EPILOGUE

9 0 0
                                    


A/N: Pwede nyo po pakinggan yung kanta sa taas , para mas ramdam nyo yung epilogue. Sino nakanood na ng  "Tayo sa Huling Buwan ng taon"? Ganda no? lol. kung may mag-tatanong man, sa movie pa na yan ko kinuha yung kanta. :)


SUSAN BATUMBAKAL


Paalis na ako bukas pabalik sa Canada, dapat masaya  ako diba? Heto naman talaga yung plano ko dati pa diba  bagopa ako bumalik dito sa Pilipinas. Pero hindi ko naman inaasahan na mag-kikita pa ulit kami ni Jose. Akala ko ayos na ako eh, akala ko nakalimot na ako, hindi pala kasi mahal ko pa rin sya bat hindi nawala yun.


Napag desisyunan ko na mag-lakad lakad, huling gabi ko na rin kasi dito sa Pinas. Gusto ko lang muna mag-isip isip.  Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng school ko nung highschool kami nila Jose at Nimfa, ang layo ng school namin  dati sa bahay namin ah, dalawang jeep pa kailangan mong sakyan bago makarating dito pero nalakad ko lang yun?


Sa pagod ay umupo muna ako sa lobby  ng school namin, medyo nag-uuwian na yung mga bata kasama mga magulang nila, enrollment kasi ngayon. Nag-libot libot ako sa loob ng school namin at nakarating ako sa gym kung saan kami lagi ni Jose noon. Varsity kasi si Jose ng Volleyball kaya lagi ko sya noon pinapanood....



FLASHBACK


May laro si Jose ngayon kaya nandito kami ngayon ni Nimfa nanonood habang nililisaan ko si Nimfa.


"Ano ba 'to Nimfa, parang may sarisarili ng bahay tong mga kuto at lisa mo, eto may nag-tatayo pa ata ng isa pang bahay." puna ko sa mga kuto ni Nimfa.


Kakadaldal ko ay hindi ko napansin na matatamaan na pala ako ng bola, napa pikit na lang ako pero nag-taka ako ng di tumama ang bola sa aking mukha. Pag-mulat ko si Nimfa pala yung natamaan akala ko sinalo ni Jose. Agad na lumapit sa akin si Jose at tinignankung natamaan ako. Tinuro ko si Nimfa na duguan ang mukha at agad naming dinala sa clinic.


END OF FLASHBACK


Kahit di ako yung nasaktan noong panahon na yun ako pa rin yung nilapitan ni Jose, ganoon nya ako kamahal... dati. Napapangiti na lang ako, sarap lang balikan ng mga ala-ala.


Sa pag-lalakad ako nakarating ako sa garden sa school namin, dito namin tinatanim mga halaman na project namin noon ngayon wala na tinayuan na ng mga building,  biro lang. Nandito pa rin naman yung mga halaman. Espesyal sa akin itong lugar na 'to, dito nag-tapat sa akin si Jose noon ng nararamdaman nya para sa akin.



FLASHBACK


"Susan.." napalingon ako sa tumawag sa akin.


Ngumiti sa akin si Jose at tsaka umupo sa tabi ko.


"Kutsinta Susan, binili ko yan para sayo" kinuha ko naman ito.


"Salamat, Jose"


Kinain ko yunbg kutsinta at may nanguya akong papel. "Ano ba naman 'tong binigay mo sa akin Jose may papel sa loob!" sigaw ko sa kanya, hindi naman sya umimik at nakatingin lang sya sa akin. Kaya naman kinuha ko ang papel na nanguya ko at binuksan ito dahil parang may nakasulat.

Babalik ka rin Susan Batumbakal (COMPLETED)(Book2 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon