3

108 0 0
                                    

"Sa Mall nalang kaya?"

"Ayoko ko, palagi na tayo dun e"

"Ganun ba? E kung sa sinehan nalang kaya? Showing ang the fault in our stars ngayon"

"Ayoko walang forever"

"Ba't mo alam?"

"May torrent kaya!"

"E san nga tayo pupunta?"

"San mo ba gusto?"

Tignan mo to!. Tinatanong tanong ako kung san pupunta samantalang pagnagsa-suggest ako kinokontra nya naman. Nakakaasar!.

Kanina pa rin kami nagtatalo ni Ali kung san kami pupunta. Ang galing lang kasi ng set-up namin ngayon, wala kaming ruta!

"Akala ko ba handa ka? lakas pa ng loob mong mag-aya tapos ganito" inis na saad ko.

Napakamot naman sya sa ulo nya. Ayaw kasi magpakuto sa unggoy nangangati tuloy.

"Tara nga!" Hinila ako ni babe.

"Teka san ba tayo pupunta?"

"Sa heaven" Simpleng tugon nya, kaya hinampas ko sya sa braso.

"ARAAAY! kahit kelan sadista ka!"

"So sinisigawan mo na ko!?"

"Hindi nilalambing kita, ikaw naman babe di ka na mabiro" nakagiti nyang sabi sa akin. Ang ewan talaga nito, kaya ko to mahal e.

Lakad dito, lakad don ..

Sakay dito, sakay don ..

Teka bakit parang pamilyar yung dinadaanan namin?. Siniko ko si Ali na ngayo'y nasa kanan ko, nasa aircon bus kasi kami ngayon, tumingin sya sakin.

"San tayo pupunta?" Tanong ko ulit.

"Sa heaven"

Aba! Sinasagad na ko nito.Akmang hahampasin ko sya ulit kaso hinarang nya yung kamay nya.

"Uyyy! Masakit yan Shane ha, tama na".

"Ayaw mo kasing sumagot ng maayos e, baka nakakalimutan mo yung nakita mong stain kanina. San nga tayo pupunta?"

"Basta! Nga kasi. Magugustuhan mo to"

Di na ko sumagot. Ilang minuto pa ang itinagal ng Biyahe namin bago kami nakababa ng sasakyan.

Asdfghjkl ! .. yan ang naging reaksyon ko ng makababa kami ng sasakyan at patawid sa  isang motel.

"Ali ! Loko loko ka ha! Mauuna ka talaga sa heaven pag tumama sayo to!" Tinutukoy ko yung hawak kong coke in can.

"Easy ka lang! , di naman tayo papasok dyan e pero kung gusto mo pwede rin naman" nag-smirk sya.

"Gusto mo sapak!? Baka ikulong kita dyan sa loob. Nalaman mo"

Hinawakan nya lang ako ng mahigpit at nginitian ng sobrang lambing. Ano bang meron at para kaming baliw ngayon.

Dire-diretso lang kami hanggang sa tumapat na kami sa pinto saka lumiko. Nagtaka ako, san ba talaga ko balak dadalhin nito?

Ginagahasa ko ng tingin ang buong paligid ng bigla syang tumigil at humarap sakin, hinawakan nya ang balikat ko at ngumiting muli.

"Babe umamin ka nga. Naengkanto ka ba kaninang umaga?" Tanong ko sakanya.

"Hindi naman bakit?" Sabi nya sabay lagay ng kamay nya sa noo.

"Parang baliw to! Bakit pagnaeengkanto ba nilalagnat? Psh.ano bang meron at kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan?"Tanong ko.

The Only Forever ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon