Chapter 4

4.6K 65 2
                                    


MJ

Wala pala kaming pasok ngayon. May program kasi sa school, kaya napag isip isip ko na mamaya nalang pumunta. Bumaba nako para kumain ng breakfast.

"Hi yaya ko, goodmorning." Bati ko sakanya.

"Goodmorning din baby mj ko, may pasok kaba ngayon?"

"Wala yaya, pero may program kami ngayon sa school maya't maya nako aalis tinatamad pa kasi ako."

"Osige baby mj ko ubusin mo na yang pagkaen mo." Ngiti nitong sabi.

"Opo yaya ko. Thank you." Agad naman akong kumaen.

Nang biglang may tumawag sakin. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello? Sino to?"

"Si mich to"

"Oh napatawag ka?"

"Update ko lang sayo. 1:00pm pa mag sisimula ang event."

"Akala ko ba 10:00 am?"

"Namove nga! Osiya see you later bye!" Sabi nito. At agad ko namang inend ang call.

11:00 am na pala. Umakyat nako sa taas para maligo.

Nang matapos nakong mag ayos sa sarili ko, Bumaba muna ako para manigarilyo sa garden. Nandito ako ngayon nakaupo at nagmuni muni, tutal 12:00 pa naman mamayang 12:30 nako aalis. Grabe ang sarap magrelax habang ninanamnam ang simoy ng hangin.

Mga ilang minuto naisipan ko na ding umalis para maaga akong makarating sa school.

Buti nalang walang traffic, pinarking ko naman ang kotse ko at naglakad nako papuntang campus. Nagsuot ako ng shades dahil masyadong mainit at tuluyang pumasok sa loob.

Alam kong maraming nakatingin saking mga estudyante at halatang kinikilig sakin, karamihan pa naman mga babae. Nakakatawa talaga.

Habang naglalakad ako may nakita akong isang babae na nakaupo sa bench. Wala akong magawa kundi lapitan ito.

"Mj, ikaw ba yan?"

"Oo ako nga isabel. Bakit mag isa ka lang dito?" Tanong ko. At umupo naman ako sa tabi niya.

"Hindi pa kasi dumadating mga kaibigan ko eh."

"Talaga? Eh ang pagkakaalam ko kami lang ang mga kaibigan mo."

"Tila di naman ito nakapagsalita at halatang nahihiya."

"Haha biro lang ano kaba tara punta na tayo sa gym. doon ata gaganapin ang program eh."

Agad naman itong tumayo. "Osige tara." Sabi nito.

Ang sexy niya ngayon grabe. Bigla ko namang naisip si carla. Saan na kaya siya ngayun? Makikita ko pa kaya siya?

"Mj okay ka lang?" Takang tanong nito.

"Ah oo okay lang ako."

"Saan na pala sila mich?"

"I don't know. Baka andito na yon maya maya."

Hindi naman ito nagsalita hanggang sa nakarating na kami dito sa gym.

"May contest pala ngayon. Ang pagkakaalam ko ibat ibang school ang maglalaban laban at malamang dito gaganapin."

"Talaga?" Tanong nito na halatang di makapaniwala.

"Oo nga." Tumingin naman ako sakanya "Mukha ba 'kong nagbibiro? Bakit ba parang di ka makapaniwala?"

"Ah- wala lang." Agad naman nitong binaling ang tingin sa stage. Nandito kasi kami ngayon sa unahan nakaupo kaya kitang kita namin kung sino man ang magpeperform. Mga ilang minuto nag umpisa na din ang program. At saktong sakto dumating na din ang apat. Nakompleto din kami.

Addicted To Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon