13 Magkabilang Mundo

38 4 0
                                    

Tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata dahilan para magising ako. Una kong tinignan kung may espren pa sa kwarto pero wala na umuwi na siguro.


Bastusan e! Di manlang nagpaalam.


Sumilip ako sa bintana at tumingin sa kalangitan. Grabe ang payapa, kamusta na kaya si Shane? Tulog na panigurado ngayon yun. Simula ng naging finale sya para sa isang event di na kami nagkausap ulit.


Miss na miss ko na sya </3.


Masaya kong sinusuyod ng tingin buong paligid ng biglang tumugtog ang kantang lalong nagpawindang sa umaga ko.


Now playing: Magkabilang Mundo
By: Jireh Lim


Magkalayong agwat, gagawin ang lahat mapasayo lang ang pag-ibig na alay sayo. Ang awit na to ay awit ko sayo sana ay madama magkabila man ang ating mundo.


Juice colored! Nang-aasar ba talaga ang tadhana? Nananahimik ako dito oh.


Kahit nasan ka man di ka papalitan. Nag-iisa ka lang kahit na langit ka at lupa ko ang bitwin ay aking dadamhin pagnaiisip ka sabay kayong nagniningning.


Napayuko ako habang dinadama ang liriko ng kanta. Tamang-tama para sa amin ni Shane na mala-Rizal at Leonor Rivera ang love story ang pinagkaiba lang ako ang naiwan dito at sya ang umalis pero ayokong magaya sa love story nila na hindi nagwork dahil hinding-hindi ako susuko at hinding-hindi ako bibitaw hangga't mahal namin ang isa't-isa.


Dito ay umaga at dyan ay gabi ang oras natin ay magkasalungat. Aking hapunan ay iyong umagahan ngunit kahit na anong mangyari balang araw ay makakapiling ka.

Balang araw ay makakapiling din kita Shane. Sa panahong yon sana ok na kami ni Mr.Montemayor.

Hihintayin kita kahit nasan ka pa di ako mawawala kahit na may dumating pa. Dito lang ako iibig sa iyo hangga't nandyan ka pa hangga't wala ka pang iba.

Dito ay umaga at dyan ay gabi ang oras natin ay magkasalungat. Aking hapunan ay iyong umagahan ngunit kahit na anong mangyari balang araw ay makakapiling ka.

"Naknang tinapa daing ooh! Kuya talaga puro kadramahan sa buhay" sabi ni Lee sa kuya nyang nakatulala na naman.

"Wag ka nga! Di ako nagdadrama" depensa ko.

"E ba't ka nakatulala dyan?"

"Pagnakatulala nagdadrama agad? Di ba pwedeng tinititigan ko lang yung dingding kasi may naglalarong butiki" sagot ko.

"Palusot pa more" sabi ko nga di sya kumbinsido.

"Bakit ba? Gulo-gulo mo"

"E kasi po nagugutom na po ako kuya" di ko alam kung gumagalang ba sya o nang-aasar sa paggamit ng po. Emphasize kung emphasize e.

"Ganon po ba? Sige po bababa na po ako para ipaghanda ka po ng pagkain señorito".

"Sige po kuya salamat po" sagot nya at ngumiti. Himala maganda yata ang gising ni bunso.

Kahit ayaw ko ay bumaba ako para ipaghain ang binata kuno kong kapatid.

Binuksan ko ang ref at nagutla ng may nakita akong pagkain na may note mukhang alam ko na kung kanino to galing.

The Only Forever ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon