Chapter Four

23 2 0
                                    

Chapter Four

Jose Baluyot

Isang linggo na ang nakalipas at isang linggo na rin akong puyat kakaisip kay Susan. Hindi ko lang kasi maintindihan na kung bakit kailan lalayo na ako tsaka naman ako pinaglaruan ng tadhana at kasama ko sa trabaho si Susan.

Hindi, hindi pwede 'to! Hindi dapat ako nagpapalamon sa pag-iisip ko kay Susan. Gusto ni Susan na layuan ko na sya kaya yun dapat ang gawin ko.

"Hoy! Ang lalim na naman ng iniisip mo dyan." Sabi ni Segunda sabay batok sa akin.

"Wala puyat lang... punta lang ako ng CR." Paalam ko kay Segunda

Nahihilo na ako sa sobrang pagpupuyat ko. Literal kasing wala talaga akong tulog ng isang linggo. Ni-hindi na nga ako makaligo, di na makakain, sa kakaisip sayo tigyawat dumarami. 🎶

Dumiretso na akong CR para sana maghilamos lang ng konti. Pero dahil sa sobrang hilo ko bigla na lang akong may nakabangga.

" sorry, nasaktan ka ba?" Sabi ko nang mapatingin ako sa nakabangga ko, kahit hilo hilo pa, maliwanag sa paningin ko ang magandang mukha ni Susan.

"O-okay lang ako." Nauutal nyang sabi. Ewan ko pero umiiwas din sya ng tingin sa akin.

Di ko alam pero napatingin ako sa ngipin ni Susan. Yung ngipin na nagpapaalala sa akin ng isang magandang alaala.

(READ "BAKIT SI NIMFA BACTOTOY PA"  YUN YUNG BOOK 1 NITO. :) )

" Ayos pa rin pala yung ngipin mo no? Buti hindi na natanggal."  Sabi ko habang ginugunita ang alaala.

"Uhh, ang totoo kasi nyan..."

" ano yun Susan?" Tanong ko.

"Ang totoo kasi nyan... pustiso na yung buong ngipin ko sa taas." Napayuko sya habang sinasabi na iyon.

Natahimik ako. Hindi ko sinasadyang pagusapan iyon.

"Sorry, hindi ko na dapat tinanong pa.." sabi ko.

" Okay lang. Tapos na rin naman. Sige alis na ako."

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko at pinigilan ang pag-alis ni Susan. Napalingon sya sa akin at napatingin sa kamay kong nakahawak sa braso nya kaya naman ay napabitaw ako.

"Pwede ba tayo magusap?" Sabi ko.

"Para saan pa?"

Hinawakan ko ulit ang braso nya pero hinatak nya ulit pabalik.

"Napagusapan na natin 'to Jose. Mas okay na yung ganito, para wala na lang masaktan ulit." Duktong pa nya.

"Pano naman ako, ha? Pano naman yung nararamdaman ko?"

"Yun na nga Jose eh! Magkabalikan man tayo o hindi, may masasaktan at masasaktan pa rin. Kaya sana.. sana ituring na lang natin ang isa't isa na parang wala lang, baka sakaling mawala na lahat ng sakit."

"Susan, please ayusin natin to. Ikaw lang ang mahal ko."

"Huli na Jose, hindi na maaayos pa. Kaya rin siguro pinagtagpo tayo ulit para matapos na ang lahat, para masabi na yung mga hindi nasabi dati, at para sa wakas maghilom na yung sakit.."

"Susan hindi ko kaya na mawala ka..."

"Kaya mo. Kayanin mo. Hindi para sa akin kundi para sa sarili mo." Ngumiti sya ng matipid at tsaka unti unti ng umalis.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako pinaglalaruan ng tadhana. Bakit pinagtapo pa kami para lang mabuksan muli lahat ng sakit.

Hindi ko na alam.

Pagkagaling ko ng banyo ay bumalik na ulit ako sa cubicle ko. Nandun si Segunda at nakatingin lang sa akin.

"Ayos ka lang?" Tanong nya sa akin.

Umiling lang ako.

Narinig kong bumuntong hininga si Segunda.

"Alam mo pano mo masasabing kaya mo ng mahalin ulit si Susan kung yung sarili mo naman yung pinapabayaan mo?"

"Ha?"

"Ang gusto ko lang naman sabihin Jose, tingnan mo nga yang sarili mo. Sa tingin mo ba pagkakatiwalan ka ulit ni Susan na mahalin mo sya kung nakalimutan mo ng mahalin yung sarili mo? Ayusin mo muna sarili mo bago mo ayusin yung inyo ni Susan." Tuloy tuloy na sermon ni Segunda.

"Wala ng pag-asa"

"Nakikita kong mahal ka pa ni Susan, kaya wag kang sumuko bago pa sya tuluyang mawala sayo.."

Segunda Mano

Masakit.

Masakit na itulak mo sa iba yung taong matagal mo ng mahal.

Gusto ko na lang siguro tanggapin na kahit kailan hindi ko mapapalitan ang pwesto ni Susan sa puso ni Jose.

Kaya siguro tama nga yung isang quote na nabasa ko sa FB, may mga bagay nga talaga na mas mabuti ng hindi na lang sabihin. Itatago ko na lang 'tong nararamdaman ko.

Uwian na, saktong umulan pa. Hindi lang basta ulan, mukhang babagyo pa ata kasi naman ang lakas ng ulan.

Bubuksan ko na sana yung payong na dala ko nang biglang mapansin ko na may lalaking dugyot na nagpapaulan. Nakatayo lang sya at hinahayaan na mabasa sya ng ulan. Hindi ko masyadong maaninag yung itsura pero nang mapagtanto ko, si Jose pala yun! Bakit ganun yung itsura nya?

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at pinayungan sya.

"Ba't ba nagpapaulan ka Jose! Kakasabi ko lang sayo kanina na ayusin mo yung sarili mo, hindi patayin yung sarili sa pagka depress!"

"Inaayos ko naman na yung sarili ko eh." Sagot nya.

"Eto ba yung inaayos? Nagpapaulan ka para magkasakit! Bakit sa tingin mo ba pag nagkasakit ka pupuntahan ka ni Susan? Umayos ka nga!"

"Sakit? Ano bang pinagsasasabi mo dyan?" Nalilito nyang tanong sa akin

" diba yun naman yun? Kaya ka nagpapaulan?"

"Kaya ako nagpapaulan kasi ilang araw na akong di naliligo, tapos nag-text pa sa akin si mama na mawawalan ng tubig sa lugar namin mamayang gabi hanggang bukas kaya sakto umulan, dito na ako naligo." Paliwanag nya.

"Yun.. ba yun?"

"Oo, naisip ko lang kasi na ang baho ko na at ayaw ni Susan yun."

Napangiwi na naman ako, nagpapanggap na naman kasi ako na okay na okay sa akin 'tong ginagawa ni Jose. Na gagawin nya lahat para lang magkabalikan sila ni Susan.

Napaka swerte naman ni Susan kay Jose, kung ako lang.. hindi ko na pakakawalan pa si Jose.

"Huy! Ano bang iniisip mo dyan! Kanina ko pa sinasabi na pakuha nung sabon sa bag ko dun." Sabi ni Jose.

"Ay sorry. Sige kunin ko na."

Lahat kaya kong tiisin, mahal ko eh.

_____

Ano kaya ang sabon ni Jose?
Hanggang kailan magtitiis si Segunda?
Maaayos pa ba ni Jose ang pusong sugatan ni Susan?
May bagyo kaya?
At magkakatubig pa kaya sila Jose?

Lahat yan abangan sa susunod na kabanata.


Babalik ka rin Susan Batumbakal (COMPLETED)(Book2 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon