ISABEL (POV)"Sigurado ka bang nabusog ka sa luto ni mama?"
Habang naglalakad kami palabas ng gate namin."Oo naman! Ang sarap sarap kaya, Oo nga pala salamat ha?" Sabi nito.
"Salamat saan?" Takang tanong ko.
"Sa pagkaen."
"Ano kaba wala yun no. Ako dapat ang magpasalamat sayo." Ngiti kong sabi.
"Bakit naman?" Habang nakakunot noo ito.
"Wala. Basta salamat."
"Kung ano man yun walang ano man." Ngiti nitong sabi. Osiya isabel alis na ko ha? Paki sabi kay tita na salamat sa pagkaen ang sarap talaga. At agad na itong pumasok sa mamahalin niyang sasakyan.
"Oo sasabihin ko. Ingat ka."
"Nakangiti naman ito at tuluyang umalis."
Sa totoo lang gusto kong sabihin sakanya kung anong dahilan ng papasalamat ko sakanya, dahil kahit papaano pinasaya niya ko noong nakaramdam ako ng sakit nang makita ko si yuri kanina sa gym. Yung babaeng pinagtitilian ng mga studyante kanina na. kaso nahihiya ako kay Mj. Ayoko kasing ipaalam sa mga kaibigan ko o sa ibang tao na isa akong bisexual dahil natatakot talaga akong kamunghian ng lahat.
"Anak? Nakaalis naba si Mj?" Tanong ni mama habang nakatayo sa may pintuan.
"Ah, Oo mama nakaalis na." Agad naman akong pumasok sa loob. Kanina pa pala ako nagiisip.
"Umupo naman ako sa sofa." At tumabi naman si mama.
"Anak may kailangan akong sabihin sayo." Seryoso nitong sabi.
"Osige ma, ano po ba yun?"
Huminga si mama ng malalim. "Huwag ka sanang magagalit anak ha."
"Ano po ba yun ma? Promise hindi ako magagalit." Ngumiti naman ako.
"Kasi anak, sabi ng may ari ng companya na pinagta trabahuan ko na mas magiging okay daw ang trabaho ko kung ililipat nila ako sa US. Dahil mas malaki talaga ang sahod anak. Eh ang gusto ko naman na mapa-aral kita ng maayos at maibigay ko lahat kung ano man ang mga pangangailangan mo."
Nagulat naman ako sa sinabi ni mama. "Pero ma naman, tayo nanga lang dalawang mag kasama tapos ngayon iiwan mo din ako?" Bigla nalang tumulo ang luha ko.
"Anak, hindi naman kita iiwan eh, ang akin lang naman mapatapos kita ng pag aaral. Mahal na mahal kita anak. hindi ko gagawin to kung hindi ikaw ang dahilan. Ayokong nahihirapan ka dahil mahal kita."
"Ma pero may sakit ka po. Baka mapaano ka at ayokong mangyari sayo yun. Mahal na mahal din kita ma pero ayoko din namang nakikita kitang nahihirapan." Diko na napigilan at humahagulhol nako sa pagiyak.
"Wag ka mag-alala sakin anak, okay lang naman ang mama eh, nagpatingin na din ako sa doctor at okay naman daw kailangan lang imaintain ang gamot na iniinum ko." Habang napapaiyak nadin si mama.
Agad ko namang pinunasan ang mata ko."Sigurado po ba talaga kayo ma?"
"Oo anak, nakakapag desisyon nako. Para sayo lahat tong ginagawa ko anak kaya ako pumayag."
"Kaya mahal na mahal kita ma eh. Maraming salamat ma ha? Wag kang mag alala pagnakagraduate nako ako naman ang maghahanap buhay para satin ma. Wag ka ng umiyak ma! Baka makuha tayo sa ABS CBN." Tila natawa naman si mama sa sinabi ko.
"Ikaw talagang bata ka panira ka ng moment ah, haha basta mag-aaral ka ng mabuti dito ha? Walang jowa jowa pagnalaman ko lang talagang may boyfriend ka magagalit ako sayo. Unahin mo muna ang pag-aaral anak ha?" Habang pinupunasan ang kanyang luha.