Party Rockstar

13 1 0
                                    

"Mukhang good vibes ka ah," bungad ni Teejay sa akin ng makita nya akong naglalakad sa hallway. Nginitian ko lang sya at tinaas babaan ng kilay.

"Buti ka pa" sabi nya tapos ay unti-unting yumuko.

"Nag-away na naman kayo no?" Ganyan naman lagi ang mukha nito kapag nagkakatampuhan sila ni Ana.

Hindi sya sumagot. Tumingin lang sya sa daan ng hallway. Bakas sa mukha nya ang lungkot.

"Kamusta ang presentation?" Pagbabago nya ng topic. Napangiti muli ako ng malapad.

"Syempre! Su------"

"Oo na! Successful"

"Alam mo naman pala e! Nagtatanong ka pa". Alam nyang nagbibiro lang ako pero hindi sya ngumiti. Naglakad na sya palayo sa akin. Sinundan ko sya. Yaman nalang din lamang na gusto kong magcelebrate ay yayayain ko nalang mag-inom itong si Teejay.

Nang halos makasabay ko na sya ay natawa ako. Hindi dahil sa mukha syang tanga kundi dahil gusto kong mahawa sya sa positive vibes na dala ko, tapos ay tinapik ko sya ng marahan sa balikat.

"Ok lang yan! Sama ka?" Pag-aaya ko.

"Saan pare?" Tanong nya.

"Sa lugar na may patay sinding ilaw at bumabaha ng alak" nakita kong napangiti sya ng kaunti. Party animal talaga tong kaibigan ko.

"Tara!" Sabi nya tapos ay nauna ng maglakad. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya habang suot ang malapad kong ngiti.

"Teka. Libre mo?" Tumigil sya sa paglalakad at hinarap ako.

"Syempre! HINDI" sagot ko.

"Damot" sabi nya. Ano sya swerte?! Iinom sya ng walang bayad.

Nag-out na kaming pareho sa trabaho dahil alas-singko na ng hapon. Umuwi muna kami sa kanya kanya naming bahay para magbihis saka nagkita sa bar para magsaya.

***

Alas nuebe na ko ng gabi nakarating sa bar na palagi naming pinupuntahan ni Teejay. Nasa pinto pa lamang ako ay naaamoy ko na ang matapang na amoy ng alak.

Agad akong dumiretso sa table na madalas din naming inuupuan. Wala pa kong nakikitang senyales ni Teejay sa lugar na ito kaya nag-antay muna ako ng kaunti. Nakakahiya naman kasi kung mauuna pa kong malasing kaysa sa inaya ko.

Pinanonood ko lang ang mga taong nagsasayaw sa dance floor. Yung iba nagiging wild na, may ilang pa-sexy dance at may ibang magsyo-syota na nagawa na ng milagro sa gitna.

Oo! Syota yung word ko kasi pag binaliktad mo yun magiging A TOYS, Sa madaling salita LARUAN. Kung mahal mo kasi yung gf mo hindi mo sya dadalhin sa ganitong lugar.

"Kanina ka pa?" Sabi ng katabi ko. Ibinaling ko yung paningin ko sa nagsalita.

"Oo pare. Kanina pa" nakita ko si Teejay na tumutungga na ng isang baso ng tequilla.

Mukhang matindi ang away nila ni Ana.

Sumenyas ako sa bartender na bigyan din ako ng isa, agad nya naman akong inabutan.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko. Tumungga muna sya ulit ng isang baso bago sumagot.

"Hindi ko na kasi sya maintindihan pare e! Lahat nalang pinagseselosan nya kulang nalang yata pati anino ko awayin nya e" sabi nya. Tumungga sya ulit ng isang baso ng tequilla tapos ay binagsak nya iyon sa lamesa. Kitang kita kong humigpit ang pagkakahawak nya rito.

"Ikaw naman! Parang hindi ka na nasanay. Natural lang na ganon ang babae kasi mahal ka non" paliwanag ko.

"Kahit na! Wala ba syang tiwala sakin?" Natatawa ako sa mga tanong  ng kaibigan ko. Naaalala ko noon na naging ganyan rin ako kapag biglang nagtatampo si Shane sa akin ng hindi ko alam ang dahilan.

The Only Forever ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon