Chapter 9

44 4 0
                                    

Ali

Friday na ngayon at dalawang araw nalang ang natitira para sa napipintong paghaharap namin ni Mr.Montemayor. Kasalukuyan akong nasa office at iniaayos yung mga paperworks ko na ipi-present sakanya.

Hanggang ngayon napapakunot parin ang noo ko tuwing maaalala kong maghaharap kami, alam kong may balak sya kaya naman naghahanda ako. Ayokong mapahiya sa ama ni babe at lalong-lalo na't ayokong biguin si kalbo. Alam kong wala syang tiwala sakin at hanggang ngayon ay hindi ko parin nalilimutan ang salitang binitiwan ni Sr.wax sa telepono habang magkausap sila ni Mr.Montemayor na baka daw 'Hindi ko kaya'.

Kaya ko!. Alam kong kaya ko! At hangga't naniniwala akong makakaya kong gawin ang isang bagay matatapos ko ito ng maayos. I'll prove them wrong!.

'Oh pare anong nangyayari sayo? Para ka na namang timang dyan' sabi sakin ni Teejay. Aba! Panira ng moment to. Lagi nalang may kontra kapag gusto kong mag-emote.

Tinignan ko sya saka sinabing:

'Wala lang *insert handsome smile here*'

'HAHAHA itigil mo nga yan! May pa.aja pose ka pang nalalaman, nakakain ka ba ng panis na almusal kanina' sabi ni teejay sakin at nakahawak sa tyan nya.

'Dun ka na nga! Panira ka pare ano bang ginagawa mo rito?' sabi ko at bumalik na sa ginagawa ko.

'Easy, itatanong ko lang sana kung gusto mong sumama samin mamaya' tanong nya habang nakasandal sa desk ko.

'Di na pare, marami akong ginagawa e tsaka sisirain mo lang yung tenga ko' sabi ko at nag-smirk sakanya.

'Anong sisirain! Magaling kaya ako kumanta dahil nga don napa-ibig ko si Ana' sabi nya.

'Oo pare, magaling kang manira ng tenga' tawa ako ng tawa sya naman napasimangot.

'Sobra ka! Ikaw nga boses palaka e'- teejay

'Bakit narinig mo na ba kong kumanta?'- tanong ko sakanya.

'Oo noh, pagtumatawag ka kay Shane kinakantahan mo sya buti nga hindi nya naiisipang makipag-break sayo' pang-aasar nya sakin at tumawa tawa na parang pasyente sa mental.

'Ewan ko sayo' sagot ko.

'Dali na pare sumama ka na napaka-killjoy mo naman' -teejay.

'Teka pag-iisipan ko' tumigil ako sandali at nag-isip. Ano naman kayang gagawin ko dun? Mag-iinuman lang nakakasawa na.

Tinignan ko si teejay na ngayo'y nakatingin sakin at nag-aantay ng tugon.

'Nakapagdesisyon na ko. AYOKONG SUMAMA' saka ko sya nginitian. Mukhang nadismaya sya sa sinabi ko. Nako! gagawin lang akong alalay nito e. Naalala ko pa nung nalasing sya sumuka sya ng sumuka tapos ako ang pinerwisyo di naman kasi sumasama si Ana sa inuman ayaw nya sa usok ng sigarilyo at sa amoy ng alak.

'Pare naman sige na!'

'Next time nalang pare, di ko pwedeng iwan si Lee mag-isa sa bahay alam mo namang hindi yun kakain ng hindi ako kasama' paliwanag ko sakanya. Naintindihan nya naman ako kaya hindi na nya ko kinulit pa.

Bumalik na ako sa ginagawa ko ng biglang tumunog yung phone ko. Napangiti ako ng makita ko kung sino yung tumawag.

KRING .. KRING ..

'Helo?' Bati ko pagkatapos kong ipick-up yung phone.

'Hi' sabi ng tao sa kabilang linya. Ang lambing talaga ng boses nito napapangiti tuloy ako.

'Kamusta miss?'- sabi ko, narinig ko naman yung simpleng pagtawa nya.

'Ayus lang po mr.'- sabi nya

'Ang cute ng boses mo miss. Cute ka rin siguro sa personal' sabi ko at narinig ko syang nag-chukle.

'Sempre naman noh, pipili ka ba naman ng hindi cute na kausap' sabi nya.

'Weh? Ang alam ko kapag maganda daw yung boses sa telepono pangit daw yun sa personal pero kapag pangit yung boses sa telepono maganda daw yun' sabi ko sakanya.

'Sino namang ewan ang nagsabi sayo nyan?' Tanong nya.

'Wala narinig ko lang' napapangiti talaga ko.

'So pangit ka? Ganda ng voice mo sa phone e' pang-aasar nya sakin.

'Nako. Magiging tayo ba kung hindi ka natulala sa kagwapuhan ko?'- bwelta ko sa sinabi nya

'Kapal mo Ali. Mukha nga kitang julalay pag magkasama tayo' narinig ko syang tumatawa

'Julalay your face! E ikaw nga mukha kitang nanay' biro ko sakanya.

'Aba swerte mo kung ako ang naging nanay mo, maganda sana lahi mo' aba! Ayaw patalo.

'Nako anong swerte don? Mas gusto ko pang pumangit kesa maging nanay ka'- sabi ko.

'So lugi ka pa ganon?'

'Hindi pero kasi hindi kita magiging girlfriend kung magiging mag-ina tayo. Kadiri kaya yon' sabi ko.

'Corny much? Haha di rin naman ako payag maging ina mo noh' sabi nya sakin. Sabi na e. Mahal na mahal kasi ako nito hahaha

'Kitams maski ikaw ayaw mo'-sabi ko

'Ayoko talaga! Ang pangit mo kaya dudungisan mo pa lahi namin' narinig ko syang tumatawa. Medyo baliw talaga to, buti nalang nagmana sya kay tita Nadine.

'Oo na ikaw na maganda' sabi ko at tumatawa parin sya. 'Baka mahipan ka ng masamang hangin dyan bahala ka'.

'Ali kantahan mo nga ko' sabi ng girlfriend kong si Shane sakin.

'Ayoko nga gusto mo' aasarin ko ulit to.

'Di wag!' Kitams. Pikon e.

'Talaga bleeh' nagtongue-out pa ko nyan kahit alam kong di nya nakikita.

'Bahala ka nga! Sige na papatayin ko na to, may praktis pa ko e babye I love you' sabi nya sakin.

'Sige goodluck, I LOVE YOU TOO' all caps talaga para dama nyo. At yun na nga pinatay na namin yung phone.

Tinapos ko yung trabaho ko ng may ngiti sa labi ganyan ang epekto nya sakin.

Hay nako Shane. Bumalik ka na sakin miss na miss na kita.

The Only Forever ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon