14- I know right

87 4 5
                                    

Lance

Maaga akong umuwi para naman mapaghandaan ko ang paghaharap namin ni Mr.Montemayor. eto na talaga yon! Real na real!.

Paulit ulit kong binabasa ang report ko. Konti na nga lang yata masosolo ko na kung ano mang nakalagay rito. Daig ko pa ang magtitittle defense sa kolehiyo.

Alas-kwatro na ng makaramdam ako ng gutom. Grabe sa sobrang tense ko nakalimutan ko ng maglunch. Kaya naman dumiretso na ko ng kusina para kumain.

Pritong itlog, at pritong manok ang meron . Juice ko! Matutuyo utak ko nito eh! Wala bang sabaw?

Binuksan ko ang ref at nagbakasakaling may natira pang sinigang kagabi kaso bigo ako dahil ubos na! Kinain siguro ni Lee. Dalawang beses yun kung kumain sa gabi parang may anaconda sa tyan.

Inisscan ko parin ang ref ng may makita ang knorr cubes chicken. Swerte! Buti may ganito pa rito.

Kinuha ko ang knorr cubes at saka nagpakulo ng tubig sa kawa.

"Para sa taong gutom! Walang hindi masarap!"

after 5 minutes ay kumulo na yung tubig kaya naman binuksan ko na yung knorr cubes at saka initcha sa kumukulong tubig. Inantay ko lang na magdissolve ito at..

"Yey! May sabaw na ko!"

Naghain na ako ng pagkain ko ng biglang nagvibrate ang phone ko.

From Babe:

Sorry if I don't call you or even text you lately. I'm so busy for the up coming event and Mr.Jay-r wants me to be there always as a finale. So sorry babe if I dont have enough time for you. Babawi nalang ako swear :) I love you <3.

Yes! May energy na ko para kumain lalo at pag-igihan ang presentation bukas.

Lalo kong gagalingan promise!.

"Easy! Para kang patay gutom dyan" sabi ni espren. Parang kabuti lang ang peg nito lagi eh. Kung san san nasulpot.

At ano daw? Patay gutom ako?.

"Salamat sa suporta espren ha. Unang una hindi ako patay, ikalawa hindi ako gutom. Kumakain lang ako"

Medyo natawa naman sya sa sinabi ko. Parang baliw talaga to. Di makaramdam? Di kaya ko nagjojoke.

Matatapos na kong kumain ng may bigla syang inilapag sa lamesa.

"Ano yan?" Agarang tanong ko.

"Ulam espren. Itinakas ko mula sa karinderya nila tita" simpleng sagot nya.

"Great timing ka talaga! Kung kelan tapos na kong kumain saka mo yan ibibigay? Wow lang. Ang sweet mo" sarcastic kong commento.

"Bakit may sinabi ba kong sayo yan?" Yung totoo bestfriend ko ba talaga to?

"E kung hindi para sakin. Para kanino?"

"Para dyan sa katabi mo" katabi? Teka eh ako lang naman mag-isa rito. Sinong tinutukoy nya? Wag mong sabihing may multo sa hapon?.

"Joke lang! Ito naman namutla agad!" Sabi nya sabay hagalpak ng tawa.

aba! Nakakainis na. Pasalamat sya medyo good vibes ako at nagtext sakin si babe. And speaking of babe..

"Espren may load ka?" Tanong ko. Dapat mareplayan ko sya.

"Wala.bakit?" Pulubi talaga to.

"Makikitext sana ko. Nagtext kasi si babe sakin"

"So obligation ko ba yun? Ikaw ang boyfriend diba? So magpaload ka!" Teka sa pagkakaalam ko ako ang galit rito kasi kanina pa sya nang-aasar pero bakit nabaliktad at sya na ang naaasar sakin ngayon?.

The Only Forever ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon