsitsirya, di ko alam kung akin pa ba 'to o tinatapunan lang ni jose 'tong kahon na 'to.

Sinara ko na ulit at napabuntong hininga. Sarap lang balikan nung masasayang ala-ala, pero sa tuwing naiisip ko yung kay Nimfa, hindi ko maiwasang malungkot at masaktan. Dahil sa nangyaring yun, nawala sa akin si Jose.

"Sa wakas at lumabas ka rin ng kwarto mo, amoy pawis na sa loob ng kwarto mo. Akala ko dyan ka na hanggang pasko. Nakakaloka ka naman anak, bakit mo ba ginaganyan sarili mo?" Bungad sa akin ni mama.

Ngumiti lang ako at umupo.

Wala akong lakas ng loob para mag-salita ngayon, sobra pa rin akong nanghihina.
Teka bakit parang nahihilo ako...

○○○○

Pag gising ko nasa hospital na ako, sobrang baba daw ng potassium ko at nawalan ako malay dahil na rin sa pagtitiis ko ng gutom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pag gising ko nasa hospital na ako, sobrang baba daw ng potassium ko at nawalan ako malay dahil na rin sa pagtitiis ko ng gutom.

Tiningnan ko ang paligid.

"Si Jose?"tanong ko sa mama ko.

Nagbabakasakali lang na baka pumunta si Jose.

"Wala sya nak. "

At agad namang gumuho ang mundo ko. Wala na talagang pake sa akin si Jose. Bakit ba umaasa pa ako? Wala na nga Susan diba! Wala na!

Malungkot akong humarap sa may bintana nang biglang narinig kong bumukas ang pinto, pag lingon ko ay nakita ko siya... si Jose, may dala dalang mga saging.

"Jose...."

Nag-mano sya kay mama at kinausap nya ito.

"Tita pinapunta ako dito ni mama para ako muna mag-bantay kay Susan, umuwi po muna kayo at mag-pahinga Tita." Tuloy tuloy na sabi ni Jose.

Pumunta lang pala sya kasi utos ng mama nya, bakit nga naman sya pupunta? Wala ng ibang dahilan, yun lang yun. Wag ka na mag-assume ng iba pa.

Maya maya ay umuwi na si mama, siguro wala ring gaanong tulog si mama, mahirap kasi matulog sa hospital.

Kami na lang ni jose yung natira. Nakakailang naman 'to.

"Oh ano gusto mong kainin? maruyang saging, nilagang saging, turon..."

"Ba't puro saging?"

"May potassium kasi to."

"Ah..."

At tumahimik ulit ang paligid.

○○○○○○

JOSE BALUYOT

Tulog na si Susan, malikot talaga 'to matulog yung kumot nya oh mahuhulog na kaya naman inayos ko ito pero bago pa man ako maka balik sa kinauupuan ko at hinatak nya ako.

"Jose... i love you."

Nag-sleep talk na naman sya.

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa akin at sabay umupo ako sa gilid ng kama nya. Hinaplos ko ang malambot nyang mukha nang biglang may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.

Kahit tulog nasasaktan ko pa rin sya. Kahit sa panaginip nararamdaman nya pa rin yung sakit.

Hindi ko gustong makita si Susan na nasasaktan, kaya nga lumalayo na ako pero bakit kahit anong gawin ko hindi ko pa rin magawang lumayo? Bakit sya pa rin yung gusto kong mahalin?

Pinunasan ko ang mga luha nya at hinalikan ko sya sa noo.

"Mahal na mahal kita Susan at ang sakit sakit na. Gusto ko na maging akin ka ulit pero ayoko namang makita na nasasaktan ka. Gusto ko maging masaya ka at kung sasaya ka na wala ako kakayanin ko para sayo. Kasi mahal na mahal kita, mahal na mahal..."

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto, parating na rin naman si tita...

○○○○

Seryoso muna tayo mga friends kasi last chapter na next chapter.

MAGKATULUYAN KAYA SILA SUSAN AT JOSE?

KINAIN KAYA NI SUSAN ANG SAGING NI JOSE?

MAGKANO KAYA ANG BILL NILA SUSAN SA HOSPITAL?

Syempre di nyo yan malalaman sa next chapter. LOL

Babalik ka rin Susan Batumbakal (COMPLETED)(Book2 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon