Where are you now?

24 2 0
                                    

Lance

Nakauwi na si espren sa kanila, lumalalim na rin kasi ang gabi pero wala parin talaga ang kapatid ko. Saan kaya nagsuot ang batang yon?.

Nasa tapat ako ng pinto at nakahalukipkip. Sobrang lamig na talaga. Iniangat ko ang kamay ko sa ere at tumingin sa wrist watch ko para alamin ang oras 11:50 na pala. Baka naman natabunan na ng ulam yun? Hindi naman sya inaabot ng ganon katagal kapag inuutusan ko sya.

Isinandal ko ang ulo ko sa pinto at pasensyadong nag-antay. Wala naman sanang nangyari masama dun kung hindi di ko mapapatawad ang sarili ko.

Bilang napadako ang tingin ko sa kalangitan. Kumakapal na ang hamog sa labas. Sobrang liwanag ng buwan pero hindi mo mapapansin ang mga tala.

"Lee umuwi ka na kasi.." bulong ko. Mawawala na yata ako sa katinuan.

Ang mga paa ko ay bumabagtas sa direksyong pababa at pataas. Itinaas ko ulit ang kamay ko at tinignan ang oras 11:59. Siyam na minuto nang nakakaraan kapag nag-alas dose na at wala parin sya maghahanap n talaga ako. Baka kasi bigla syang umuwi kaya hindi ako naghanap kanina.

10 seconds .. 9 .. 8 .. 7 ..

Nagsuot ako ng tsinelas at papaalis na.

4 .. 3 .. 2 ..

Binuksan ko ang gate namin at nagtungo na sa labas ng bahay. Ang ginaw talaga!. Inilagay ko ang kamay ko sa bulsa para mainitan ito. Diretso ako sa eskinita ng biglang..

"Kuya!" May binatang papalapit sa diretsyon ko. Hindi ko maaninag kung sino sya dahil madilim sa daan. Naglakad akong muli.

"Kuya!" Sigaw ulit ng lalaki. Tumigil ako sandali. Hindi kaya..

"Lee?" Papalapit ng papalapit sa akin ang binatang iyon. Hinarap ko ang direksyon nya at napangiti. Parang may dala-dala sya sa kanang kamay nya.

"Kanina pa kita inaatay, san ka ba nagpunta?" agarang tanong ko.

Tatlong hakbang nalang at magkakalapit na kami ng bigla syang dumire-diretso ng lakad. Nagtaka ako at sinundan ng tingin ang binata. Papalapit sya sa isang lalaki.

"Kuya eto yung baon mo, naiwan mo dun sa lamesa" sabi ng binata sa kuya nya.

"Oo nga pala! Pasensya na. Lumabas ka pa tuloy" iniangat ng lalaki ang kamay nya at ipinatong ito sa ulo ng bata. Ginulo gulo nya ang buhok nito. Nakangiti sya.

"Kuya! Tigilan mo nga yan! Im not a little kid anymore" medyo naiinis na yung batang lalaki.

"O talaga? So ayaw mo na ng candy?" Natatawang sabi nung lalaki sa kapatid nya. Umiling ang bata.

"Sige ibibigay ko nalang to sa iba" may kinuha sya sa bulsa nya at iniharap iyon sa bata.

"Ito naman hindi na mabiro. Gusto ko talaga ng candy kuya" tawa ng tawa yung kuya ng bata. Sinamaan sya ng tingin ng nakababatang kapatid kaya binigay nya yung candy.

"Sige malalate na ko. Ang kulit mo" sabi ng lalaki sa kapatid nya tapos ay nagwave sila sa isa't-isa.

Naglalakad na muli ang bata pauwi sa kanila ng matagpuan ko ang sarili ko na nakangiti. Nakikita ko sa kanilang dalawa ang persona namin ni lee. Lagi nya rin kasing pinagdidiinan na binata na sya pero kung umakto parang baby parin.

Nakatingin parin ako dun sa bata ng marealize ko na dapat ay naghahanap ako. Ano ba kasing nangyayari? Ang lakas makathrowback thursday ng gabing to e.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at inisip kung san ba pwedeng magpunta ang kapatid ko. Una akong pumunta sa karinderia nina aling ressurection. Alam kong sarado na sila ngayon pero magbabakasakali ako. Binilisan kong maigi ang lakad ko kaya naman mabilis akong nakarating doon.

The Only Forever ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon