Chapter 8

60 4 9
                                    

Lee

"Antagal naman ni kuyang bumaba" bulong ko habang nag-aantay.

Kanina ko pa kasi isinet-up tong hapag kainan at lumalamig na yung pagkain, ayoko pa naman kumain ng mas malamig pa sa ilong ng pusa ang temperature.

Naiinip at nagugutom na rin ako kaya naman umakyat na ako sa kwarto nya at nakita ko syang nakatingin sa alapaap.

Simula ng umalis si ate Shane palagi ko nalang syang nakikitang tulala.

Iniangat nya ang kamay nya at saka nagsulat sa kalangitan ewan ko kung anong isinusulat nya pero nakakatawa sya e. Kung hindi ko to kapatid at kung hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan malamang iisipin kong baliw na sya o di kaya nalipasan ng gutom.

"Sige drama pa more"putol ko sa ginagawa nya. Agad naman syang napatingin sakin at itinigil ang ginagawa nya. Tawa ako ng tawa para kasi syang batang nahuli ng magulang na may ginagawang kalokohan.

"Tumigil ka nga!" Naghihiya nyang sabi at saka nagmartsa palabas ng kwarto.

Nakikita kong mahal na mahal nya si Ate Shane at ganun din ito sakanya pero hindi sya pwedeng dumipende rito lalo na't hindi parin alam ni kuya ang sikreto nito. Batid nya kasing hindi nito kakayanin ang sakit kung saka-sakali.

"Alam kong mahal mo sya kuya pero hindi mo dapat idinidepende ang buhay mo sakanya" Sabi ko sa kanya kaya naman natigilan sya sa paglalakad.

"Bakit naman hindi pandak?" Tanong nya sa akin gamit ang naguguluhan nyang expresyon.

"Wala lang, nagmumukha ka kasing baliw" palusot ko.

"HAHAHAHA sempre umiibig.hindi ka pa kasi na-iinlove kaya mo nasasabi yan" Tawa sya ng tawa.

"Akala mo landi hindi!" totoo naman e kaso yung akin iba. Di ako kasing O.A ng kuya ko

"Talaga? Alam mo kasi bunso pag-umiibig ang isang tao para syang nagwi-weeds, madalas high na high" sabi nya. Oo nga! kaya nga ka mukhang ewan kanina.

"Oo na! Kumain na tayo inuuna mo pa yang landi mo kesa sa pagkain" sabi ko sa kanya.

"Oo na pandak dami mong alam. Mag-teacher ka sa college ha!"sabi nya at dumiretso na kami sa kapag at kumain.

--

Ali

"Kuya ano na!?" Kanina pa ko kinukulit nitong kapatid ko tungkol sa problema ko. Nasa hapag kami ngayon at kumakain.

"Kilala mo ba si Mr.Thomas Montemayor?" Tanong ko sa kanya. Natigilan sya sandali at nag-isip.

"Bakit ano bang meron sakanya?"

"Kilala mo nga?" Tanong ko ulit pero mukhang di nya iniisip kung sino talaga yon.

"Hmmm.." tumingin sya sa kisame at nag-isip. "Hindi e" tuloy nya at saka sumubo ng pagkain.

"Sya kasi yung papa ni babe" nabulunan naman si lee sa sinabi ko.

"Anooo!? Sino ulit?" Medyo tulig din to paminsan-minsan e.

"Seriously? Di naman ganon kasarap tong luto mo para matulig ka. Sabi ko Si Mr.Thomas Montemayor ang papa ni.." di ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nagsalita na si pandak.

"Oo na! Wag mo ng ulitin nasusuklam ako" alam kasi ni Lee ang ginagawang pagtutol ni Mr.Montemayor sa relasyon namin ni Shane.

Napuno ng katahimikan ang buong paligid. Tahimik lang kaming kumakain ni Lee ng bigla nyang banggitin ang mga salitang di ko akalaing babangitin nya.

"Kuya bakit di mo nalang bitawan si ate Shane?"Naubo naman ako sa sinabi nya.

"H-huh??" May problema ba si Shane at ang kapatid ko? Akala ko ba ultimate fan namin sya?.

"Kasi kuya di ka ba nahihirapan sa sitwasyon nyo? Ayaw sayo ng papa nya dahil sa mahirap lang tayo" Direkta nyang sabi sa akin habang taimtim na nakatingin sa mga mata ko.

"Alam ko yon Lee at natatakot ako sa papa nya pero mas natatakot akong mawala si Shane sakin. Alam mo naman yon diba?" Alam kong concern lang sa akin ang kapatid ko ma-impluwensyang tao ang ama ng babeng mahal ko pero kaya kong sumugal sa kapahamakang yon kung saka-sakali.

Natatawa si Lee sa sinabi ko. May sayad talaga to.

"Yan ang sinasabi ko sayo kuya e, kaya kita idol basta dito lang ako huh wag mo palaging solohin ang lahat lagi mong tatandaang buddy buddy mo ko sa lahat ng bagay" sabi nya sakin. Wow nagmamature na si bunso kagulat-gulat.

"Oo na, nagmamature ka na bunso hindi ka na talaga bata" sa

bi ko at nakipagfist-bump sakanya.

"Sempre" sagot nya sakin at tumawa.

--

Shane

"Very good Shane, you really did a fantastic ramp" puri ng handler ko sakin.

'Thank you Mr.Jay-r,' nginitian ko sya.

"Okay, see you tommorow around 9:00am at diamond botique for the fitting of gowns" sabi nya.

"Yes sr. Thank you" then nagwave na ko sakanya paalis na kasi sya.

Nakakapagod talaga ngayong araw gusto ko ng matulog.

"Ahm..Ms.Shane?" May boses akong narinig sa likuran ko kaya naman tumalikod ako para makita kung sino iyon.

"Yes?" Sagot ko ng makaharap na ako sakanya.

"Im Nathan Valdemour" pagpapakilala nya sakin. Matangkad sya, blonde ang buhok, maputi, at may cyan eyes. Mukha syang british.

"Yes Mr.Nathan what can I do for you?" Napapasabak ako sa englishan nito e haha. Dudugo na ilong ko.

"Your so beautiful" yea I know right. Ano bang kailangan ng mokong na ito?.

"Nah. It's no big deal'"sabi ko kaya naman natawa sya.

"What's funny?" Tinaasan ko sya ng kilay. Pag-ganitong napapagod ako ayoko ng paloko-loko.

"Nothing. Can you go out with me?" Sauce ko. Yun lang pala katagal-tagal pang sumagot. Parang alam ko na ang gustong iparating nito.

"If you're asking me on a date. You.better.stop!." Itinaas ko yung kamay ko at ipinakita yung singsing na suot ko hindi naman to galing ay babe binili ko lang talaga to para sa mga panahong ganito.

"See, I'm married" then I smiled at him. Parang di naman sya natinag sa sinabi ko.

"Such a brave woman. How interesting" aba! Matigas to. Kahit sexiest accent ever pa yang gamitin mo mas sexy parin magsalita si babe!.

"Is that all? I'll go ahead" then I turned my back to him.

Wala kong pakialam kung umaattitude ako. Sa boys lang naman ako nagtataray sa girls hindi.

Di pa man ako nakakalayo ay nagsalita muli tong si Nathan.

"Even If you're married, still I want you and I will do my best to make you mine". sabi nya kaya natigilan ako sandali but I manage to walk again and make him see that i'm not interested.

"I get what I want shane" ang huli kong narinig na sinabu nya.

Akala mo lang yun ungas! Di ako bagay kaya di mo ko mabibili tss.

The Only Forever ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon