2

118 2 0
                                    

Isang linggo na rin ang nakalipas pagkatapos ng tagpong iyon, medyo natatanggap ko na rin na talagang aalis sya ng bansa kaya naman nag-usap kaming gagawing memorable ang lahat bago sya makaalis.

Yan lang ang tangi kong magagawa para sa kanya ngayon.

Kasalukuyan kaming nasa bahay namin kasama si Lee at nanonood ng movie. Katabi ko ang girlfriend ko habang si Lee naman ay nasa gilid namin.

"Kuya! Wala na bang ibang palabas? Ang korny kasi", sabi ng kapatid ko. Romantic movie kasi ang pinapanood namin.

"Ang arte mo lang? Wala na magtiis ka nalang" Sabi ko at binato sya ng unan.

"Wala kasi syang girlfriend kaya nag-iinaso dyan tapos di pa sya sinagot ni --" sabi ng girlfriend ko ngunit hindi natuloy kasi sinamaan sya ng tingin ni lee.

"Anong hindi sinagot!? Sya kaya yung nanliligaw sakin" inis na saad ng kapatid ko.

Teka sino ba ang pinag-uusapan nila? Bat di ko yata alam yun?

"Lee!" Sabat ko sa may kataasang tono.

"Baka may nililigawan ka na ha! Ayoko pang maging tito ng maaga" biro ko sa kapatid ko.

"Wala ngang gf e tapos gusto mo agad maging tito. Wag kang excited kuya mamimili ako ng maigi sa lahat ng chickababes ko para naman mamaintain natin ang maganda nating lahi" buong pagmamalaki nyang sagot sa akin.

"Wow, lakas ng hangin dito babe noh?" Pang-aasar ko sa kapatid ko.

"Oo nga e, wala namang aircon dito pero malakas ang hangin" panggagatong babe sa sinabi ko.

"Totoo yun noh! Ikaw kamo kuya! Baka ako ang maging tito agad" natatawa nyang sabi sa akin saka tumingin ng malisyoso sa amin ni Shane.

Naging awkward tuloy ang paligid namin dahil sa sinabi ng kapatid ko, loko-loko talaga to kahit kelan. Basta pag alam nyang wala na syang kakampi kung ano-ano na ang pinagsasasabi.

"Oh, kuya ba't natahimik kayo? Nakabull's- eye ba ko ? Hahaha"

Aba loko tong batang to aa. Lumapit ako sa kanya para hawakan ang mga kamay nya at lumapit naman si Shane ng may nakakalokong ngiti para hawakan ang mga paa ni Lee.

Iniangat namin sya, nagtinginan kami ni Shane saka tumingin kay Lee na ngayon ay hawak namin. Nag-smirk kami sa kanya saka nag bilang:

"Isa!" Sabay kaming nagbilang ni Shane habang idinuduyan si Lee.

"Waaaaah! Kuya ayoko na!" Sabi ni Lee ngunit nag.smirk lang kami sa kanya.

"Dalawa!"

At...

"Tatlo!"

Sabay naming binitawan si lee at inihagis sa sofa.

"HAHAHA sino sa atin ang naka.bulls eye ngayon?" Sabi ko.

"Guilty ka kuya! Madaya ka! Hahaha, obvious na ano---" tumigil sya sa pagsasalita ng nakita nyang papalapit na ko ulit sa kanya.

"Na ano?" Unti-unti ako lumalapit sa kanya.

"Hindi naa! Joke lang eto naman"

"Akala ko may sasabihin ka pa e" sarkastikong sabi ko sa kanya habang si Shane ay natatawa kaming tinignan.

----*

Shane's POV

Hinatid ako ni Ali sa bahay namin past 11 na kasi ng makaalis ako sakanila. Palagi kong nalilimutan ang oras kapag kasama ko sila, kahit papano kasi naiibsan ko ang pagka.miss ko kay kuya.

The Only Forever ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon