Chapter Five

22 3 0
                                    

Susan Batumbakal

Nakakapanibago, ilang araw na kasing wala si Jose. Hindi naman sa may pake ako kung saan sya nagpupupunta pero iniisip ko lang kasi na baka kaya wala sya eh dahil dun sa pinagusapan namin nung huli kaming nagkita?

"Ano ba Susan, di mo na dapat iniisip yan." Bulong ko sa sarili ko.

Kaya naman, imbis na isipin si Jose ay tinuloy ko na lang yung ginagawa ko. Mabilis na lang ang araw, matapos ko lang yung ginagawa ko dito balik na ako sa Canada, doon na kasi naman ang buhay ko at pag naayos ko yung papeles sa pagkuha ko kay mama kumpleto na ako.

Sa Canada na ang buhay ko, at hindi ko alam paano ako nakakakuha ng lakas na gumising araw araw habang naiisip ko na di malabo na isang araw, baka magtagpo ang landas namin ni Nimfa at baka yung matagal ko ng binuong sarili ko, ay mawasak na naman dahil sa sakit.

"Oh Segunda wala na naman si Jose?" Narinig ko sa di gaanong kalayuan.

"Oo eh, may sakit kasi." Sagot ni Segunda.

May sakit si Jose?

Hindi, Susan wag mo syang isipin. Di ka dapat nag-aalala sa kanya. Tigilan mo yan!

Pero hanggang sa dumating ang uwian ay hindi pa rin ako mapakali, hindi ko alam kung bakit? Dahil ba sa nalaman kong may sakit si Jose o dahil na naman sa kinain kong pabaon na kamote ni mama? Nako wag naman sana mag-alboroto na naman yung tiyan ko, pauwi pa naman ako.

Naka sakay na ako ng van pauwi ng makaramdam ako ng pagkulo ng tiyan ko, mukhang may nagbabadyang hindi kanais nais. Naka aircon ang van pero init na init ako, tagaktak ang pawis ko habang pinipigil ang paglabas ng di kanais nais na amoy.

"Ah! Di ko na talaga kaya! Manong itabi mo at bababa ako! Ngayon din!" Sigaw ko bigla na ikinagulat ng mga pasahero.

Mabuti naman at agad na itinabi ang van at agad akong nakababa. Doon pa lang, pagtapak ko pa lang bumulwak na ang amoy na kanina ko pa tinatago.

" Ang sarap sa feeling!"

Matapos mailabas napansin ko na naibaba ako malapit sa bahay nila Jose. At hindi ko namalayan, parang may sariling buhay ang mga paa ko at kusang lumakad papunta sa kala Jose.

Nang nasa tapat na ako ng bahay nila ay napatigil ako.

"Ano bang ginagawa mo Susan? Ba't pumunta ka dito kala jose? "

Kaya naman aalis na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.

" Susan?"

"Tita."

Kung minamalas ka nga naman, nakita pa ako ng nanay ni Jose.

" Anong ginagawa mo dyan? Tara pasok ka dito." Yaya sa akin ng mama ni Jose.

" Ay wag na po, napadaan lang din po ako. " magalang kong tanggi.

" Sige na Susan, pagbigyan mo na ako. Ngayon na lang ulit kita nakita."

Napabuntong hininga na lang ako at napapayag na lang. Hindi naman siguro lalabas si Jose ng kwarto kasi may sakit sya.

Pumasok na ako sa loob at agad naman akong binigyan ng meryenda ng nanay ni Jose.

"Oh ayan hija, nagluto ako ng maruya."

Nagkwentuhan kami ng mama ni Jose. Wala naman sigurong masama dun, si Jose lang naman ang may kasalanan sa akin. Nang maya maya'y nay lumabas sa isang kwarto, si Jose.

" Susan? Anong ginagawa mo dito?" Nanghihinang tanong nya.

Hindi agad ako nakasagot dahil sa sunod sunod na pag-ubo ni Jose. Talagang masama ang lagay nya.

Babalik ka rin Susan Batumbakal (COMPLETED)(Book2 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon