Chapter 8

3.3K 52 3
                                    

MJ

Nandito nako ngayon sa bar. Sinalubong naman ako ni kate at ng girlfriend niya.

"Hey sanbredas ang aga mo ata?" Si kate.

"Wala lang." Naglakad naman ako papuntang bartender at uminum ng alak.

"May problema ba?"

"Wala nga." Habang tinungga ang bote ng alak.

"Eh bakit ka nagkakaganyan?"

"Trip ko lang uminum."At Nagsindi ako ng yosi.

Maya't maya narinig ko ang pagbati ni kate kay mich at stacey nandito na pala sila.

"Hoy sanbredas baka marami ka ng nainum ha." Si mich.

"Kanina pa nga yan umiinum eh may problema ata." Si kate.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni stacey.

"Wala nga guys. Mauna nalang muna kayo dun sa VIP room susunod nalang ako."

Hindi na sila nagsalita at pumunta na sa VIP.
Mga kalahating oras pumunta na din ako sakanila.

"Oh nandito na si Mj" Sabi nila. Naglakad naman ako papasok at umupo sa tabi ni mich.

"Ano ba kasing problema?" Si mich.

"Wala."

"Ngayon ka pa ba maglilihim sakin sanbredas?"

"Sasabihin ko din sayo mich but not right now." At nagsindi ako ng sigarilyo.

Nakita ko naman si selena na nakatayo sa may pintuan, halatang kakarating niya lang.

"Hey guys! Kami nalang pala ang kulang." Si selena habang nakangiti.

"What do you mean? Anong kami?" Takang tanong ni kate.

"Syempre Isabel is here." Agad niyang hinawakan si isabel at pumasok na dito sa loob.

Agad naman silang lumapit kay isabel para magbeso. Tila nagulat naman ako dahil hindi ko inakala na sasama siya. Alam kong nagkaka ilangan kami ngayon dahil sa nangyari. Ni isa sa mga kaibigan ko walang nakakaalam dahil sa ginawa ko kay isabel. Dahil kapag nalaman nila yun siguradong puputok nanaman ang mga armalite sa bibig nila. Ngayon ko lang ulit nakita ang maamong nitong mukha, parang gusto ko siyang yakapin at gusto kong humingi ng sorry pero hindi ko kaya. Halata naman sa kinikilos niya na umiiwas ito ng tingin sakin.

Mga ilang oras sobrang lasing na ang barkada. Si mich at ako nalang ang wala pang tama. Si isabel sumasayaw na kasama sila stacey, parang kanina lang nahihiya pa itong sumayaw pero ngayon, tingnan mo nga naman may tama na agad ng nagkaroon ng lakas ng loob. Pinagmamasdan ko lang ito ng mabuti, Ang galing niya palang gumiling at ang sexy pa. Hindi ko alam kung kaya kong mapaibig ang isang straight na kagaya niya.

"Hoy sanbredas." Si mich.

"Oh mich bakit?

"Tulala ka nanaman, Mukhang lasing na lasing na sila. Lalo na si isabel. Mukhang kailangan na natin silang ihatid dahil madaling araw na."

Tumango naman ako. "Ah sige okay lang sakin, okay pa naman ako eh, kaya ko pang magmaneho."

"Sure ka? Okay sige tawagin na natin sila." Tinawag namin sila at agad naman silang lumapit samin.

"Guys. Alam kong lasing na kayo kaya kailangan na namin kayong ihatid." Si mich.

Tila lasing na lasing na talaga sila hindi na nila alam kung ano ang sinasabi ni mich.

"Sanbredas diba alam mo naman ang bahay ni isabel?" Tanong nito.

"Ah O-oo paano mo nalaman?" Takang tanong ko.

Addicted To Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon