11

40 4 0
                                    

Trinoma, isang lugar na madaming tao pero kapag magkakasama kami parang kami lang ang nandoon. Isa itong simpleng lugar pero makahulugan para sakin dito ko kasi nakilala ang diwatang dilag na minahal ko. Ito na rin kasi ang naging dating place namin. Nakakamis ang mga araw na magkasama kami. Pag-uwing pag-uwi nya dito ko agad sya dadalhin.

Iginala ko ang tingin ko sa lugar at nakita ko si Shane na nag-aantay saakin.

"Hay nako! Kanina pa ako dito . Mag-iisang oras na pero wala pa din sya dito. Asan na kaya yun. Di na yata nakaahon sa balde" . May pagkabagot na paghihintay niya.

Napapangiti ako dahil naalala ko ang araw na iyon baliw din kasi ako parang pagong di na nakausad ang bagal-bagal.

Nanatili akong nakatingin sa babaeng kamukha ni Shane. Nakatayo ito sa lugar ng antayan naming dalawa kapag pumupunta kami rito.

Tumunog ang cellphone nya kaya naman kinuha nya ito sa bag at tinignan ang screen kung sino ang tumatawag.

ALIMANGO calling ..

"oh tumawag na ang magaling kong boyfriend" bulong nya. Bakas sa mukha nya ang pagkainis.

"Oh hello!? asan ka na bakit ang tagal mo!? kanina pa ako dito e. Di ka man lang naawa pinaghintay mo ako!". Galit na galit nyang sabi.

"Teka teka teka!" Awat ko sakanya. Mahirap na parang dragon pa naman yung bunganga nun pag nagalit.

"Alam mo naman na yung boyfriend mo kung mag ayos parang babae at kilos pagong pa. Nagpapogi pa ako alam mo namang I wanna look handsome in front of you" sabi ko. Totoo namn kasi e. Sa dami ng tao sa trinoma imposibleng walang gwapo don na lilingunin ang girlfriend ko kaya naman effort na effort akong magpagwapo lagi.

"You wanna look handsome in front of me!? Wow big word! Push mo yan hanggang mamaya. Tignan natin kung yang pagpapapogi mo ay matatag ang pagkakagawa" galit pa din sya. Naintindihan ko naman sempre nakakaasar nga mag-antay ng matagal lalo pa't ayaw na ayaw nya iyon.

Sa likod ni babe ay nakita ko ang sarili ko na nakahawak sa cellphone. Nakatapat ito sa tenga ko at may kausap si Shane iyon.

Pinagpapawisan ako ng malagkit at iniisip kung kukulbitin ko na si Shane para malaman nyang nasa likod nya na ako at kausap sya. Kitang-kita kong nag-aalangan ako ng araw na iyon.

Kinakabahan ako pero niyakap ko sya mula sa likuran at nagsabi ng Sorry. Ipinilig ko ang ulo ko sa leeg nya. Nagulat sya sa ginawa ko pero alam kong nabawasan ang inis nya dahil sa ginawa ko.

"Sorry kung pinag-antay kita gusto ko lang kasi na palagi kang ma-inlove sakin sa araw-araw at ituring na sa bawat araw na dadaan ay parang unang araw ng pagkikita natin". Sinserong sabi ko.

Naramdaman kong ngumiti sya sa sinabi ko pero.

"ARAAAAAY!!!" Sigaw ko. Kinurot nya kasi ako sa tagiliran. Grabe talaga tong babaeng to. Akala ko pa naman na-touch sya sa sinabi ko.

"Bakit ALImango,papalag ka?" Sabi nya sakin ng nakataas ang kilay.

"Hindi po boss" tugon ko at hinimas yung tagiliran kong kinurot nya ang sakit sakit kasi.

"Ahm. Babe may sasabihin ako sayo" seryosong sabi ko ng makarecover ako sa kurot nya.

"Ano yun?" May tono ng curiousity sa boses nya.

"Ano kasi.. dapat sinabi ko na to kanina pa" pa-intense na sabi ko.

"Baliw to. Ano nga?" Gusto ko ng matawa pero pinipigilan ko baka makurot na naman nya ko.

"May kulangot ka kasi" sabi ko at itinuro yung ilong nya.

"Talaga?" Kumuha sya ng salamin at tinignan kung meron nga. Sumimangot sya at binatukan ako.

"Wala naman e. Bahala ka nga dyan!"

Napakasadista. Paalis na sya pero katulad ng ginawa ko kanina niyakap ko sya mula sa likuran. Gustong-gusto ko sya inaasar ang cute nya kasi.

"I love you babe. Mahal na mahal kita" gumamit pa ko ng husky voice para sexy.

"Wow binata na si babe. I love you too" sabi nya at niyakap ako pabalik. Magkaharap na kami ngayon.

biglang ko ding inilapit ang labi ko sakanya at hinalikan sya.

Nilapitan ko ang dalawang tao na kahawig namin at hinawakan ang mukha ni Shane na nakangiti. Bigla naman itong naglaho. Ngumiti ako ng magmulto ang ala-ala naming iyon.

Napangiwi ako ng may humampas na puting towel sa mukha ko. Ang sakit buset!

"Boom sapol!" sabi ni Lee sabay tawa. Ewan ko ba kung bakit ako napaliligiran ng mga sadista.

"Juice colored bigyan nyo pa po ko ng pasensya para maging mabait sa bansot na kasama ko" sabi ko habang nakatingin ng masama kay pandak.

"Grabe naman. Kanina pa kasi kita tinatawag tapos patawa-tawa ka pa dyan. Tignan mo nga pinagtitinginan ka na ng mga tao" sabi ni Lee sa akin.

Awtomatikong napatingin ako sa paligid at maraming pares ng mga mata ang nakatingin sakin.

"Kawawa naman sya noh." Narinig kong sabi ng babae

"Oo nga wala yata sa katinuan" sabi ng kasama nya.

"tara lapitan natin mukhang nalipasan ng gutom" sabi ulit ni ate no.1 sa pagkakataong ito papalapit na sila sa akin.

"Toto eto oh. Pambili ng pagkain" sabi nya ng makalapit at inabutan ako ng pera. Napakunot ang noo ko. Mukha ba kong mahirap?

"Sige toto. Walang anuman aalis na kami" at nagmartsa na sila ng kasama nya papalayo.

"HAHAHAHA! akala yata nya mongoloid ka kuya" tawa ng tawa si Lee.

"Aa ganon? Sige maiwan ka dito at magmalling ka mag-isa! Tignan natin kung sino ang mukhang mongoloid pag-iniwan kita rito" banta ko, mukha naman syang natakot kaya tumabi sa likod ko.

"Ikaw naman di mabiro. Yung babae mukhang mongoloid kagwapo-gwapo ng kuya ko tapos napagkamalang monggoloid grabe naman. Tara kuya dun tayo, bili mo ko ng damit" pag-iiba nya ng topic.

"Yaan tayo e." Sabi ko at nauna ng lumakad.

"Uy! San ka pupunta?"

"E di don! Ibibili ka ng damit" sabi ko. Ngumiti naman sya.

"Basta damit e noh. Ngiting Aso!"

At yun na nga bumili na kami ng damit at kumain. Mababaliw ako rito sa kapatid ko e puro kalokohan.

Nagsimula na kaming bumili, maggala at kumain hanggang sa mapagod kami at umuwi.

The Only Forever ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon