4

72 3 2
                                    

Ali's POV

"Pwede bang mag-enjoy nalang tayo ngayon?" Tanong ni babe sakin.

Ayoko naman talagang i-open ang topic ukol sa pag-alis nya. Di ko lang kasi talaga maiwasan na malungkot kapag naaalala ko iyon.

Sa 3 years and 5 months naming magkasama nasanay akong palagi syang nandyan sya tabi ko. Palgi kong nakikita, nakakasama at nakakausap kaya mahirap para sakin na malayo sya. Di ko kaya.

"Sorry babe, di ko na uulitin" hinawakan ko ang nakakuyom nyang palad.

"Wag ka ng umiyak nasasayang yung make-up mo, ang ganda pa naman" biro ko sakanya.

"Ikaw kasi e! pinapaiyak mo ko" natatawa nyang sabi na may kasamang hampas. Sadista talaga to.

"Di na nga e, hahaha kiss mo nalang ako ulit" sabi ko saka pumikit.

'Ayoko! Wala na ko sa mood"

"Ayy ang hard mo naman. Sige na babe isa lang naman"


"Ayoko" pagmamatigas nyang sabi.

Sige na nga! Di na ko magpupumilit.

Tumahimik ako saglit habang sya ay nakatayo parin. Nakahalukipkip sya. Ang taray talaga.

Tinignan ko sya at sinimangutan kunyari nagtatampo ako.

Nagsimula akong lumakad palayo ng nakatungo.

Inaantay Kong sundan nya ko pero walang Shane na sumunod sakin kaya naman lumingon ako para tignan sya. Hindi pa naman ako nakakalayo masyado kaya tanaw ko pa sya mula sa pwesto ko.

Natayo parin sya dun at ..

at. .

teka luha ba yun?

Agad akong tumakbo papalapit sakanya para alamin kung bakit sya umiiyak.

"Wui! wag ka ng umiyak. Akala ko kasi susunod ka sakin e" alo ko sakanya.

"Ikaw kasi e! bat mo ko iiwan?" nagpapahid na sya ng luha.

Nginitian ko sya ng nakakaloko.

"Sabi na e, hindi mo kaya ng wala ako"


Muli't muli'y hinampas na naman nya ko, at tinigan ng masama.

"Joke lang , di ka na mabiro"

"Loko-loko ka ba? Panong di ako iiyak e nasayo yung pamasahe ko. Amin na nga! Baka di pa ko makauwi. Isusumbong kita kay mommy"

"Aa, ganon ?"

tumakbo ako papalayo at hinabol nya naman ako. Aba! dapat lang noh magmumukha akong tanga kung tatakbo ako mag-isa hahaha

Naghabulan lang kami ng naghabulan hanggang sa mapagod kaming dalawa.

"Kahit kelan ka talaga Ali isip bata ka" sabi ng girlfriend ko sakin.

"Gusto mo naman"

"Ewan ko sayo haha"

Takbo kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa isang malaking puno. Naupo kami doon at nagstar gazing.

Hawak namin ang kamay ng isa't-isa at masayang pinagmamasdan ang langit.

---

Isang buwan na ang nakalilipas ng makaalis si Babe papuntang New York at dun nagmodelo. Nagkikita at nagkakausap naman kami ni Babe through skype, kapag may free time sya yun nga lang kadalasan sobrang late na, Halos 6 hours din kasi ang pagitan ng oras dito sa pinas at new york.

The Only Forever ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon