Chapter Three

43 4 0
                                    

Chapter Three


Susan Batumbakal


Halos maga ang mga mata ko, bukod kasi sa walang tulog, umiyak pa ako ng umiyak. Hindi ko maintindihan sa sarili ko eh, tinaboy ko na nga bakit hinahanap ko pa rin? Gusto ko ipaalala ng paulit-ulit sa sarili ko na "susan! sinaktan ka nya kaya pwede ba tigilan mo na yang kaartehan mo!"


Pero bago pa ulit mag-flashback lahat sa utak ko, bumangon na ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin ngayon. Kaya lang naman din ako nandito sa Pinas dahil may pinapaasikaso sa akin yung boss ko sa Canada.


Late na ako nakaalis ng bahay, nagmamadali na ako dahil baka late na ako sa appointment ko. Kaya nang makarating ay dali dali akong humabol sa elevator na papasara na. Ewan ko kung namalikmata lang ba ako o talagang nakita ko si Jose na papalapit sa elevator nang bigla itong sumara na. Hindi, malabo yun mangyari. Masyado lang akong nag-iisip kaya pati kahit saan nakikita ko sya.


Sa last floor pa ang punta ko kaya medyo matagal pa akong mananatili sa siksikang elevator na 'to. Ayos lang naman talaga dahil hindi naman ako maselan ng makaamoy ako ng di ka-nais nais na amoy. Tiniis ko nung una pero nung nangamoy ulit, hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita.


"Grabe naman. May mga pinag-aralan tayong tao kaya sana naman wag naman sana tayong bastos." mahinahon na sabi ko, para wala namang ma-offend kung sino man yung umutot diba?


Pero hindi pa rin nagpatinag ang salarin sa masangsang na amoy. 


"Respeto naman. Pareparehas tayong tao dito, nakakasuka ang amoy parang nabulok na basura. Respeto lang please naman." halos hindi na ako makahinga sa amoy.


Pero talagang makulit ang taong yun at talagang nagpakawala muli ng lagim.


"Ano bang prob---" napatigil ako nang marinig ko ng malakas ang utot.


"Respe-respeto ka pa dyang nalalaman, ikaw naman pala yun!" irita na sabi ng babaeng nasa likuran ko.


"Sorry, tao lang. Bakit di kayo nautot? babango ng utot nyo ah! mahiya nga kayo sa sarili nyo, mapang-mata kayo masyado, kala mo mga di nautot eh." sabay irap sa kanila, kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko.


Lumabas na ako sa elevator kahit hindi pa iyon ang floor na pupuntahan ko. Pumunta muna ako sa CR para ilabas 'to. Nakalimutan ko pala magbawas kanina bago ako umalis, kamote pa naman inumagahan ko.


"Oh yes!" grabe ang sarap sa feeling na nailalabas ko na 'to. 


Nang makatapos,  lumabas na ako para mag-ayos ng buhok at mag-makeup ulit dahil nabura ata dahil sa pawis ko.


Nagulat ako nang paglabas ko ay maraming tao ang nasa labas at nakatakip ng ilong.


"Grabe ah, ang judgemental nyo masyado." mariing kong sabi.

Babalik ka rin Susan Batumbakal (COMPLETED)(Book2 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon