PROLOGUE

228 5 5
                                    

PROLOGUE:

JOSE BALUYOT

"Hindi! Hindi! ilabas nyo si Susan! Nagmamakaawa ako! mahal ko po si Susan, alam kong nasaktan ko sya pero mahal na mahal ko po ang anak nyo. Mahal na mahal..."

Halos di na ako makapagsalita, pero ang mga luha ko patuloy sa pag-agos.

"Pakawalan mo na sya. Tanggapin mo na Jose, wala na si Susan. Wala na sya." paliwanag ng nanay nya.

Halos mapaluhod na ako, nanghihina na ako. Iniwan na ako ni Susan. Ba't hindi nya ako hinayaan makapagpaliwanag. Ba't iniwan na nya ako.

"Na-nasaan po ang katawan nya?"

Napakunot ang kilay ng nanay ni Susan, pero sinagot nya pa rin. "Nasa ibang bansa."

"Bakit po nasa ibang bansa?" halos nanghihina na ako sa kakaiyak.

"Kinuha sya ng tita nya doon.." napatungong sagot ng nanay ni Susan.

Mukhang kahit sa huling sandali hindi ko na makikita si Susan. 

"Okay lang po yun sa inyo? bakit nyo hinayaan na kuhanin sya ng tita nya? bakit nyo hinayaan na doon ilibing si Susan sa ibang bansa?!" napahawak na ako sa balikat ng nanay no Susan. Hindi ko lang kasi matanggap. At sa tingin ko kahit kailan hindi ko matatanggap na wala na si Susan.

Hinawakan ng nanay ni Susan ang kamay ko at inalis iyon sa balikat nya. "Huminahon ka nga muna iho." sabi nya. "At anong ililibing?" duktong nya pa.

"S-si Susan po... sabi nyo po diba wala na si Susan?" sagot ko.

Napa-gulo ng buhok ang nanay ni Susan. "Sa buong pag-uusap natin, yun pala ang iniisip mong bata ka?" sabi nya kaya naguluhan ako. "wala na si Susan kasi kinuha sya ng tita nya sa ibang bansa para mag-trabaho. Ano ba yan iho! ginugulo mo ang buhay ko!" paliwanag ng nanay ni Susan at pumasok na sa loob ng bahay nila, iniwan nya ako sa labas.

Ah yun pala yun? akala ko naman patay na si Susan. 

Malungkot pa rin dahil mas napalayo na sa akin si Susan, mas lalo kong hindi mapaparamdam na mahal ko sya. 

Hayaan mo Susan, aayusin ko ang sarili ko para sa muling pagkikita natin, sisiguraduhin kong mamahalin mo ulit ako at sa aki'y muling...

BABALIK KA RIN SUSAN BATUMBAKAL.

-

BOOK 2 OF "BAKIT SI NIMFA BACTOTOY PA?"

All Rights PRESERVED 1/23/2015

Copyright © StarApple Production

Babalik ka rin Susan Batumbakal (COMPLETED)(Book2 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon